*Beeez* *Beeez*
"Iho pupunta ka ba ngayon sa burol o mamaya na lang sa lamay ng mga kaibigan mo?" –Tita
Hindi ko namalayan ang oras dahil sobrang himbing ng tulog ko. Oo nga pala hindi na ako dinalaw ng babae sa pagtulog ko kagabi pero ngayon nawala naman ang mga kaibigan ko. I can't consider this as a blessing dahil nakatulog nga ako ng maayos kagabi pero nagkaroon naman ng kulang na parte dito sa puso ko. At ang parteng iyon ay ang mga kaibigan ko. Hindi man sila naniwala sakin at mas pinili na lamang na pagtawanan ang mga sinabi ko it doesn't change the fact na mga kaibigan ko pa rin sila at kailangan ko pa rin sila sa buhay ko.
"Opo. pupunta po ako ngayon Tita." –ako
Sabi ko bago pinatay ang linya at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ako at dumiretso na sa aking sasakyan. Oo nga pala at bibili muna ako ng mga biscuit at chips bago ako pumunta sa burol. Pumasok ako sa isang kilalang Grocery Store at bumili ng tatlong lata ng Biscuit at labing tatlong balot ng Chips. Hindi ko alam kung nagkataon lang na 3 at 13 ang bilang ng mga pinamili ko pero kasi sayang naman kung hindi ko pa bibilhin lahat, iyon na lang kasi ang natitira e tsaka tulong ko na lang yun para kay Tita at sa mga kaibigan ko na pumanaw na. Ewan ko kung dapat ba akong kabahan o ipagsawalang bahala na lamang itong nararamdaman ko dahil ito nanaman ang pakiramdam na parang may nagmamasid nanaman sa akin hanggang dito sa pagbili ko ng pagkain para sa burol. Pagkatapos kong mamili ay sumakay na ako kaagad sa sasakyan ko at pinaharurot ito papunta sa bahay nila Tita. Hindi naman nagtagal at nakarating na ako at sinalubong naman ako ni Tita ng mahigpit na yakap na para bang humihingi siya sakin ng lakas dahil sa mga nangyari sa kaniyang mga anak. Upang kahit papaano ay gumaan ang loob ni Tita ay ibinigay ko na sa kanya ang mga pinamili ko at sinabi ko rin na isa ang mga ito sa mga hilig na pagkain ng kaniyang mga anak. Napangiti naman si Tita at sinamahan ko lang muna siya hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras kaya hindi na lamang ako umuwi. Nagpaalam muna ako kayu Tita na may tatawagan lang ako at pumayag naman siya. Umakyat ako sa Terrace at tinawagan ang katrabaho ko na si Zeth.
"Bro, pakisabi naman kay boss na hindi ako makakapasok bukas. Nasa burol pa kasi ako at hindi pa nakakauwi ng bahay." –ako
"Sure thing. Pero sino nga ba ang namatay? At anong nangyari?" –Zeth
Pero bago pa ako makasagot ay biglang humangin ng malakas at may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Natatakot na ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko kailangan kong malaman kung sino ito. Hinawakan ko ang kamay na nakahawak sa balikat ko. God! Bakit parang ang lamig ng kamay na ito parang kamay ng patay. Potek. Eksaktong pagkaharap ko ay napasigaw naman ako. Jusko! Si Tita lang pala may hawak hawak na isang basong malamig na tubig kaya naman pala malamig ang mga kamay niya. Kinabahan ako doon. Inhale. Exhale.
"Okay ka lang ba Iho? Para ka namang nakakita ng multo. Sa ganda kong ito?" –Tita
I mouthed thank you at nginitian ko na lang si Tita pagkatapos kong tanggapin yung tubig. Potek! Akala ko kung ano ng mangyayari. Hindi pa rin talaga ako mapalagay at mas lalo atang lumalala ang nerbiyos ko dahil kahit hanggang dito nararamdaman ko na sinusundan at binabantayan pa rin ako. Hays!
"Uy bro? Bro? Okay ka lang ba? Are you still there?" –Zeth
"Pasensiya na bro. So going back to your question. Naaalala mo pa ba yung mga kaibigan ko? Sila Krisha, Kian at Xian?" –ako
"Oo bro. You mean sila yung namatay? O kamag anak lang nila?" –Zeth
"Sila mismo bro. I don't know why pero sa tingin ko may kinalaman sa pagkamatay nila yung babae sa panaginip ko." –ako
YOU ARE READING
3:13
TerrorAll of you may think that 3:13 is just a numbers. Pero masasabi mo pa rin bang mga numero lamang ito kung ito ang magiging oras ng kamatayan mo? @DM_Geradila :>