Sunday Dress

35 0 0
                                    

Sunday Dress (One Shot) by meanprincess

All Rights Reserve © 2014

LOUISA

"Oh Louisa yan na naman bang damit na yan ang susuotin mo ngayon?" bagot na tanong sa'kin ng ate ko. Magsisimba kasi kami ngayon eh.

"Opo ate" sabi ko sa kanya sabay ngiti pa.

"Diyos ko naman Ma. Louisa Agoncillo, pabalik-balik mo nang sinusout yang damit na yan ha? Di ka ba natatakot na baka ma kuspaw yan? Naiintindihan kong pabiroto mong soutin yan pero naman oh! Marami ka naming magagandang Sunday Dress dyan ha?" binulyawan na naman ako ng ate ko. Hay ewan ko ba sa kanya. Ano naming masama kong ibalik ko na namang soutin 'tong damit ko?

"Ate.. Nung nakaraang Linggo ko pa naman 'to sinout eh. Kaya di mo masasabing inulit ko na at tsaka bakit sa pagsisimba ba may rules na bawal ulitin ang susuotin?" binara ko siya kaya umiwas nalang siya nang tingin at nagpatuloy sa paglalagay ng pulbo sa mukha niya.

"Bahala ka nga. 18 ka na. Malaki ka na. Sundin mo kung anong gusto mo. Tara na nga baka wala na tayong maupuan" sabi ni Ate sabay kuha ng susi sa bahay at tuluyan na kaming umalis ng bahay. Di naman malayo yung simbahan sa bahay namin eh. Malalakad lang naman. Noong nasa simbahan na kami. Umikot na yung mga mata ko. May hinahanap.

"Wala siya ano? Ayan kasi para ka kasing nagsisimba para makita lang siya" narinig kong bulong ni Ate

"H-ha? Di kaya. Naghahanap ako ng mauupan! Ano ka ba!" pagsisinungaling ko naman.

"Hay ewan ko sa'yo. Halika na nga't maupo na tayo ng madagdag mo yang pagsisinungaling sa mga listahan ng sala mong nagawa sa araw na'to" sabi niya sabay hila sakin. Loka talaga 'tong ate ko. Kung anu-anong alam eh.

Yung tinutukoy ni ate kanina si Joshua Ramirez yung dati naming kapitbahay na lumipat sa kabilang subdivision. Crush ko kasi yun eh *__* talendi koooooo XD Sino ba naming di magkaka-crush dun? Gwapo, mataino, varsity at president ng SBO sa school. OPO! Schoolmate po kami. Pero parang di naman. Kasi dahil sa ka busy niya, di ko na siya nakikita sa school. Minsan kasi nasa SBO Office lang siya nagmumukmuk o di kaya'y sa lib. Okay nga lang kung sa lib siya laging nakatambay eh kasi pwedeng dun din ako para mag-stalk sa kanya. Kaysa dun sa SBO Office. Di naman kasi kami pwede dun. Officers lang pwede dun at isa lang naman akong hamak na WORKING TEAM. Kumbaga, taga-tulong kami. Utusan nila okay nga lang kung siya yung nag-uutos eh. Yung personal siayng nagsasabi s autos niya. Pero palagi yung malanding babaeng pusit na may gusto kay Joshua ang nag-uutos samin. Sabagay secretary nila.

Matagal ko nang di nakikita yun.. mga nung nakaraang linggo (oh? Ang tagal nga diba? XD) Kaya ko siya hinanahap kasi BAKA lang naman nandito siya. Eh kasi naman pag itong Sunday dress na to ang suot ko eh nagpapakita siya eh. Yung tipong paglabas ko sa simbahan makikita ko siyang nakaupo sa may post board na kasama yung mga kaibigan niya. O di kaya'y nakatayo sa labas ng simbahan nag tetext. O minsan pa nasa harapan mismo nag aantay ng tricycle . o kaya'y nandun nakatayo sa nagtitinda ng fishballs nakatayo't nakikipag-usap dun sa mga tindera. Kaya, malay natin diba? Malay nating paglabas ko mamaya nandun siya. Isa yang mga lugar na yan sa tinitignan ko pagkatapos ng misa.

-

"AMEN'' natapos na yung misa. Nung nasa labas na ako. Bigla akong kinabahan. Kasi naman nandoon pala siya. Nakatayo sa may gate. Wow bago 'to ha? Tiyak ilalagay ko to sa listahan ng lugar kong san ko siya hahanapin pagkatapos ng misa XD Ang landeee! Kakatapos lang ng misa eh ˜.˜

"Ang lakas mo talaga kay Lord ha?" narinig kongnagsalita si Ate.

"huh?" nag maang ako. Sympre, kunwari!

"Ayun yung pinagdadarasal mo sa kanya diba?" sabi niya sabay nguso kay Joshua

"H-ha? A-ano bang sinasabi mo ate? T-tara na nga" sabi ko sa kanya sabay hila, nang di man lang tinitignan yung dinaraanan ko. Malakas ako kay Lord? Sana nga. Sana nga. Lord. Sana mapansin niya ako. San--

Sunday DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon