Sunday Dress- Joshua's SIDE

26 0 0
                                    

AN: uulitin ko po di po ito sequel ha? Side po ito ni Joshua nung di pa nangyayari yung confession moments. Sana po magustuhan niyo po. Enjoy reading :)

Joshua’s SIDE

“Joshua?Di pa ba tayo uuwi? “ tanong sakin ni Theo, yung kaibigan kong kasama magsimba ngayong lingo. Sunday kasi.

“Mamaya na” tanging sagot ko sakanya habang nakamasid sa paligid. Ang tagal namang lumabas nun.

“Sino ba kasing hinihintay mo” bagot na tanong niya.

“SIya” napangiti kong sabi sa kanya habang nakatayo lang sa may gate

“Sinong siya? Gago! May pangiti-ngiti ka pa dyan! BAkla mong tingnan dude!Sino ba kasi yang SIYA nay an? Pangalan niya?” bulyaw sakin ni Theo. Kahit kalian talaga di supportive. Tsk.

“sandali lang, lalabas din yun” sabi ko naman. Saktong lilingun na sana ako sa may likuran ng maramdaman kong may nabangga ako.

“Hala! Sorry!” naman oh! Ang ingay kasi ni Theo. Nakita ko namang tumingala yung nabangga ko pero agad namang yumuko. Sh*t! Kilala ko to ha?

“S-sorry” pagpapaumanhin niya.

“Ingat kasi” cool kong sabi sabay inilalayan siyang tumayo. Nakita ko naman sa peripheral view yung ate niya. Pa-as if akong wala lang. Pero deep down talagang nakakahiya. Nakakabakla talaga to!

“UY! Joshua! Nasan na yung sinasabi mong babaeng gustong-gusto mo?” biglang singgit samin ni Theo.Kung kalian ang ganda na nga ng moment biglang sisingit pero pagsobrang boring ng panahon tsaka wala.

“h-ha? W-wala makauwi na ata” nauutal kong pagsisinungaling kay Theo. Nauutal pa ako! Naman oh! Nakakabwesit!

“Pasensya na talaga! Mag-iingat na ako sa susunod” sabi niya at umalis na

“Oh? Sino yun?”

“alam mo ikaw Theo kahit kalian ka eh! Wala ka talaga sa timing kong dumating! Panira ka! bwesit!”

˜˜

Nabwesit talaga ako sa araw na to. Imbis ang ganda na nga ng gising ko kasi nagpagdesisyunan kong umamin na sa kanya. Sinadya ko talagang siya ang ipalinis sa chapel sa school para mapuntahan ko siya’t doon umamin. Kaya lang nagulat ako ng pagdating ko doon nakita ko si Clyde. Yung lalaking buntot ng buntot kay Louisa palagi. Aish! Ano ba kasing ginagawa niya doon? Sa pagkakaalam ko kasi si Louisa lang ang pinaglinis ko ha? Tapos narinig ko pang kaya daw sumali si Clyde sa working com ng SBO kasi dahil daw kay Louisa? Tapos inanyaya pa ni Clyde si Louisa na magsimba? NAgkataon pa namang wala yung ate niya kasi pagkakaalala ko nasa training na yun! Nakakabaliw isipin alam niyo yun? PEro mas na badtrip ako’t nawala ng gana nung narining kong may gusto na pala siyang iba. Pero yung nagugustuhan niya ay may gusto ng iba.bwesit! Ang swerte nang hayop na yun.Muntik ko na ngang tawagan si Theo’t ipaalam kong sinong gusto ni Louisa at ipabugbug eh! AT mas pumutok pa yung ulo ko noong pumasok na ako sa chapel at nakitang inakbayan ng lalaking yun si Louisa! Sa harapan ko pa yung dalawang yun nag akbayan at nagtitigan! Kaya lahat ng plano kong umamin ay nawala! NAkakainis! Nakakabwesit! At higit sa lahat nakakainggit! Ang swerte naman ng Clyde na yun na nakaakbay at nakausap si Louisa! Ako nga di ko magawang lumapit eh! Pag nga sa Linggo pag nagsisimba ako, hinihintay ko muna siyang makalabas sa simbahan bago pumara ng sasakyan o bago umuwi. Sapat na sa kin yung ganoon kasi ng anatotorpe ako pag nandyan na siya. NAwawala yung pagka leader ko. Alam niyo yung kayang-kaya kong magdemand o mag utos o di kaya’y lumapit sa kahit na sinong tayo? Pero pag siya pag uusapan? Taob si Joshua Ramirez. Kaya nga pag may pinapautos kami sa kanila yung secretary nalang ng SBO ang inuutusan ko kasi nawawala at umaatras talaga yung dila ko pagkaharap ko siya. Ang bakla diba? Bwesit!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunday DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon