Avira
[Kaharian ng Aviranda]"Mahal na prinsesa, kayo po'y pinapatawag ng inyong ama." Sabi ni Aladin sa akin. Si Aladin ay isa sa mga pinagkakatiwalaan namin dito. Isa sya sa mga alagad ni Ama.
Bigla naman akong kinabahan sapagkat alam kong may nagawa akong kasalanan. Mabigat na kasalanan.
Ito ang ikinatatakot ko, kahit na ama ko ang hari ay hinding hindi ako makaliligtas sa anumang parusa na ibibigay sakin. Maari akong maipapatay, ngunit mabubuhay din naman ako— sa ibang mundo. Kung hindi ako nagkakamali ay sa mundo ng mga tao ang bagsak ko.
Tumayo na ako sa aking higaan at nagtungo sa Avilicus— ang Avilicus ay ang lugar ng hari at reyna.
Kumatok ako sa pintuan ng kanilang silid. "Mahal na hari, ako ito, si Avira." Magalang na sabi ko. "Pumasok ka at maguusap tayo."
Nakaramdam ako ng matinding kaba. Lakas loob akong pumasok sa silid ng aking ama at ina.
"Maupo ka." Sambit ng aking Ama. Agad naman akong umupo.
"A-ama.."
"Avira! Naisip mo ba kung ano itong nagawa mo?! Anak kita, isa kang prinsesa ngunit wala kang magagawa o miski ako sa parusang ipapataw sayo. Alam mo yan, bago ka pa maging prinsesa ay ipinaliwanag ko na sa iyo ang mga bagay na iyon Hindi ba?! Pero anong ginawa mo? Sinuway mo ako. Sinuway mo ako bilang Ama at hari mo, Avira." Bakas sa boses ni ama ang galit, pero mababatid mo naman ang kanyang pag aalala.
Wala akong naisagot kundi ang aking paghikbi."Avira, mamayang gabi na ang paglilitis at maaaring bukas ng bukang liwayway ay ipapataw na sayo ang parusa. Pero h'wag kang mag alala anak, gagabayan ka namin ng iyong ina kahit na malayo ka sa amin." Wika ni Ama. Itinaas nya ang kanyang mga kamay at kanyang ibinukas ang palad nya. May kulay asul na usok at lumabas dun ang isang paro-paro.
"Itong si Mutya ang magbabantay sayo habang nasa mundo ka ng mga tao." Ani ni Ama. Lumipad ang paro-paro sa akin.
"Mahal na prinsesa, ako si Mutya, ang magbabantay sa inyo." Wika ni Mutya gamit ang kanyang maliit at matinis na boses.
Napangiti ako, "Salamat, Ama. Salamat." Wika ko at nilisan na ang silid.
Hindi ko mapigilang umiyak at magsisi dahil sa kasalanang aking ginawa. Pero ginawa ko lamang iyon dahil kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko at ang Aviranda kay Ador, sya ang lapastangang anak ng kawal ni ama. Muntik nya na akong halayin, at alam ko kung bakit nya ginawa iyun. Gusto nyang magkaroon kami ng anak, at kapag nagkaroon kami ng anak ay may posibilid na makuha nya ang kapangyarihan ni Ama. Sapagkat nasa kasunduan ng mga opisyal sa Aviranda na kapag ang prinsesa ay nagkaroon ng anak ang ama ng kanyang anak at sya ay hihiranging reyna at si Ador naman ang magiging hari. Kaya't hindi ako nagdalawang isip na paslangin sya. Batid kong kapag sya ang naging hari ay gagawin nya lamang na parausan ang mga babaeng diwata rito. Pinaslang ko sya, pumatay ako ng kapwa ko enkantado. Merong parte sa akin na nagsisisi, pero kailangan ko ring gawin iyon para maligtas ang Aviranda, kahit na ako pa ay natatakot.
-
CavixNasa gitna ako ng gubat habang umuulan. Kasabay ng ulan ang pagbuhos ng mga luha ko.
Hinahabol ko ang isang babae, pero hindi ko makita ang kanyang mukha. Pero alam ko sa sarili ko sya yung babae na mahal ko.
Tumakbo ako ng tumakbo para lang mahabol sya.
Huminto siya.
Tumingin siya sakin.
She's smiling at me.
Medyo luminaw yung mukha nya pero hindi ko parin ma recognize yung mukha niya.
Lumapit ako sa kanya. I cupped her face. "Don't you ever runaway, again." Unti unti kong ipinaglalapit ang mga mukha namin. Kasabay nito ang unti unting paglinaw ng mukha nya. "I love you, Avi----
"Sir! Sir!" Sigaw ng secretary ko. Ugh! Fuck, panaghinip lang pala. Pero ang weird. Parang totoong-totoo. Sayang lang at hindi ko pa gaanong nakita ang mukha nya.
"Sir, 5 minutes late na po kayo sa meeting nyo with Mr. Toviera." Natigil ako sa pagiimagine nung panaghinip ko kanina. "What?! Shit."
Dali-dali akong nagtungo sa conference room. Puta.
"Good afternoon, Mr. Toviera. Sorry for making you wait." Sabi ko sa kanya at nakipagkamay.
"It's okay, Mr. Sandoval. So let's get started." Sabi nito.
Inilabas ko ang laptop ko at ipinikita ko sa kanya ang proposal ko at diniscuss ko na rin. It all went well. Syempre Cavix Sandoval 'to e.
Anyway, I'm Cavix Sandoval. Nag mamanage ako ng isang sikat na magazine company sa pilipinas.

BINABASA MO ANG
Avira
FantasiMaaari kayang mangyari na ang isang kakaibang babae- sabihin na nating iba sa mga tao, ay mapadpad sa mundo ng mga tao? Makakilala ng tao at ibigin ito?