BARKADA

31 1 0
                                    

ang saya kapag may mga barkada ka no?

yung kasama mo sa gimikan, sa mga birthdays n'yo, sa school, sa mga bonding sa bahay nila, sa mga kagaguhan at kabalbalan na ginagawa n'yo kapag magkakasama kayo, lalo na ang damayan kapag may problema ang isa o bumagsak sa exam o heart broken....

yan ang mga TUNAY NA BARKADA. :)

yung kapag walang wala ka nandyan parin sila?

kapag malungkot ka nandyan yung mga advice at pagpapatawa nila para maibsan ang lungkot?

yung gagawin lahat tumawa ka lang?

danas niyo din ba? ^_^

di ko alam kung paano ko ieexpress yung feelings ko sa kanila.....sobrang appreciated at love na love ko sila.....haha

minsan may mga tampuhan pero madalas gaguhan lang....haha

pero kapag usapang paninira sa barkadahan agad naming inaaksyunan dahil hindi namin hahayaang mabuwag ang barkadahan para sa babae o sa lalaking nanloko sa isang kabarkada namin, o sa mga pilit naghahati sa amin....

pamilya...yan ang tamang term para sa mga tunay nating mga kaibigan....

madami kasi silang role...

KUYA, ATE, NANAY, TATAY....di ba?

pero madalas? parang mga GIRLFRIENDS O BOYFRIENDS mo na sila..hahaha

hindi mo sila mapagpapalit sa iba na mas mayaman o mas may kaya o mas matalino.....dahil hindi mapapantayan nang mga yun ang sayang naidudulot nila...^^

super overwhelm lang po kaya ganito. XD

(Oct. 8, 2014 ; 8:53pm)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNENDING THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon