Chapter 33

32K 534 52
                                    

Chapter 33




XENOVIA




"What are you doing here?" Gulat kong tanong ng pumasok sa kwarto si Trevor.




"I'm visiting you. Ayos na ba ang pakiramdam mo? How's your head? Nahihilo ka pa ba? May results na ba sa mga test na ginawa sa'yo?" Sunod-sunod na tanong niya.




"Trevor, I'm fine." Sagot ko.




Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang aking mga kamay. "Are you sure you're fine?" He asked.




Binawi ko ang aking mga kamay. "Yes, I'm fine, pwede na nga daw akong umuwi bukas." But then Raze insisted na mas i-monitor ako.




Masuyo siyang ngumiti. "That's good."




"Gabi na, umuwi ka na." Taboy ko sa kaniya. Ayokong pagmulan na naman ito ng gulo, hindi ako sigurado kung babalik ba si Raze o hindi but nevertheless ayoko siya dito, hindi siya pwede dito. Magulo na nga ang sitwasyon pati utak ko nagugulo.




"Xen, I'm sorry." He apologized




"Walang may kasalanan, Trevor kaya umalis ka na." I said coldly.




"Why do you keep on pushing me, Xenovia?" Kita ko ang inis sa mga mata niya. "Bakit laging ako na lang tinataboy mo?"




"Dahil ikaw ang panggulo! Maayos na iyong buhay ko pero simula ng magkita uli tayo nagkanda leche-leche na! Bakit kailangan pa nating magkita?!" Hindi ko mapigilang hindi sabihin. Gulong-gulo na ako! I don't know if I still love him hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ko si Raze, nasasaktan ako kasi ako mismo hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko!




I saw hurt in his eyes but that didn't stop me. "Hindi mo naman ako mahal eh." I couldn't stop my tears from falling. "Mahal mo lang naman ako kasi iyon ang naaalala mo kaya bakit kailangan mong guluhin ang buhay ko? Pinagpalit mo ako noon sa iba dahil hindi ako naging sapat at ngayon parang may sumasampal sa akin na kahit kailan hindi ako magiging sapat!"




"I was a jerk for hurting you but I promise hinding-hindi ko na iyon uli gagawin. Mahal na mahal kita, Xen."




Umiling-iling ako at itinuro ang pinto. "Umalis ka na, Trevor. Darating ang araw na makakalimutan mo ring mahal mo ako. You just love me because of your condition. That thing you called love is just a misnomer."




"I may forgot a lot of things but one thing's for sure my love and desire for you is unforgettable. Nakatatak ka na sa puso't-isip ko! D*mn this illness! D*mn this amnesia! It can't stop me from wanting and claiming you, they can go to hell for all I care." Aniya




"Then go to hell, Ledesma!" A voice filled the whole room.




"R-raze." Nanginginig na sabi ko.




"Umalis ka na, Trevor!" Taboy ko.




"No! Bakit ako aalis?! Alam kong ako ang mahal mo, Xenovia kaya ang dapat umalis dito ay ang Montier na 'yan."




"You really have the guts to tell her that? Sino ba ang nanakit sa kaniya?" Raze said.




"Rich coming from you? Hindi ba kaya nasa yate ko si Xenovia ay dahil nakipaghalikan ka sa ibang babae?" Trevor said while smirking.




Alam kong mag-aaway na naman sila. The way they look at each other parang gusto nilang patayin ang isa't-isa. Nag-umpisa na silang lumapit sa isa't-isa ng sumigaw ako ng napakalakas. "Aaahhhhh!!!" Nahinto sila at tumingin sa akin. "Ano magpapatayan kayo?! Then kill me first! Ako na muna ang patayin niyo kasi ako naman ang may kasalanan eh! Ako iyong magulo, di ba? Kaya ako na lang ang bugbogin niyo!"




Hinila ko paalis iyong dextrose na nakakabit sa akin.




"What are you doing, Xen?!




"Bakit mo tinanggal?!" Sabay nilang tanong.




Hindi ko ininda ang sakit ay tumayo at pumagitna sa kanila. "Please lang umalis na kayo!!" Iyak ko. I can't be with them. Hindi pwedeng ganito.




"Xen, let's talk." Ani Raze.




"Raze, you're drunk."




"We need to talk." Giit niya.




"Di ba nag-usap na tayo kanina? We're done, tinapos ko na ang relasyon natin kasi masyado na kitang nasasaktan. You don't deserve a woman like me, marami pang iba diyan." Lumunok ako kapagkuwan ay nag-iwas ng tingin sa kaniya. "M-mas bagay kayo noong babaeng nasa condo mo."




He made me look at him. "Wala kaming relasyon ni Jen, iyong nakita mo ay plano la---"




"Shut it, Raze kahit naman magpaliwanag ka hindi na magbabago ang isip ko! You cheated and it's ok, kasi alam kung bakit?" My lips quivered. "Kasi may karapatan ka. Kasi hindi kita masisisi kung maghanap ka ng iba. K-asi ano ba....ano bang meron ako? Wala di ba? Pabigat lang ako sa'yo tapos...tapos nagagawa pa kitang saktan. Wala na akong mukhang ihaharap sa'yo kasi wala akong kwentang babae!"




Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko."Alam mo kung gaano kita kamahal! So how can you say those words to me?!"




"Totoo naman kasi!" Sigaw ko. "I couldn't offer you anything! Ni hindi kita kayang bigyan ng anak!"




"You think I'd give a d*mn about that?! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na tanggap ko?! Your d*mn insecurities are eating you!"




Itinulak ko siya palayo. "Get out!" I shouted. Tinalikuran ko sila at pilit pinupunasan ang basa kong pisngi but these d*mn tears are not stopping from falling. Lumipas ang ilang segundo bago uli siya magsalita.




"What am I to you, Xenovia?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako uli sa kaniya.




"Am I just for your convenience, Xenovia? Because if I am, it is f*cking ok to me basta kasama kita! D*mn! Even if I want your hundred percent, I can settle for what percent you can give kahit isang porsyento lang ayos na, magpapasalamat pa ako dahil mahal na mahal kita!" He said, I felt my heart dropped when I saw him crying, galit ang mga mata niya pero umiiyak ang mga ito. "Bumalik na siya, di ba? Kaya pilit mo akong pinapaalis." Tumingin siya sa ibabaw. "F*ck! I should've known better. Hindi ito dahil sa mga insecurities mo, this is because you want him back, right?!"




Napatingin ako kay Trevor. Kanina pa siya tahimik pero kita ko ang pagtitimpi niya sa kaniyang galit.




"Look at me, Xenovia! Ako ang kausap mo! Ako dapat ang tignan mo!" Raze roared.




Tinignan ko uli siya at kumabog ng malakas ang aking puso. He's livid. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito at ngayon lang ako natakot sa kaniya.




"Answer me, Xeno---" Raze said




Trevor interjected. "Choose, Xenovia. Mamili ka sa aming dalawa para matapos na ito."






Dama niyo na ba? Malapit na ang pagtatapos! Hahaha baka 2 chapters + epilogue na lang 😂😂 akala ko aabot pa 'to ng chapter 40, di ko pala keri hahaha.

The Unforgotten Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon