Chapter Ten: Concerned? Wehh???

32 0 0
                                    

“To get the velocity… blah blah blah…”

*tap tap tap*

“Uy, makinig ka naman” bulong sakin ni May. Kaklase ko at friend ko.

Napatigil ako sa pag lalaro ko sa pen ko. Kanina ko pa kasi tinatap sa table. Chemistry class namin ngayon pero di ako makapag concentrate. May iniisip kasi ako.

“Uy, sabing makinig ka. Sigi ka, pag nag test tayo wala kang masasagot”

“Ha? Ahh… kasi naman eh. Tsk.” Galing namin alam niyo yun. Asa front row kami pero di kami pinapansin ni Mam kahit naguusap na kami. Syempre bulungan lang pero hello! Front row kami. Asa dulo ako ng gitna meaning katapat na katapat ko lang ang teacher’s table kung saan nakatayo si Mam sa likod ng table na nagtuturo. Magic noh?

“Problema mo ba girl?” hinarap ko si May. Kanina pa akong atat sabihin sa kanya kaso ayaw makinig kaya hinintay ko nalang magtanong siya which is now

“Kasi, kagabi nag dradrama ako sa fb”

“Alam ko. Nababasa ko nga mga pinagpopost mong quotes. Kesho hirap mag move on, kesho masakit di ka niya pinapansin”

“Kaya nga. Eh kasi, sa isang kong post na ‘Maybe it’ll be easier to die. It won’t much of a difference since I’m already dead inside since you left me’ may nag comment”

“Sino? Si Aden?” Si Aden isa naming classmate na nagtapat sakin kaso sorry. Di ko siya type.

“Hindi. Si… Matt…” biglang bumilis tibok ng puso ko habang inaalala ko yun.

“Oh, anong sabi?”

“Ano daw problema ko…”

“Anong sinagot mo?”

“Hindi ako makapag comment back ng 2 minutes tas nag chat siya sakin. Tinanong ulit anong problema ko. Dun palang ako sumagot. Sabi ko wala. Tas nag reply bakit daw ako nag dradrama sa fb. Ayaw ko sabihin sa kanya na tungkol lahat sa kanya ang mga post ko kaya sinabi ko nalang na di na namimiss ko lang si Johann”

“Asus. Oh tapos anong problema mo?”

“Eh kasi nakakapagtaka! Bakit siya nag tanong anong problema ko eh di naman kami naguusap na masyado?”

“Baka concerned…” tas humarap na uli siya sa notebook niya ang nagsulat ng notes

“Concerned? Yun? One time lang naging concern sakin un. I mean bihira lang”

“Aba malay ko sayo. Makinig ka nalang baka pagalitan pa tayo”

“Psh. Eto na” humarap na ako kay Mam kaso lumilipad parin utak ko.

Totoo naman kasi. Bihira lang mag show ng care yang si Matt sakin. Bilang lang.

~PAST~

 

“Nik and Matt sitting in the tree! K-I-S-S-I-N-G!”

“Humanda kayo sakin!” sigaw ko habang hinahabol kong lalaki naming kaklase na kani pa nangiinis. Bwisit! Mas nakakainis pa eh nanunuod lang si Matt habang tumatawa!

Nakaupos sila sa well kasama ng isa pa naming kaklase at nagtatawanan pa habang pinapanood nila akong habulin tong isang toh!

Lagot talaga sakin mga toh! Mabilis naman ako tumakbo kaso mahirap lang kasi di naman ako naka PE. Masira ko pa tong school shoes ko. Malapit na! Mahahabol ko na siya!

PAGING! PAGING! WANTED: True Love [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon