"Be, mauna ka nalang muna sa cafeteria. May hahanapin pa 'kong libro sa library e. Sige bye!" pagpapaalam sa'kin ni Julia, tumango nalang ako tas kumaway na sakanya. Hay nako. For sure 'di ko nanaman mauubos ang kakainin ko, siya lang naman kasi nakakaubos ng mga pagkain ko lagi e. Hindi na nga lang muna 'ko kakain, uupo lang ako dun sa cafeteria. Habang nakaupo ako at naka-headset, nagulat ako na parang ewan nung nakita ko kung sino ang nasa harapan ko. Si Julius my love. Emegesh naman talaga! "Pwede bang maki-table muna? Wala na kasing mga puwesto e, na-occupy na lahat." paglalambing niya, ewan ko kung lambing talaga, baka sa tingin ko lang. Haha. "Sure!" at nginitian ko siya nang biglang dumilim lahat ng paningin ko at bumagsak ako sa sa--- oops! Sinalo niya 'ko kaya sakanya ako bumagsak at hindi sa sahig. Tinatapik niya ang braso ko para magising ako, pero syempre ako naman si ateng nagkukunwarian na ayaw magising. Hmmm.. Ahhhh.
Ang bango bango niya tae. Long lasting sa ilong ko. Patuloy niya pa rin akong tinatapik. Um-acting ako na kunwari matamlay, dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nasilayan ko sa harap ng mukha ko ang attractive blue eyes ni Julius. Ahhhhh. Feeling ko heart shape na ang itim ng mata ko. "Okay ka na ba? Gusto mo dalhin na kita sa clinic?" bigla nalang akong napatayo sa sinabi niya, "Ay wag na, b-baka kilig lang 'to, ay este g-gutom." pagpapa-bebe ko. Hahaha. "Ito o? Binilihan na rin kita ng kakainin mo." at nginitian niya 'ko. Ahhhh. Lalo na 'kong nahuhulog sakanya.
"Nabusog ka ba?" tanong sa'kin ni Julius, tapos na kasi kami kumain. "Oo, busog na busog ako sa kakiligan." nawawala na 'ko sa sarili ko ng tuluyan, kung ano ano na pinagsasabi ko. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagtataka na sign na nawi-weird-uhan siya sa'kin. Nako Julius my love, kung alam mo lang kung ga'no ako kinikilig ngayon. "Hey, Julius is that you? It's been a long time, you look more handsome." napangiti lang siya pagkatapos sabihin 'yun nung malanditerang babae, nakakainis. Ano bang tawag sa suot niyang pambaba ngayon? Shortest short? Dapat nag-panty nalang siya. "Oh by the way, may Cupcake Party kami mamaya sa bahay. You wanna join?" sinasabi niya 'yan in a way na parang maghuhubad na siya ng 'di oras sa harap ni Julius. "Hindi ako pwede mamaya e. May family dinner kami mamaya." pagdadahilan ni Julius sa babaeng 'yun. "Don't worry, paalam kita kay Tita." teka? Tita? Tama ba ang rinig ko? Aba't talaga naman. Nainis na 'ko ng tuluyan kaya sumabat na 'ko, "Masama pakiramdam niya e, kaya please 'wag mo ng pilitin 'yung tao." at sarkastikong ngumiti. "Kausap ka?" epal 'tong babaeng 'to ah!? Lagyan ko kaya ng Eden cheese 'yang cleavage mo at paliguan ng hot sauce buong katawan mo pati mata mo?! "Teka nga Julius? Who's this cheap girl ba kasi?" aba talaga naman!? "Hoy babaeng mukhang boobs na tinubuan ng katawan, makap---." biglang tinakpan ni Julius ang bibig ko. "She's my soon to be girlfriend." at inakbayan ako ni Julius at nginitian 'yung babae. Pero teka? Anong soon to be girlfriend? Gusto niya na rin ba 'ko? "Soon to be girlfriend say what?! E kung tutuusin, mukhang PA mo lang siya." mukha siyang tangang palakad-lakad at nakataas ang kilay. Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Julius at tumakbo na kami. Kaya ayun, mukha siyang tanga dun sa pwesto niya. Haha.
