Chapter 10

3.5K 132 57
                                    


Seulgi's POV

Awkward.

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Walang umiimik samin ni Irene. Si Wendy? Ayun tulog.

Gabi na pero di pa rin umuuwi si Irene sa kanila. Mukhang iniintay niyang magising si Wendy.

"Magluto ka. Gutom na ako." Biglang sabi ni Irene

Napatingin naman ako sa kanya at napalunok. Tumingin din siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Dahan dahan naman akong tumango at pumunta na sa kusina.

Lord, ikaw na bahala sakin. Gabayan niyo po sana ako at di ko po sana masunog ang bahay.

Aish! Napatingin naman ako sa loob ng kusina. Anong lulutuin ko?

Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng kahit ano sa ref at nilagay sa may lamesa. Tinitigan ko naman ang mga kinuha ko. Jusko isip ka ng kahit anong pagkain Kang! Chance mo tong magpasikat kay Irene!

"Tititigan mo lang ba ang nga gulay?"

Napatalon naman ako sa stool ng biglang nagsalita si Irene.

"U-uhh.....ano....h-hindi." Sabi ko habang kinakamot ang batok ko

"Oh edi magluto ka na." Sabi niya at umupo sa tapat kong stool

Tumayo na ako at kumuha ng sibuyas. Kumuha din ako ng kutsilyo at cutting board. Nilagay ko ang sibuyas sa cutting board at kinuha ang kutsilyo. Pano e slice toh?

"Tititigan mo lang ba yan?" Tanong ulit ni Irene

Napatingin ako sa kanya pero agad din akong umiwas.

"Di ka marunong magluto." Diretsong sabi ni Irene

Dahan-dahan naman akong tumango at hindi pa rin tumitingin sa kanya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at lumapit sakin.

"Sinabi mo sana, di yung gugutumin mo kami ni Wendy sa kakahintay sa wala." Sabi niya at nagsimulang magslice ng mga gulay at karne

Eh ako nga crush hinihintay pa rin kita kahit alam kong wala talaga.

Umupo nalang ako sa isang stool at pinanuod nalang siya. Kitang-kita sa mukha niya na seryoso siya sa niluluto niya. Napaka wife material niya♡

"Sarapan mo, crush ah? Kakain ako ng madami. Sorry kung di ako marunong magluto." Sabi ko sa kanya

Tumigil naman siya sa ginagawa niya at sumulyap sakin.

"Di toh para sayo. Para kay Wendy toh." Sabi niya

Parang sumikip naman ang dibdib ko pero di ko nalang pinansin.

[A/N: May dibdib pala si Seulgi?]

"A-ah, s-sweet mo naman kay W-wendy." Sabi ko nalang at napatungo

"Syempre mahal ko siya kaya lulutuan ko siya." Sabi niya at gumuhit ang isang ngiti sa labi niya

Ang sakit. Sobrang sakit pero sanay na yata ako. Kailangan kong masanay.

"A-ah, s-sige. A-akyat muna a-ako sa k-kwarto." Sabi ko nalang at dali-daling umakyat sa taas

Pagpasok ko ng kwarto ay agad tumulo ang luha ko. Napaupo nalang ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.



Nagising ako ng makaamoy ako ng mabango. Sure akong yun ang niluluto ni Irene kanina. Agad akong lumabas ng kwarto at tumungo sa may hagdanan.

"Sure kang tapos na kumain si Seulgi?" Rinig kong tanong ni Wendy

Napatigil naman ako sa pagbaba at tumingin sa sofa kung nasan si Wendy at Irene.

"Yup! Kumain na siya habang natutulog ka." Sabi ni Irene

Nakita ko ang malapad na ngiti na pinakita niya kay Wendy. Mukhang naramdaman naman ni Irene ang presensya ko at napasulyap sakin. Bigla naman niyang nilabas ang isa niyang kamay at parang sinesenyasan niya akong umakyat ulit. Pasulyap-sulyap din siya sakin at pansin ko ang pagkunot ng noo niya habang nagkwekwentuhan sila ni Wendy.

Durog na nga yung puso ko tas ngayon mas lalong nadurog.

At minamalas nga yata ako ngayong araw kasi kitang-kita ng mata ko ang pagyakap ni Irene kay Wendy. Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Aish, ba't kasi nandito pa ako?

Napatingin ulit ako kila Irene at nakita kong sinenyasan niya ulit ako na umakyat. Tumango nalang ako sa kanya at tumungo hanggang sa makapasok ako sa kwarto.

Ang sakit.

Hey, Crush? | k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon