Dear diary,
Kung tutuusin, maganda na ang buhay namin ng pamilya ko. Masaya , Malaya at kompleto. Natanggal sa trabaho si Daddy kaya kailangan naming lumipat ng bahay. Ito na ba ang pagtatapos ng magandang buhay namin ng pamilya ko? Sana Hindi naman........
* Closes Diary *
Flashback
Sa half closed na pintuan nakinig ako sa usapan nina Mommy at Daddy.
" Layla, ( Mommy ) kaninang umaga, nung pauwi ako, may nabunggo akong bata... "
Hinawakan niya ang T shirt ko at nagtanong..
" Bakit ka malungkot? "
" Natanggal kasi ako sa trabaho eh.. "
Ngumiti ang bata at Biglang lumakas ang ihip ng Hangin.. May inabot siya sa aking papel,
" Maganda yan, Ngayong wala ka nang trabaho, pwede ka nang pumunta diyan ! Libre yan, kaya kung ako sa iyo, Pumunta ka na... " Sabay takbo ng bata..
* End Of Flashback *
Sumakay na kami sa Bus. Papunta na kami sa bahay na lilipatan namin. Hindi pa namin alam kung ano ang itsura nito, pero dahil libre, kinuha na namin. Taggipit kami ngayon kaya no choice kami. Kaso, nagtataka pa rin ako, bakit? Ano meron sa bahay na iyon at parang doon na lumaki yung bata.. paano niyang nasabing maganda? Na libre? Wala na bang nakatira doon..??
Huminto ang bus.
" Pasensya na kaso, hanggang dito na lang ako " Sabi ng driver
Oo nga, ngayon ko lang napansin, Kami na lang ang pasahero.
" Teka, Malayo pa ang pupuntahan namin " sabi ni Mommy
" Pasensya na po talaga pero hanggang dito na lang talaga ako "
" Bakit ba ha ? " Tanong ni mommy
" Eh, Mam ... Kas-- wala po. Sige po Aalis na ako.
Biglang harurot ng Bus.
Wala na kaming maggagawa, kailangan naming maglakad hanggang makarating kami sa bahy na lilipatan.
Nakalipas na ang 2 hours nakarating na rin kami. Ang laki ng bahay, imposible naman na libre Lang Iyon. Kakaiba rin dahil Highway siya ngunit walang sasakyan na dumadaan.
~ End Of Chapter ~
BINABASA MO ANG
Kisap Kisap
خارق للطبيعةKung sinusundan ka ba ng multo, magpapakamatay ka? O kakausapin mo ang multong iyon?