"Sino ba 'yung babaeng 'yun?! Bwisit, makapagsalita wagas. Saksakan ng kalandian." bigla siyang natawa sa sinabi ko. "May gusto sa'kin 'yun, pero hindi love, for sexual desires lang. Kadiri ano?" yuck, pati ba naman 'tong si Julius my love may balak siyang magpapasok? Kung tutuusin nga, halata naman sakanya na nai-snatched na ang virginity niya. "Pero thank you nga pala ha. Haha. Natatawa 'ko kanina sa mga banat mo e." ahhhhh. Kahit isang simpleng 'thank you' niya lang, parang 'i love you' na sa'kin. Bigla tuloy namula ang pisngi ko.
Lumipas ang ilang minuto, natapos ang usapan namin at hindi ko man lang naipasok sa usapan namin 'yung sinabi niyang 'She's my soon to be girlfriend'. "Can I get your number? Para text text nalang tayo later." at ngumiti sa'kin. Nagsisimula nanamang manlambot ang mga tuhod ko. Nagpalitan kami ng cellphone para ilagay ang cellphone number namin. After nun, nagpalitan ulit kami ng cellphone. "Picture tayo!" hindi na 'ko naka-imik ng bigla niyang i-click ang capture button. Pero buti nalang nagawa ko 'yung the best wacky face ko. 'Yung nakaduling at habang naka-kiss na bibig. "You look nice here, sige mauna na 'ko. Salamat sa time ha, see you next time." tapos tinapik niya 'yung balikat ko. Pagtalikod niya ay pasimple kong kiniss ang palad ko at ifin-lying kiss sakanya. Hwaaaaa! Wala na, heart na 'yung shape ng itim ng mata ko. Aaaaaahhhhh!!
(♥﹏♥)
"Ah, si Lana Tomlin? Ay, malandi talaga 'yun kaya't masanay ka na. 'Yan ang reyna ng ka-laspagan sa school natin." napapa-kunot nalang ang mukha ko sa mga kinukwento ni Julia tungkol sa Lana na 'yun. "Alam mo bang marami na ring teacher na pinatos 'yan para lang makapag-exam? Kaderders noh?" napapa-angat baba nalang ang balikat ko na sign na nandidiri ako. Nako, buti nalang hindi pinatos 'yun ng aking Julius my love.
"Goodnight na be! Antok much na e. Maaga pa pasok ko bukas. Bye." binaba ko na ang phone. Buti nalang nakauwi na 'ko dito sa bahay at nakahiga na sa kama ko, para makapag-moment naman ako para ilabas ang lahat ng kilig ko. Actually, nung nag-flashback sa isip ko 'yung nahimatay ako at sinalo niya 'ko, natanggal na ang bedsheet ng kama ko at kakasipa at roll ng roll. Mags-status muna 'ko sa FB koooo. Ay wait, andami kong notifs ah? Check ko nga muna.
AAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!
Julius Klein tagged you in "Nice to have a talk with you Stefani."'s photo.
Halos bumakat ang mga daliri ko kakapisil sa phone ko. Wala talaga 'kong masabi, parang hinahatak pababa 'yung dila ko hanggang intestines sa sobrang kilig.
*message tone* 1 unread message
From: Julius KO ♥
Hi Stefani! Thank you nga pala ulit kanina ha. Natatawa pa rin ako hanggang ngayon kung pa'no mo binara 'yung babaeng 'yun. Pero alam mo, I realized na ang sarap mo palang kausap, I feel comfortable with you. I hope some other time makapamasyal tayong dalawa. By the way, nahirapan nga rin pala 'kong hanapin ang name mo sa contacts ko. Mrs. Klein ♥ kasi nakalagay e. Sige, goodnight na Stefani! ツ
Hooolooo! Ba't Mrs. Klein ♥ nalagay ko dun?! Nakakahiya na nakakakilig. Saka ko lang din na-realize na dinagdagan ko pala ng 'KO' 'yung name niya sa contacts ko kaya naging Julius KO ♥
Haaaaay, okay suko na 'ko.
Mahal ko na si Julius.
BINABASA MO ANG
My British Boyfriend
RomantizmNaranasan mo na bang umasa? Umasa ng todo, kaya sa kaka-asa mo, mukha ka ng tanga. Naranasan mo na rin bang mag-move on dun sa taong 'yun? Pero dito nanaman siya ulit iintrada sa buhay mo. Bwisit ano? Pero pa'no kung lahat ng pag-asa mo sa kanya ay...