≿━━━━༺❀༻━━━━≾
Eren Jaeger's pov
Nagising ako sa tunog ng alarm clock.
"Shiiiii- it's 8:43 am." Sabi ko at napatingin ako sa tabi ko at wala na si Levi.
May sticky note na namang iniwan at naka dikit ito sa lamp shade.
"Mauuna na ako, sumunod ka na lang brat." Sabi dito.
Dali-dali ako nag ayos, wala na rin naman kaming gagawin kung hindi magpasa ng ilang requirements.
After half hour nasa labas na ako ng gate ng school.
"Jaegerbomb!" T1wag sa akin ni Connie ay tumakbo palapit, bakas sa mukha nito na may masamang balita.
"Wassup Connie, ano meron? Asan si Marco?" Bati ko ng nakangiti, wala eh good mood.
"Halika dito, masamang balita!" Sigaw ni Connie at hinila braso ko.
Hinila niya ako papunta sa board kung saan nakalagay ang mga news sa loob ng school.
"Anong meron ang daming nandito ah." Sita ko at nilibot ang tingin.
"Halika makisiksik tayo, kelangan mo tong makita!" Sabi niya at hinila ako sa kumpulang studyante.
Naririnig ko din ang bulungan ng ibang estudyante habang naka tingin sa board.
My eyes pinned on pictures.
Naramdaman kong kumirot ang aking puso at unti-unting namuo ang mga luha sa mata ko.
"STUDENTS! GO BACK TO YOUR CLASSES!" Narinig kong sigaw ng isang teacher at dali-daling nagsitakbuhan ang mga ito.
≿━━━━༺❀༻━━━━≾
"Jaegerbomb okay ka lang?" Tanong sa akin ni Connie.
Napatingin ako sa gawi niya at ngumiti ng pilit.
Sinuntok naman ako nito sa braso na dahilan ay napangiwi ako.
"Connie since tapos na tayo magpasa ng projects, tara sa Kyojin cafe." Pag-aaya ko at sumama naman siya.
Bumalik kami sa classroom para kunin yung gamit namin at dumeretso na sa labas ng gate.
Pag pasok namin sa loob sinalubong kami ng ngiti at greetings ni Sasha.
"Sa.. Sasha?!" Gulat na sabi ni Connie.
"Hello Connie! Oh tapos na kayo mag pasa?" Tanong niya.
"Oo... Hahahaha ang cute mo sa outfit mo." Compliment ni Connie habang namumula.
"Landi mo kalbo pumuwesto na kayo dun oh, nireserve ko na yun para sa inyo naramdaman kong pupunta kayo dito eh." Naka ngiti nitong sabi.
Naglakad kami papunta sa dulo at tabi ng glass wall.
"Eto yung pwesto namin dati."
Umupo ako sa pwesto ko nung nakaraan at sa kabila naman si Connie.
Pagkatapos namin umorder ay nagsimula na akong mag salita.
"Kahapon, umamin ako kay Levi." Panimula ko.
Tahimik lang siyang nakikinig kaya pinag patuloy ko.
"Eto na order niyo, eat well guys!" Hinatid ni Sasha ang inorder namin.
BINABASA MO ANG
Loving You [ERERI FANFIC]
FanfictionEren and Levi are childhood friend, ever since they were young. Eren have crush on Levi, day by day it turns to love. Eren loves him that it kills him because of brokenhearted in scandal that Levi's involve. Later on Levi realize he likes him back...