bakit ba ang hilig hilig hilig hilig maglasing nang mga tao?
di naman nila kayang dalhin..hayyy
yung pagkatapos magpakalunod sa alak ehh suka dito, suka doon, tumba dito, tumba doon, ang malala pa PAGWAWALA DITO, PAGWAWALA DOON.
nakakainis!
bakit ba kasi nagpapakalasing tapos di naman pala kaya?
nakakaperwisyo pa..hayy
naranasan n'yo na bang dumaan sa tapat nang mga may nag iinuman? umiinom na nga nangengeelam pa eh noh?
meron yung bigla ka nalang tatawagin at paiinumin ka (mostly sa lalaki), meron naman yung aasarin ka at yung iba hihipuan ka (para sa babae) mapapatakbo ka nalang sa takot.
dama n'yo ba?
ehh yung lasing yung isa sa mga lalaking myembro nxyo sa pamilya? tapos iniuwi pa ang kabarkada o katrabaho sa inyo na lasing din.
nakakairita di ba?
tapos mangungulit ngulit, walang katapusang kwento kahit walang kausap...ang masaklap pa, malakas ang boses..sa'n ka pa?
makakatulog ka pa ba?
di naman bawal ang uminom....dalhin lang sa tiyan...hwag sa utak!
matutong tantsahin ang iniinom...
at isipin din kapag kagising sa pagkalango kung nakaperwisyo ka ba o ano?
pasensya na po.
nagtataka lang talaga.
hoping na yung mga umiinom ay uminom nang moderately sabi nga sa mga commercials.
wala po sana mahurt sa post na 'to.
i'm just stating the thoughts that pop up my mind at the moment.
(June 26, 2014 ; 12:06AM)
sorry for this.
BINABASA MO ANG
UNENDING THOUGHTS
Humora lot of questions in our minds that we want to speak out....but we can't....... hayyyy.... bakit? dahil hindi iba iba ang sagot... dahil maguguluhan sila kapag nagtanong ka... at? dahil wala silang masagot na tugma sa iniisip mo... Let's call this...