Chapter 7

2.4K 86 2
                                    

Habang nasa magarang sasakyan ni Chaise ay panay ang pag-scroll down ni Callie sa kaniyang telepono. Bilang pasasalamat ay dadalhin ng una sina Wila sa isang 5-star restaurant na pagmamay-ari ng kakilala niya.

'Half-American Nightlife entrepreneur and also one of the most astounding bachelorettes in the country, Chaise Casteleon, ikakasal na!' lumabas sa telepono niya na ikinagulat niya. Kasama nito ang isang letrato nina Chaise at Jorge kung saan tila nasa isang formal party ang dalawa.

Siniko niya ang katabing kaibigan para ipakita ito. Nakaupo sila sa likod ng sasakyan habang nagmamaneho si Chaise.

Sinilip ni Wila ang babae sa harapan pagkabasa niyon. Seryoso itong nakatuon sa kalsadang tinatahak nila. Kahit ganoon ay litaw ang nakababalani nitong kagandahan.

Huminto ang sasakyan dahil sa makapal na trapiko. Nagtagpo ang mga mata nila sa salamin. Kinindatan ni Wila si Chaise na naglayo ng tingin at biglang pinaandar ang sasakyan kaya naman napasandal ang kaniyang mga pasahero.

"Mayaman pala talaga 'to. Akala ko prosti," bulong niya kay Callie na ikinatawa nito.

"What's so funny?" sabad ni Chaise.

Halos takasan ng dugo sa hiya si Wila. Tahimik itong nagdasal na sana'y wala itong narinig.

"Wala. Excited na raw 'tong si Wila," dahilan ni Callie. "Carinderia lang kasi kami sanay."

Mukhang tinanggap naman ito ng babae sa harapan.

Hindi na itinago ni Wila ang pagkamangha at hinayaan ang mga matang libutin ang yayamaning lugar nang marating ito. Nakapasok na siya sa bahay ni Callie at alam na anak-mayaman ito ngunit iba ang tipong tambayan ng magkakaibigan.

Dinala sila ng waiter sa pribadong booth hindi gaya sa ibang mga lamesa lamang ngunit kapareha pa rin ang atmospera. Sa kanilang pwesto ay halos magkadikit ang tuhod nila nang maupo si Wila. Ang waiter na hindi maikakaila ang paghanga sa ganda ng kasama niya ay inabutan sila ng menu.

Napataas ng kilay rito si Wila.

"Ayos lang ba na ganito ang hitsura namin dito?" naiilang na inkwira ni Wila pagkaalis ng waiter ukol sa kasuotan nila.

"Magbabayad naman ako. Anong masama? Unless may balak kang mag-eskandalo," puno ng attitude na sagot ni Chaise. Sinalinan niya ang wine glass sa harap niya, pati na rin ang sa dalawang kasama na pinapanood lamang siya.

"Bahala ka," kibit-balikat na bulong nito.

"Hindi naman sa echosera ako ha, pero eechos na rin. Anong drama n'yo kanina ng prince charming mo?" usisa ni Callie na hawak na ang baso ng alak.

Bahagyang tumagilid ang ulo ni Chaise sa pagtataka. Dumating naman sa oras ang mga servers dala ang order nila. Pagkaalis ng mga ito ay sumagot siya. "Si Jorge? He's far from being a prince charming," pabalang na komento nito bago sumubo ng steak. Hindi maiwasan ni Wila na panoorin ang bibig nito, ang elegante niyang pag-nguya ay nakapagpapagana rin sa kaniya.

"Heh. Pansin ko nga e. Pero sabi nga nila, love is blind."

Napaubo naman si Wila sa komento ng kaibigan. "Ang ibig sabihin ni Callie ay—"

"If you think I'm in love with that poor excuse of a man, clearly I gave you the wrong impression."

Tumunog ang telepono ni Callie. Nasilip ni Wila na may tumatawag dito. Isang Atty. Ieshia Velarde.

"Teka, sagutin ko lang," paalam ng kaibigan niya.

Hindi na niya ito natugunan nang nagmamadaling lumabas si Callie.

Chasing the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon