Chapter 1:

77 1 0
                                    

[Vixx POV]

Every night I'm always having a nightmare. I don't know why pero yung time na palaging nag-uumpisa yung panaginip ko is exactly 3:13 ng madaling araw. Naguguluhan ako kasi ang palagi ko lang naman napapanaginipan ay isang babae na palaging nakapatong sa bandang tiyan ko while holding a knife na ginagamit niya sa pagtalop ng balat ko. Sa tuwing titignan ko siya ay wala akong makita sa kaniyang mukha. She doesn't have an eyes, nose, lips in short she doesn't have a face and it makes me shiver knowing that this monster is going to kill me. Ewan ko ba kung bakit siya na lang ang palagi kong napapanaginipan. It seems like she's haunting me every night parang hinihintay niya ako palagi na makatulog at tsaka siya aatake kapag 3:13 na ng madaling araw. I don't know why pero parang may mali sa bahay na ito to think na wala naman akong kasalanan sa kanya pero ginugulo niya lagi ang pagtulog ko. Mabait naman ako at sa pagkakaalam ko ay wala naman akong naagrabyadong tao kaya nakakapagtaka lang na ginugulo ako ng isang babae na para bang sinisisi niya ako sa kaniyang pagkamatay. Upang hindi mabahala at huminahon ang aking pag-iisip ay minabuti ko na lamang na makipagkita sa aking mga kaibigan na si Xian, Krisha at Kris (kambal). Nakaupo ako ngayon habang pinag-iisipan kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang mga bagay na nangyayari sakin o huwag na lamang dahil baka hindi lang nila ako paniwalaan. Pero dahil mga kaibigan ko sila at tiwala naman ako na pakikinggan nila ako ay sasabihin ko na lang.

"Guys may kailangan akong sabihin sa inyo." –ako

"Tungkol saan?" –Kian

"Good news o Bad news kuya?" –Krisha

"Mahalaga ba yan bro?" –Xian

"Guys kasi palagi akong nananaginip about sa isang babae na may hawak na kutsilyo tapos yung kutsilyo na yun ang ginagamit niyang pangtalop sa balat ko. Natatakot ako at ewan ko ba pero palagi yang nangyayari sakin gabi gabi at exactly 3:13 ng madaling araw. " –ako

"Seriously kuya? Ang tanda mo na e matatakutin ka pa." –Krisha

"Bro kumakain ka ba sa tamang oras?" –Xian

"Baka naman gutom ka lang." –Kian

Bakit ganyan sila? Bakit hindi sila naniniwala sakin? Sigurado ako sa napapanaginipan ko at hindi pa naman ako nababaliw lang para mag imbento ng kwento para lang may masabi ako sa kanila. Kahit madalas akong puyat ay kumakain naman ako sa tamang oras at natutulog naman ako sa hapon kapag may pagkakataon kaya alam ko naman sa sarili ko na nasa tamang huwisyo pa rin ako at alam ko ang mga sinasabi ko. Sa paglipas ng mga araw ay lalo akong nababagabag sa bahay na tinitirhan ko to think na nagiisa lang ako na tumutuloy sa bahay. Parang may mali yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko dahil nitong mga nakaraang araw ay parang may isang tao na laging pinagmamasdan ang bawat kinikilos ko. Don't get me wrong malakas lang talaga ang pakiramdam ko and sa buong taon na nakatira ako sa bahay, nitong mga nakaraang araw ko lang naramdaman na parang may nagmamasid sakin samantalang yung sa panaginip ko ay matagal na simula pa lang ng lumipat ako sa bahay. Kinagabihan ng araw ng paglipat ko ay dinalaw agad ako ng babae sa aking panaginip pero ganoon pa man kahit sanay na ako ay hindi ko pa rin naman maiwasang hindi matakot sapagkat ang pakiramdam ko sa panaginip na iyon ay parang mangyayari sakin sa totoong buhay.

"Seryoso ako guys. Simula ng lumipat ako sa bahay na tinutuluyan ko ngayon ang dami ng nangyari halos gabi gabi akong binabangungot at parang laging may nagmamasid sa akin. Maniwala kayo." –ako

"Oh. Sige nga anong itsura noong babae?" –Kian

"Hindi ko alam. Wala siyang ilong, labi at mata in short wala siyang mukha." –ako

3:13Where stories live. Discover now