#5

6 1 0
                                    

Eren Jeager's pov

Nakasimangot akong pumasok ng classroom at sinalubong naman ako nila Connie at Marco.

"Woi Jaegerbomb, anong nangyare sayo at sumasayad na ang nguso mo sa sahig?" Tanong ni Connie.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Levi.

Napatayo ako at maglalakad sana palapit kay Levi ng...

"Good morning class, please go back to your seats." Sabi ng adviser naming si Mr. Pixis.

Sumunod naman kami at umupo si Levi sa sa upuan nya, gusto ko siyang tanungin bakit niya ako iniwan kanina.

"We have an important announcement. Mapapaaga ang inyong summer vacation kaya habang may oras pa kayo gawin at ipasa niyo na ang ang lahat para makapag compute na kami ng grades niyo, so that's all. Gawin na ang dapat gawin." Anunsyo ni Mr. Pixis at lumabas muli.

"Waaaah!! Di ko pa tapos yung story na pinapagawa sa akin! Tutulungan mo ko Jeagerbomb pweaseee?" Nagpapanic na sigaw ni Connie.

Hay nako...

"Oo na, tapusin na natin. Ano bang title niyan?" Tanong ko sabay higop ng c2 na dala ko.

"Ang alamat ng unang taong unggoy na si Zeke Yeager." Deretsong sabi ni Connie kaya nabuga ko yung iniinom ko at nabulunan naman si Marco sa kinakain niya.

"Seryoso ka ba?" Sabay naming tanong ni Marco.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Naka kunot-noong na tanong pabalik sa amin ni Connie.

Natahimik kami ni Marco.

Oh okay..

"So gawin na natin." Pag aaya ko.

Napa tango yung dalawa sign na game na silang gawin yun.

4 hours ang nakalipas lunch time na at natapos namin.

"Buti na lang hindi story board yung pinagawa ni teacher Hanes kundi aabutin tayo ng weekends dito." Sabi ni Marco.

"Maraming salamat guys! Papa book bind ko pa to tas bago mag uwian ipapasa ko na kay teacher Hanji." Paalam ni Connie sa amin.

"Teka samahan na kita." Sabi ni Marco at sabay silang lumabas ni Connie.

Hmmm... since last week ko pa natapos ang projects at notes na need i-submit sa lahat ng teacher so wala na akong gagawin.

Siguro naman pwede na akong umuwi.

Pumunta na ako sa shoe locker room para mag switch ng sapatos.

"Yo Eren, uuwi ka na?" Bungad ni Jean sa likod ko.

"Yo Jean, oo eh bukas na lang ako mag papasa ng projects at notes sa mga teacher." Sagot ko.

"Himala di mo kasama si Levi." Sabi ni Jean.

Oo nga pala.

Loving You [ERERI FANFIC] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon