Chapter 4

3.1K 114 10
                                    

MASASABI ni Wila na si Callie ang pinakamatalik niyang kaibigan. Ang ayaw niya ay ang humingi ng tulong dito.

Callie has her own life to deal with. She doesn't need a stray living in her couch.

But what choice does she have left?

Wala sa loob na kumatok siya sa harap ng apartment na tinutuluyan nito.

Sa pintuan pa lamang ay amoy na niya ang tila nasusunog na bagay. Napapitlag siya ng takbo. Hindi naman nakakandado ang pinto.

Labis siyang kinakabahan sa pagpasok.

Nang makita ang pigura sa kusina ay nakahinga siya nang maluwag. It was a short girl with bleached hair and green highlights. It was Callie.

Gulat na gulat naman ito sa presensya niya. Kaagad nitong pinaypay ang usok na nagkalat sa kusina—marahil mula sa tinupok na nasusunog niyang niluto.

"Langya ka," anito kay Wila. "Tinakot mo naman ako!" Binuksan nito ang bintana.

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? May kukulamin ka?"

"Ha. Ha." Inirapan siya nito.

Napansin ni Callie ang bitbit niyang duffel bag.

"Pinalayas ka na ni Madam Auring?"

Tiim bagang si Wila sa kahihiyan. Wala na kasi siyang kasama sa bahay. Noon ay may kahati pa siya sa bayarin, ngayon ay wala na.

"Okay lang kaya kay Alphonse?" tukoy ni Wila sa pinsan ni Callie na kasama nito sa tinitirhan.

"Oo naman. Salita ko ang batas dito." Kinuha na nito ang dala niyang mga gamit at dinala sa kwarto.

Considering that the Angeles cousins hailed from rich parents, the apartment they live in is not that grand. Magkasama at magkatabi ang living room at dining room-slash-kusina. Mayroong dalawang silid tulugan at isang banyo.

"Naglasing ka, 'no?" Sa halip na sumagot ay naupo lamang siya sa sofa. Tinabihan siya ng singkit na babae. Na kahit mukhang mayaman ay maton sa pananalita. "Sa tingin mo babalikan ka ni Em sa ginagawa mo? Kung balikan ka man, matutuwa ka ba na magiging kayo dahil lang naawa siya? Tingnan mo nga mukha mo. Sabog. Ma-tokhang ka nyan e."

"'Na mo, Callie. Palibhasa wala kang puso, Ms. Heartbreaker. Hindi mo 'ko maiintindihan."

"Pina-stay kita rito tas walang puso. Taong kweba ka pa naman. Mababawasan pa tuloy conquest ko rito."

Tinaasan siya ng gitnang daliri ni Wila. Ang tinutukoy lang naman nito ay ang mga babaeng inuuwi nito para ikama.

"Libog amf. Aga-aga, finger gusto."

"Gago ka talaga," natatawang balik ni Wila. "Thank you, a."

"Mamaya ka na mag-thank you."

"Bakit?"


NAG-AALANGANG pumasok sa maingay na club si Wila.

Ngayong gabi ay nag-ayos siya, na bihirang mangyari nitong nakaraang buwan. Inaya siya ni Callie. Darating daw si Emyrine at ang lalaking dine-date nito nitong mga nakaraang linggo.

Hindi niya alam kung bakit pumaroon pa. Hindi niya alam ang inaasahan.

Nagsuot pa siya ng hapit na spaghetti dress. Hindi siya madalas mag-make up, pero ngayon ay naka-lipstick, eyeliner at blush on pa. Kahit alam niyang hindi siya minahal ni Emyrine dahil sa hitsura niya.

Minahal. Hindi na siya mahal nito.

"Parekoy, dito!" Halos lamunin ng maingay na tugtugin ang boses ni Callie. Sana nga'y lunurin din nito ang isip niya. Sana'y madala siya sa agos.

Chasing the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon