Natulala nalang ako ng parang ewan pagkatapos niya 'kong tulungan pulutin ang mga nalaglag
kong libro. "Ito na," tas nginitian ako habang inaabot ang mga libro sa'kin. Hwaaaa! Alam niyo 'yung feeling na parang may kuryente na umakyat sa'yo magmula paa paakyat sa ulo? Tas biglang magso-slow motion ang lahat at may background music? Tas tutumba ka ng 'di oras. Nakakapanlambot talaga. "Aray!" napahawak ako sa noo ko ng pitikin ako ni Julia. "Ayan nanaman si Ateeee! Day dreaming! Tsk." pang-aasar niya. "Ewan ko sa'yo, inggit ka lang!" pang-aasar ko sakanya pabalik. "Aaaaaaahhh!!!" maluha-luha ako pagkatapos kurutin ni Julia ang braso ko gamit ang buong daliri niya. "Masakit?" minsan abnoy talaga 'tong bestfriend ko e. Ay, mali. Abnoy nga talaga. "Hindi! Kaya nga 'ko um-aray diba?! Bwisit!" pagalit kong sabi habang hinahaplos ang braso ko. Bwisit, bumakat mga daliri niya sa braso ko.
"Sleepover ka sa'min?" tanong sa'kin ni Julia. Tumango nalang ako, tutal wala naman sila Mom and Dad sa bahay. "Wait, tawagan ko muna si Yaya." tumango nalang siya habang kumakain ng fishball. "Ate Elsa, andyan ba sila Mom and Dad sa bahay?" tanong ko kay Yaya, "Wala sila baby, inimbitahan sila ng Tita mo mag-shopping at dun na rin matulog sa bahay nila." nagulat ako ng nakasalampak na sa sahig si Julia kakatawa at halos natatawa na rin ang mga taong dumadaan sa paligid namin. "Ah okay Ate. Pasabi nalang po kina Mom na dun ako matutulog kina Julia ha? No need to worry Yaya, kasama ko naman si Julia." marahang sagot ko. "Okay baby, ingat ka dyan sa bestfriend mong demonyo kung tumawa." napatawa nalang ako ng mahina at binaba na ang phone. "Hoy abnoy! Ba't ba tawa ka ng tawa?!" pagtatanong ko habang nakapamewang. "Hahahaha! Kahit kailan talaga, napakabisaya ng accent ni Ate Elsa! Haaaahahahaaaahahaaaa!" ewan ko kung mabi-bwisit ka sa tawa nito. Patili 'yung tawa.
"Tulog na 'ko be ha." habang nakayakap sa unan niya. Kakatapos lang namin gumawa ng assignment namin. "Sige be." habang inii-scroll down 'yung news feed ng Facebook ko, naka-mobile lang kasi ako. Anak ng inamorata! Biglang nanlaki ang mata ko ng biglang may nag-pop na '1' sa friend request button ng FB ko. "Aaaaaaaahhhh!!" napakagat ako sa unan ko habang sinasabunutan ko si Julia. Biglang pinalo ni Julia ang kamay ko. Pero hindi naman ga'nong malakas. "Ano nanaman ba? Tsk. Tulog na nga 'yung tao e." pagsisimangot ni Julia. "Ba't tao ka ba? Joooke beee!" hindi niya lang ako pinansin. "Uy Juls, tignan mo kasi!" biglang humarap na sa'kin si Julia, pero nung nakita niya kung sino 'yung nag-friend request e wala man lang siyang reaksyon. "Hoy be! Ano ba 'yan e! Wala ka bang masasabi? Hindi ka ba magre-react?" pamimilit ko. "Reeeaaaact!" pagpapatawa niya, kahit 'di naman nakakatawa. "E ano naman kasing masasabi ko dyan? Sige na, kino-congrats na kita. Cooongraaats!" baliw na talaga 'to. "Ewan ko sa'yo! Matulog ka na nga lang ulit." hindi na siya nakasagot ulit. Tuwang tuwa naman ako habang kini-click ang 'accept' button. Tae, para na 'kong sasabog dito sa kilig!
By the way, kanina pa 'ko putak ng putak dito. Hindi pa pala 'ko nakakapagpakilala sainyo. Ako nga pala si Stefani Holland. Pure filipino ako, hindi ko alam kung bakit ganyan ka-sosyal ang apilyedo ko. Mahaba ang buhok, may bangs at may highlights na rainbow. Pero not totally isang hibla lang ng buhok. Kalat kalat siya. Bagay naman siya sa'kin. Bilugan ang mata ko, matangos ang ilong, sexy pero not totally ala FHM sa ka-sexy-han. Tama lang. Matangkad.
Si Julius Klein naman 'yung lalaking kinakabaliwan ko, kaya ko rin nasabunutan ng 'di oras si Julia. Pure british siya, pero ang iba sakanya e bihasang bihasa sa tagalog. Sa UK siya pinanganak pero dito siya lumaki sa Pilipinas. Ang alam ko kasi, nagtayo sila ng restaurant dito. Black na may brown ang kulay ng buhok niya. May blue eyes na talaga namang nakaka-attract plus 'yung labi niyang palaging mapula. Maputi rin siya, pero 'yung tamang pagka-puti lang. Nagsimula ang pagka-crush ko sakanya ng isang beses ay nakatabi ko siya sa bus nung fieldtrip namin nung 4th year highschool ako. Hinding hindi ko makakalimutan 'yung ginawa niya sa'kin nun. "O ito o. Suotin mo muna jacket ko, nilalamig ka ata e." namula ako nun dahil sa kilig plus hiya. E biglang um-epal 'yung pagbahing ko. "Nye, grabe ka. Napakaginawin mo. Yakapin nalang kita para mabawasan pa 'yung ginaw mo." at 'yun nga, niyakap niya 'ko. Hwaaaaa! Halos gusto ko ng basagin 'yung bintana ng bus nun sa kilig.
Si Julia Manahan, ang pinaka pa sa mas pinaka baliw kong bestfriend. Pero kahit hina-harass ako niyan minsan, mahal ko 'yan. Ka-partner ko rin sa kabaliwan 'yan e. Bestfriend na kami since birth ng magulang ng mga magulang namin. Kasi 'yung Nanay ni Mommy, bestfriend din 'yung Nanay ng Mommy ni Julia. Kaya ayun, nagtuloy-tuloy na ang henerasyon ng pagkakaibigan at ipagpapatuloy pa namin.
Sa kakapakilala ko isa-isa sa mga sarili namin, hindi ko namalayang tulog na pala 'ko habang naka-headset at pinapakinggan ang kantang 'Hey Stephen' ni Taylor Swift.
BINABASA MO ANG
My British Boyfriend
RomanceNaranasan mo na bang umasa? Umasa ng todo, kaya sa kaka-asa mo, mukha ka ng tanga. Naranasan mo na rin bang mag-move on dun sa taong 'yun? Pero dito nanaman siya ulit iintrada sa buhay mo. Bwisit ano? Pero pa'no kung lahat ng pag-asa mo sa kanya ay...