Day 7.1

3.9K 122 25
                                    

11:32 pm

"C-cassey."

Sa takot ni Maria ay biglang nakaramdam ito ng hilo at muntikan siyang natumba dahil sa panandaliang pagdilim ng kaniyang paningin. Mas nanaig naman ang kagustuhan niya na makaalis at makalayo kay Cassey, kaya nanginginig itong napapahakbang paatras.

Nagbilang siya ng tatlo bilang paghahanda sa planong pagtakbo, habang ang mga mata niya ay nakapako lang sa nakakahindik na hitsura ni Cassey; nakahubad ito habang ang buong katawan niya ay nabubulok at naaagnas, wala itong buhok, matalim ang mga mata nitong naninilaw. Ibang-iba ang pustura nito dahil sa nakayuko ito na parang kuba, ang magkabilang braso naman niya ay nakatabingi, habang ang kanang hita ay may malaking biyak at hila-hila niya ito habang naglalakad.

Pero bago pa man umabot ang pangatlong bilang ay bigla na lang siyang sinipa ni Cassey gamit ang kaliwang binti nito. Sobrang lakas ng pagkakasipa niya na nabiyak ang tuhod ni Maria at nalihis ito sa likod.

Halos mawalan ng ulirat si Maria nang bumagsak ito sa sahig habang sumisigaw at iniinda ang sinapit ng tuhod. Iyak nang iyak ito habang pilit na hinahawakan ang tuhod na namumula, ngunit hindi niya magawang ilapat ang kamay rito dahil sa sobrang sakit, lalo pa't nakakahindik din itong tignan dahil sa nakausling matulis na butong pumunit sa laman niya.

Napalingon at napatingin siya kay Cassey at nginitian lang siya nito animo'y natutuwa sa sinapit niya, lumutang ang nabubulok na bibig ni Cassey na wala ng ngipin at dila, dahil doon ay mas lalong nangilabot si Maria.

Ginamit niya ang kaniyang magkabilang kamay at buong-lakas na tinulungan ang sarili na makagalaw. Habang panay siya sa pagingon kay Cassey na hindi gumagalaw ay nagsumikap siyang umalis at gumapang papalayo sa halimaw na kaibigan.

"M-maawa ka C-cassey."

Isang halakhak ang kumawala sa bibig ni Cassey. Parang nabingi ito na hindi man lang siya pinakinggan at nakalimutan na nito ang kanilang pakikipagkaibigan.

Hanggang sa hindi niya inasahan ang biglaang ginawa nito. Hindi pa siya nakakalayo nang itinaas ni Cassey ang kaliwang paa na nag-aamba. Walang kaalam-alam si Maria sa gagawin nito, sa halip ay nagpatuloy pa rin siya sa paggapang. Ngunit bago pa man siya nakakilos ay hindi na niya nailagan pa ang pagbagsak ng paa ni Cassey.

Tumama ito sa likod ni Maria at nadurog ang buto niya. Ang sakit na dulot nito ay kumalat sa buong katawan niya na nagparalisa sa kaniya. Mas lalong lumakas ang sigaw nito at iyak nang paulit-ulit na inaapakan ni Cassey ang likod niya ng sobrang lakas animo'y dinidikdik ang katawan niya.

Cassey, [Book Two]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon