II

5 1 0
                                    

Cavix

Hindi parin maalis sa isip ko yung babaeng napanaginipan ko kanina. Sayang lang talaga at hindi ko natapos yung dream ko nayun. Ang weird lang kasi may pangalan akong binanggit. Avi.

Kada naiisip ko yung pangalan nayun, I really got this strange feeling. Alam mo yung feeling na sobra kang kinakabahan.

Haist, bakit ko nga pala pinagaaksayahan yung mga walang kwentang bagay na 'yun? Binaba ko na yung libro na binabasa ko dahil wala naman akong maintindihan, laging gumugulo sa utak ko yung malabong mukha ng babaeng yun.

Humiga na ako ng kama at natulog.

-
Avira

Ito na ang araw na ipapataw sakin ang parusa. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Natatakot ako, natatakot ako kung ano man ang pisibilidad ang pupwedeng mangyari sa labas ng Aviranda.

Hawak-hawak ng mga kawal ang dalawa kong braso na tila ba ay wala silang tiwala sakin na para bang nararamdaman nila na hindi ko aakuin ang responsibilidad na dapat kong akuin.

Marahas nila akong ipinaluhod sa tapat ng isang mangkok. Ang mangkok na kinatatakutan ng lahat, ang mangkok na kung saan ay malalason ka at mamatay ng paunti-unti hanggang sa tuluyan ka nang mawalan ng buhay.

Bago ko pa man ito inumin ay inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Matagal tagal ko rin siguro itong hindi masisilayan, o baka ito na ang huling pagkakataon na masilayan ko ang mundong kinagisnan ko na ito. Hindi ko mapigilang lumuha. Kinuha ko ang mangkok ng lason at hinigop ko na ito. Kasabay ng walang tigil na pagtulo ng luha ko ang unti-unting pag-ikot ng paningin ko. Paalam Aviranda. Paalam.

-
Nagising ako sa isang malakas na hampas ng hangin sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mga mata. Ito na ba ang mundo ng mga tao. Ingay— Ingay lang maririnig sa lugar na ito. Kinukha ko si Mutya at nilagay sya sa daliri ko.

"Mutya, Andito na tayo." Sabi ko rito.

"Oo nga po mahal ma prinsesa." Sagot nya.

"Pero bakit tila lahat sila ay ang sasama ng tingin satin?" Tanong ko Kay mutya.

"May play ba dito?"

"Baliw ata yun, kinakausap yung butterfly HAHAHA."

"Sa pagkakalam ko tapos na ang halloween party."

"Is she out of her mind?"

Hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi.

"Marahil ay ngayon lang sila nakakita ng ganito." Sabi ni Mutya. Tumingin ako sa aking damit. Nakasuot ako ng mahabang bestida wala namang masama hindi ba? Wala rin namang masama sa mga bulaklak na nasa ulo ko.

Bumuhos ang malakas na ulan. Ang saya lang, ngayon lang ulit ako nakaligo sa ulan. Tuwing umuulan sa Aviranda ay hindi ako pinapayagang maligo ni ina.

"Mahal na prinsesa! H'wag po kayong maligo sa ulan, isa na kayong mortal ngayon. Magkakasakit kayo." Suway sakin ni Mutya pero hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Tuloy lang ako sa pagtatampisaw sa ulan. Hindi ko alam kung gano katagal ang pagtatampisaw ko. Nang magsawa ako ay sumilong ako kung saan ay nanduon din si mutya.

"Mahal na prinsesa, basang basa ho kayo ng husto."

Magsasalita na sana ako ng biglang magdilim ang paningin ko.

"Mahal na prinse-----


Cavix

Tapos na ang working hour at ako nalang ang natitira dito sa office. Tinatapos ko kasi 'tong proposal for new branch na ipapatayo namin.

5:30 PM ng matapos ako sa mga paper works. Lumabas na ako ng building. I was about to enter my car ng mapansin ko ang isang babae. Weird dahil nakasuot sya ng isang fairy costume. Lalong weird dahil mahimbing ang pagkakatulog nya sa tapat ng company building ko. Wala talaga akong balak na lapitan siya. Pero ewan ko ba sa sarili ko, I have this feeling na gusto ko siyang lapitan and so I did. Lumapit ako at pinagmasdan sya ng maigi. She's gorgeous. Napatingin ako sa paligid, baka naman may shooting dito. Pero wala namang mga cameras.

I gently touched her face and run my fingers from her hair to her lips.

Napapikit ako, tangina ano bang nangyayari sayo, Cavix?!

Hinawakan ko siya sa braso. "Miss, wake up. Miss." Paggising ko sa kanya. Ang init nya fuck. Mahimbing parin ang pagkakatulog nya. Pilit ko siyang ginigising, she just groaned.

I found myself carrying her. Aish! Bahala na, dadalhin ko siya sa bahay. Pumasok na kami sa kotse. King ina ano na bang nangyayari sa 'kin?

We reached my house. "Manang? Pakipadalahan nga po ako sa kwarto ng basin na may warm water. Tsaka towelette." Utos ko. Inakyat ko sya sa taas. Dinala ko sya sa kwarto. Kasi? Putangina di ko talaga alam.

"Ako si Avira~ Avirang maganda~ hmm~" pag kanta nya. Napailing na lang ako.

Dumating na si manang at lumabas narin agad pag tapos nyang ihatid yung pinapahatid ko. Nilagay ko yung towelette sa basin, tsaka ko piniga. When I was in US, I always do this to me whenever I got sick. Idinampi ko yun sa kanya. Shit, why am I doing this? Napailing nalang ulit ako at tinuloy ko lang ang ginagawa ko. Ay pota, kailangan ko pala siyang bihisan. Pipikit nalang ako shit. I started removing her long dress, kaya ko ba 'to? Jesus, please help me.

Nung matapos ko siyang hubaran--- no, pagandahin natin. Nung matapos ko siyang alisan ng damit--- okay I think it's more better. Kinumutan ko siya agad, baka mamaya may makita pa ako. Pumunta ako sa walking closet. I got my boxer shorts and my tee. I went back to my bed. Wooooh puta ito nanaman tayo. Kinuha ko nalang yung sleeping mask ko tsaka ko isinuot sa mata ko.

Tangina, kaya mo yan Cavix...

It took an hour bago ako matapos na bihisan siya.

I ran my fingers through her hair. "What the fuck are you doing to me, milady?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AviraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon