CHAPTER THREE ☆

16 1 0
                                    

"Please po Sir, ibalik niyo na po ang phone ko. Tinignan ko lang naman po kung anong oras na. Sorry na po Sir, hindi na mauulit." pagpapakiusap ko sa teacher ko. Tae, wrong timing talaga 'ko. "E panong oras lang ang tinitignan mo? E ang nakita ko nga ay ang picture mo na may katabing lalaki. Nako naman Ms. Holland, pati ba naman sa harap ng klase ko pumapantasya ka pa." makapagsalita naman 'to! FYI, siya nag-aya mag-picture.♥ "Namalik mata lang kayo Sir, 'yun po kasi ang wallpaper ng cellp---." in-interrupt ng teacher ko ang pagsasalita ko. "No more excuses Ms. Holland, makukuha mo pa 'to mamayang 7pm at my center." urrggh. Bwisit, parang 'yun lang naman! Haaay, pa'no kung mag-text dun si Julius my love? Ay, ang assumera ko naman. Imposible naman 'yun.

"Ayan kasiii! Umatake nanaman ang kelendeen mooo!!" panenermon sa'kin ni Julia. Tapos na ang klase ko, punta muna kami sa library. "Grabe ka naman makapagsalita, kung ikaw rin naman siguro 'yung nasa kalagayan ko, ganito rin mangyayari sa'yo e." at bineh-latan na parang bata. "Hay nako, basta sa susunod 'wag mo ng ulitin 'yun. Limit your feelings, para kapag bumagsak ka, hindi gaanong masakit." kahit may pagka-mental disorder 'to, akala mo guidance councilor kung magpayo. "Tama ka be! Love you be!" at bigla ko siyang niyakap.
"Stefani!" may biglang tumawag sa pangalan ko, lumingon naman ako pero hindi ko makita kung sino 'yun, nagkalat kasi sa quadrangle ang mga iba pang estudyante.
Hinayaan ko nalang. "Huy be! Antayin mo 'ko!" hindi ko namalayan na ang layo na pala ng nalakad ni Julia. Akmang tatakbo na 'ko ng may tumawag ulit sa pangalan ko at pagkalingon ko..

BOOOGSHH!!

'Yung tumawag sa pangalan ko ay naka-untugan ko, biglang dumilim ang paningin ko at bumagsak nalang sa sahig kaya't hindi ko na nakilala kung sino 'yun. "Stefani? Are you alright? Tsk, nako dadalhin kita sa clinic." naramdaman ko nalang na may bumuhat sa'kin. Habang buhat buhat niya 'ko ay na-realize ko na parang pamilyar ang amoy ng taong nagbubuhat sa'kin ngayon. Nung naalala ko kung sino 'yun, tuluyan na 'kong nawalan ng malay. Si Julius pala ang nakabunggo ko at ang nagbubuhat sa'kin ngayon.

"Ano okay ka na?" pagkadilat ko ay nakita ko sa tabi ko si Julius. Tumango lang ako at umupo ng maayos sa higaan. "Sorry kanina ha. 'Di ko alam na nagmamadali ka pala." namula ako sa sinabi niya. Kung tutuusin, kahit hindi na siya mag-sorry. 'Yung pagbuhat niya sa'kin kanina, that's enough. "Okay lang, ako rin naman may kasalanan, padaskol-daskol ako masyado." bigla akong napa-aray ng nakamot ko ang bandang gilid ng noo ko. "O! Tsk, mag-ingat ka nga. Dumugo naman tuloy." tas bigla niyang inayos 'yung bandage na nasa noo ko. Tae, magkalapit ang mukha namin ngayon. Bigla na 'kong sumandal para umiwas na. "Ba't mo nga pala 'ko tinatawag kanina?" iniba ko nalang 'yung usapan, kinikilig na 'ko e. ♥
"Hindi mo kasi sinasagot mga texts ko e." tas biglang lumungkot 'yung mukha niya, "Sorry, ang totoo kasi, na-confiscate 'yung phone ko ni Sir Ibañez kanina nung nagkaklase kami." naiinis tuloy ulit ako 'pag naalala 'ko 'yung nangyari kanina. "Ha?! Ba't naman?!" maygaaad! Hindi ko naman pwedeng idahilan sakanya na dahil sa picture naming dalawa kaya nakuha ang phone ko. Ang landi ko na nun sobra. "A, e, k-kasi tinignan ko 'yung ora-as. E nahuli n-niya 'ko, kaya s-siguro ak-kala niya nagse-cellphone ako." kunwari nagpaawa face ako. "Grabe naman si Sir, pero don't worry. Close ko 'yun si Sir. Kindatan ko lang 'yun, susuko na 'yun." tas kinindatan niya rin ako. Gusto kong sumigaw sa kilig.

"Sige Julius, salamat sa pagdala sa clinic nitong bestfriend kong lampa ha? Ingat ka pag-uwi." at sarcastic na ngumiti si Julia. "Okay lang 'yun. Basta Stefani, ako na bahala sa phone mo." tapos ngumiti siya. Kumaway na kami sakanya. Maya maya bigla akong binatukan ni Julia, "Aray! Ano ba Juls?!"nakakainis naman 'to, kakagaling ko nga lang sa clinic, papasamain nanaman pakiramdam ko. "Ang oa mo magba-bye! Para namang maga-abroad si Julius." oa na kung oa, in love ako e.

"Bye be, ingat pag-uwi." bumaba ng jeep si Julia, mas malayo kasi bahay ko sakanila. Pagbaba ni Julia ay sumenyas siya sa'kin at itinaas ang phone niya, na ang ibig sabihin ay 'text text nalang tayo'. 

"Ma para ho." hay sa wakas at nakauwi rin. Buti nalang tapat agad ng bahay namin ang hinintuan ng jeep, ayoko ng maglakad. Parang hilo pa 'ko sa kilig. ♥ Pagpasok ko ng bahay sinalubong agad ako ni Yaya, "Oh hello Baby, buti nakauwi ka na. Sakto kakaluto lang ng dinner natin." sabay beso sa'kin ni Yaya, "Si Mommy po Ate Elsa?" marahan kong tanong, "Andun sa kusina baby, inaayos ang table, pumunta ka na dun, may aasikasuhin pa 'ko sa garahe."  tumango nalang ako. "Hi Mom." matamlay kong bati kay Mommy, "Hello baby, mukhang pagod ka ah? Gusto mo umakyat ka na sa kwarto mo? Hahatiran ka nalang ni Ate Elsa mo ng pagkain."  buti nalang napansin ni Mommy ang pagod ng katawan ko, "Sige mom, salamat." tas umakyat na 'ko sa kwarto ko.

-

Author's Note: 
Hello readers! Sorry kung napakatagal na buwan bago 'ko ulit nakapag-update sa story na 'to.
Super busy kasi talaga sa school. Nasiraan pa 'ko nang cellphone, e usually dun lang ako nag-uupdate. K, share sa may paki. xD Try ko bumawi. Please Vote this Chapter. ^^ Thanks. :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My British BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon