Prologue

5 1 2
                                    


Magkaibang nilalang...

Magkaibang mundo...

Posible kayang magustuhan ng tao ang isang nilalang na nagmula sa isang kaharian sa labas ng Mundo?

Posible kayang magustuhan ng isang normal na tao ang isang enkantada—diwata— o iyong tinatawag nilang 'fairy'?

Pero wala namang imposible sa isang tao na nagmamahal. Walang imposible sa pagmamahal.

"Avira, wag mo namang gawin sakin to..." Pag mamakawa sakin ni Cavix.

"Cavix, patawad pero kailangan na kitang iwan." Sabi ko sa kanya habang tumatangis. "Patawad. Alam mo naman ang dahilan hindi ba? Kailangan ko nang bumalik sa aming kaharian. Lagi mong tatandaan— mahal kita, Cavix. Salamat at nakilala kita." Hinila ko sya papalapit sakin at idinampi ko ang labi ko sa kanyang labi.

"Tara na po mahal na prinsesa, hinihintay na tayo ng inyong ama." Pagpapaala sakin ng isa sa'ming alipin.

"Susunod ako."

Pinagdikit ko ang mga noo namin ni Cavix. "Bumalik ka Avira, balikan mo'ko. Mahal kita at maghihintay ako kahit gaano pa katagal." Pagkatapos banggitin ni Cavix ang mga salitang iyon ay biglang pumatak ang mga maiinit na likido sa aking mata at nag mistulang naguunahan.

"Hindi ko alam kung ako'y makakabalik pa, Cavix. Hindi ko maipapangako, pero sisikapin ko—sisikapin kong bumalik. Para sayo. Paalam."


Author's note:

Those names and places that has been showed in this story is just a fiction.

Grammatical errors and typo grammatical errors ahead.

AviraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon