"UPUAN"
Sa unang araw ng pasukan
lumipat ng walang kinalaman
Na dito pala kita makikita
Sa dinami-dami ng makikilalaSa loob ng kuwadradong silid-aralan
Malayo ka sa aking inuupuan
Sa isip ko'y hanggang sa tingin na lamang
Pagkat ika'y nagiisa sa parangNatapos ang taon na hindi kita nakilala
Mga araw na sanay naging kaibigan na kita
Puso ko'y nasasaktan sa nadatnan
Na hanggang kaklase lang ang turinganSumunod ang taon sa unang upuan
Puso'y nagalak nang ika'y sa aking likuran
Lumilipad ang puso't isipan
Mga paru-paro sa aking tiyanNgunit ako'y nabigla sa iyong ginawa
Upuan ko'y iyong tinatadyakan
Isip ko'y litong-lito
Kung ako ba'y magagalit sa'yoIto ang unang araw
Na ang puso ko't isipan ay nagaagaw
Pilit ko mang isipin
Ngunit ayaw ko ring pilitinIto ba ay sinasadya mo
Para mapansin ng puso ko
Subalit araw-araw mong ginagawa
Ang pang-iinis at di ako naaawaNagdaan ang mga araw at gabi
Nadarama ko sayo ay wala ng silbi
Pagkatapos ng taon ay walang ibang paraan
Na matatapos ang pag-ibig ko sa'yo...sa UPUAN.
Please dont forget to like and if you want more just comment thanks God bless....
BINABASA MO ANG
Isa sa mga pahina ng puso mo
PoetryIsa sa mga pahina ng puso mo Ako'y isa lang sa mga pahina lang ng puso mo dahil hindi ako ang tinitibok ng puso mo at isa sa mga aral na babaunin mo sa pagtanda Daming aral ang ating matutunan sa tulang ito Must read ❤️ Thank you