bakit nga ba kapag may problema ka sa pamilya hindi mo masabi? bakit parang feeling mo hindi nila napapansing sobrang nasasaktan kana?
alam natin na ang gusto nang mga magulang ay ang makabubuti sa atin, pero naitanong na ba nila kung may sama ba tayo nang nararamdaman sa mga madalas eh masasakit na salitang namumutawi sa mga bibig nila na ang akala nila ay yun ang makakapagdisiplina sa atin?
Aware ba sila dun?
masakit yung feeling na ginagawa mo na lahat nang best mo pero parang wala parin sakanila?
Nakakalimutan nilang tao lang tayo at hindi robot.
madalas nila tayong ikumpara sa iba para daw malaman natin ang mga mali natin....
ang tanong ko lang.....mali nga ba tayo o mali ang klase nang pagtatama sa atin?
bakit kaya madalang na madalang lang sa isang magulang na itanong kung may nararamdaman ba tayong sama nang loob sakanila?
alam ko...oo...dahil ayaw din nilang masaktan kung sakaling masabi natin ang mga sama nang loob na dulot nang maling pagtatama nila sa atin?
pero dapat alam din nila kung kelan tayo nasasaktan...kasi anak nila tayo.
hindi ko kailangan magsumikap na makakuha nang mataas na mga grado kung alam kong masaya kayo basta pumapasa ako....pero hindi....
kahit matalino ka kung pinupush lang nila ang pagiging Honor sa class walang mangyayare.....baka nga magrebelde pa eh.
bakit?
dahil puro nalang aral...oo makikita natin na pinagmamalaki tayo kapag mag achievement...pero hindi nila napapansin na habang pinupush nila tayo wala na gaanong love na naipaparating sa atin...
dahil nafocus na sila sa goal...
madalas mahihiling natin na sana iba nalang ang mga magulang natin...na sana nasa ibang buhay tayo.......
lumaki nga tayo nang madaming nakukuhang achievement....pero lumaki naman tayo na may hinanakit na dala sa puso......
BINABASA MO ANG
UNENDING THOUGHTS
Humora lot of questions in our minds that we want to speak out....but we can't....... hayyyy.... bakit? dahil hindi iba iba ang sagot... dahil maguguluhan sila kapag nagtanong ka... at? dahil wala silang masagot na tugma sa iniisip mo... Let's call this...