Chapter Eight: GO LANG! >_____<

34 1 0
                                    

Andami na talaga ang ginawa ko na hanggang ngayon hindi ko maintindihan. Ang daming kabaliwan.

After kong nalaman na hindi na ako ang gusto niya, sobra akong nasaktan. Ang bilis lang kasi. Wala pa man iba na. Napaisip ako nun na parang napaka walang kwenta ko. Pero dahil kay Lus tumatag ulit ang loob ko. Same kasi kami ni Lus. Parehas kami may gusto sa isang lalaki na wala namang pake samin pero ayaw namin sumuko.

Siguro nga dahil bata pa lang kami kaya ganun kami mag isip. The heck, pinapanood pa namin ang Boys Over Flowers nun! Ano pa nga ba aasahan mo diba?

After nun, hindi kami sumuko. Push nga lang diba? Para nga akong tanga nun eh. Buntot ng bunt okay Matt. Anywhere he goes susunod ako nung minsan nga dahil ayaw ko pa talaga siya iwan hinatid ko siya kahit hanggang kanto lang at dun ko nalaman na wala pa siyang interest sa BF-GF o love.

~PAST~

 

“So alam mo na pala na may gusto sayo si Belle?” tanong ko kay Matt habang naglalakad kami paalis sa school.

“Oo naman noh. Halata naman ^___^”

“Alam mong mahal ka niya?”

“Mahal? Siguro. Wala naman kasi akong interest sa ganyan eh”

“Bakit? Wala ka pa bang first love?”

“Wala pa naman. Ayaw ko muna kasi gumanyan. Aral muna ^____^”

“Wow. Sipag huh?”

“Siyempre naman! Ahaha! ^____^”

~Present~

 

“Hello?”

(Niks! Si Lus toh. Punta ka bukas?)

“Bakit? Ano bang meron bukas?”

(Hindi mo alam?)

“Tatanong ko ba kung alam ko?”

(Nga naman. Ano kasi, get together daw. Pupunta rin si Ma’am)

“Ohs? Bukas na yun? Sorry huh. Hindi pa ulit kasi ako nakakapag ol. At lam mo naman. Wala naman may alam sa number ko”

(Oo na oo na. Wag ka na mag drama. So pupunta ka?)

“Tignan ko. Tanong ko muna kay Mama. Text nalang kita pag natanong ko na”

(Osige. Uyy… makikita niya ulit si Matt)

“Che! Ikaw dapat ang Masaya! Makikita mo ulit si Derek!”

(Ano ka ba? Ang tagal ko na naka move on dun! Ikaw nalang ang stuck!)

“Oo na oo na. Ako nang hindi maka get over. Hayy… kasalanan ko ba? Tsaka oks lang. Medyo nakakalimutan ko naman siya eh”

(Sabi mo yan ha. Wag ka mag alala. Darating din ang para sayo. I know it. Bye!)

“Bye…”

Eng! Eng!

 

Hayy… darating nga ba? Ewan ko rin. Parang kaylan lang umaasa akong mapansin ako ni Matt. Tapos ano? Wala rin ako napala.

Ano bang iniisip ko nun at pinursigi ko pa siya?

Kung ano ano nalang ang excuse ko para lang mapansin niya ako.

Mga panahong iniinis niya ako nun? Akala lang niya nagagalit ako sa kanya pero sa totoo lang nagpipigil akong ngumiti nun. Kasi natutuwa ako. Kahit iniinis niya ako at least pinapansin pa niya ako.

Akala ko may mangyayari talaga kasi lagi kaming mag kasama. Lagi ko siya nakakausap at nakakabonding. Nagassume ako. Umasa.

Sabi ko nun. De bale na. Masaya ako basta kasama ko siya. Go lang!

Pero wala akong napala. Nasaktan lang ako. Umiiyak ng ilang beses na di ko mabilang dahil sa kanya.

Pero ba’t ganun? Ilang taon na rin ang lumipas bakit siya parin ang laman ng isip ko? Bakit sa twing may naririnig akong musika o nababasang kwento o naririnig ko pangalan niya naiinis pa rin ako at naalala ko siya? Bakit parang gusto ko pa rin makita ang mga ngiti niya? Inaasam ko pa rin marinig mga tawa niya. Nagbabasakali na may dahilan siya kung bakit niya ako sinaktan. Nanaginip na kami na ngayon. Bakit hinahanap hanap ko pa rin siya?

Hindi ko talaga maintindihan…

Go lang pa rin ba ang dapat kong gawin?

Nagtatanong pa ako eh halata naman ang sagot diyan… ayaw ko lang tanggapin.

PAGING! PAGING! WANTED: True Love [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon