-1

4 1 0
                                    

Setting: Klasrum
Tense: Present
Taong: 2018

Narrator
   Sa isang maliit na silid aralan ay may isang babae na naka upo sa  teacher's chair. Kaharap niya ay ang mga estudyante na nasa ika tatlong baitang na abala sa kanilang mga ginagawa. Nung una ay nagtataka ang mga estudyante kung bakit biglaang pumasok na lamang ang misteryosang babae na ito.
   "Ms. Bakit po?" Tanong ng isang babaeng estudyante ngunit tiningnan lang ng misteryosang babae isa isa ang mga estudyante. Nagsitaasan ang mga balahibo nila sa hindi malaman na kadahilanan.
   "Ikwento mo kung paano siya namatay"
   Sabi ng isang estudyante sa misteryosang babae. Tila ba merong sariling buhay ang bibig ng bata sa kaniyang sinabi.
   "Ang ikwekwento ko sa inyo ay hindi kung paano siya namatay kundi kung paano siya nabuhay"Sagot ng babae
   Kahit na natatakot na ang iba ay tila nagkaintindihan naman ang mga estudyante dahilan nang may balibalita na pag patak ng alas 5 ng hapon ay may misteryosa na babae na bigla bigla na lang papasok sa silid aralan at magkwekwento tungkol sa mga bagay bagay.
   "Ganito ang nangyari... Taong 2013 sa isang pribadong ospital..."-simula ng babaeng misteryosa
-----
Setting: Private hospital sa America
Tense: Past

   Taong 2013 sa Luc's Hospital sa bansa ng mga banyaga, America. May dalawang magkaibigan na nanganganib ang buhay.  Sila ay sina Rosa at Chrissy. Isa ang mamamatay at isa lang din ang dapat mabuhay. Sino sa kanila ang dapat mabuhay?

   "Doc we are loosing both patient! What are we going to do?"-nurse 1
   "Doc the patient 1's blood pressure is dropping 70/120"-nurse 2
   "Doc we are slowly loosing them"-nurse 3
   "Doc! Choose now!"-nurse 3
   "Start the surgery for patient 1"

   Pagkatapos sabihin ng doctor yun ay siya namang malakas na tunog ng -Beeeeeeeeeeeep-... Senyales na tumigil na ang pintig ng puso ng pasyente.

   "No no no no... Call doctor Max and start operating Patient 2! don't loose on me Si! Fight! Come on... come on" silent plead of the doctor
   "Doc stop... she's g---"
   Then a miracle had happened
-----
Tense: Present

   Krringggggggggggggg
   Malakas na tunog ng bell, hudyat na tapos na ang klase at uwian na Ngunit tila ayaw pang umuwi ng mga bata at enganyong enganyo sa sinasabi ng misteryosang babae.
   "Pagkatapos?"
   "Anong nangyari?"
   "Sino po yung dalawang babae?"
   "Namatay ba ang babae o nabuhay"
   "Sino po yung namatay?"
   Sunod sunod na tanong ng mga estudyante. Punong puno sila ng mga kuryosidad at uhaw na uhaw sa mga katanungan.
   "Hanggang doon muna ang istoryang ito. Magsiuwi na kayo mahirap gabihin... madaming nangyayari kapag gabi" mahabang  lintanya niya sa mga estudyante at makabuluhan din... maririnig mo ang sari saring reaksiyon nila na tila nagproprotesta. Tumayo ang babae at mahinhing lumabas sa loob ng silid aralan. Dere deretso lamang siya at hindi inalintana ang mga hinaing ng mga estudyante.
-----
Sa susunod muli...
-----
June 2018
 

 
  

Behind Our Beautiful Lives Lies A Melodrama ActsWhere stories live. Discover now