Gumalaw ang baso at ito'y kusang naglakbay patungo sa isang salita. Yes. Dahil sa nangyari ay napadilat silang lahat upang alamin kung sinong may pakana nito."Si-sinong kumuntrol nito?" Tanong ni Thea na putlang-putla na.
"Hi-hindi ako. Ang baso ay kusang kumikilos!" Bulalas ni Vernon na tagaktak ang malamig na pawis.
Naniwala naman ang iba at mas dumoble ang kabang nadarama nila. Kasama na nila si Cassey. Nasa loob na ito ng silid at makakausap na nila.
"B-besuwap, ikaw b-ba talaga 'yan?"
Gumalaw ang baso, pero agad itong bumalik sa huling pwesto.
Yes.
"A-ah, si-sige. G-gusto ko lang s-sana itanong ito sa 'yo..."
Hindi makapaniwala si Maria dahil sa nagawa nila. Napabuga na lang ito ng hangin upang kumuha ng lakas-loob bago sinubukang magsalita, "May diary ka bang ginawa?"
Yes.
"To-totoo b-ba lahat ng nakasulat doon?" Nauutal niyang tanong.
Yes.
"N-nakipagsundo ka ba kay Lucifer?"
Halos maubusan ng hininga si Maria dahil sa kaniyang itinanong. Masyadong mabigat ito at hindi niya alam kung tama ba o ikakagalit ba ito ng kaibigan.
Yes.
Hindi nakayanan ni Maria ang kaniyang nalaman at bigla na lang itong naluha. Ang mga kaklase naman niyang nakasaksi ay napabitaw sa baso at napatakip ang sariling kamay sa bibig upang pigilan ang kumakawalang hikbi.
Gumalaw ang baso at tanging kamay na lang ni Maria at Vernon ang naiwan sa ibabaw nito. Ginalugad ng baso ang buong board at tumitigil saglit sa mga letra upang mabuo ang nais ipahayag.
P
A
R
A
K
A
Y
T
H
O
M
A
S
Sa nabasa nila ay nakumpirma nito ang isinulat ni Cassey sa diary nito. Totoo ngang nakipagkasundo si Cassey kay Lucifer kapalit ang sariling kaluluwa.
"Cassey? O-okay ka lang ba ngayon?" Naluluha niyang tanong.
Gumalaw ang baso at naglakbay ito patungo sa...
No.
Parang sinilaban si Maria dahil sa sagot na nakuha niya. Hindi niya matukoy kung ano ang kaniyang nararamdaman dahil sa parang naghalo-halo na ito; kaba, takot, hiya, tuwa. Siya'y nababalisa.
"C-Cassey, p-pasensya kung nagambala k-ka namin ngayon. A-ang gusto lang namin a-ay ang makausap ka at malaman ang sitwasyon mo. N-ngayon ay maaari ka nang umalis at mamayapa. S-salamat." Sabi ni Maria upang tapusin ang kanilang pakikipag-usap kay Cassey.
Gumalaw ang baso...
No.
"Shit."
Wala ng salita pa ang lumabas sa bibig ni Maria at gano'n na rin ang kaniyang mga kasama. Mistulang napipi sila at nanigas na lang sa kinauupuan. Hanggang sa biglang namatay ang lahat ng kandila't nilamon sila ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
Cassey, [Book Two]
Horror"Aalamin ko ang totoong nangyari sa kamatayan mo." Date Started: April 28, 2018 Date Finished: May 14, 2018