Seulgi's POV
"Kkangseul, hanapin mo nga si Irene! Kanina pa tayo naghihintay sa kanya." Naiinip na utos ni Krystal sakin
Tumango ako at hinanap na si Irene. Nagyaya kasi sila na manood ng movie sa bahay. OO, sa bahay ko. Kapal nga ng mga mukha eh.
Nalibot ko na yata ang buong campus pero di ko pa rin siya nahahanap. Nagpahinga muna ako sa isang bench sa may hallway ng building. Pinunasan ko ang mga tumutulong pawis sa mukha ko. Napatingin ako sa oras at 30 mins na pala akong naghahanap kay Irene. Aalis na sana ako ng makarinig ako ng dalawang taong nag-uusap. Sumilip ako sa may garden at dun ko nakita ang hinahanap ko.
"Wendy, I love you." Rinig kong sabi ni Irene
Parang dinurog naman ang puso ko sa sinabi niya. Alam ko naman na si Wendy ang mahal niya at namanhid na yata puso ko dahil sa paulit-ulit niya itong pinapamukha sakin pero bakit ngayon sobrang sakit?
"I love you, Seungwan-ah. Can you be my girlfriend?"
Ang sakit. Ang sakit-sakit. Parang pinunit ang puso ko. Di ako naniniwala sa sinasabi nilang heartache lang ang mararamdaman mo kasi tngna ba't parang buong katawan ko ang napunit? Buong katawan ko ang parang nabasag.
Parang waterfalls ang mga luha ko ngayon. Umaagos lang at di na yata titigil. Ang sakit lang. The way na inalagaan niya ako nung isang araw. Yung mga sweet gestures niya nung mga nakaraamg araw. Akala ko may pag-asa na pero akala ko lang pala yun.
Parang dumoble naman ang sakit ng makita kong dahan-dahan nilapit ni Irene ang mukha niya kay Wendy. Gusto kong umalis pero parang nakamagnet ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto kong tumalikod pero parang nakaglue sa kanila ang mata ko.
Nakatayo lang ako dun. Umiiyak habang sila ay nagsasaya. Mas lalo akong umiyak ng masaksihan ko ang paglapat ng labi nila sa isa't isa. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak.
Nakatayo lang ako dun habang umiiyak hanggang sa may kamay na tumakip sa mata ko at hinila paalis ng lugar na yun.
Nang makalayo kami ay napatingin ako sa humila sakin.
"A-amber...." Tawag ko sa kanya
Kita ko ang awa at pag-aalala sa mukha niya.
"Hinahanap ka na nila Krystal." Sabi niya
Tumango lang ako at tumungo. Di pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Lalo naman akong napaiyak ng yakapin ako ni Amber. Yumakap din ako sa kanya pabalik at umiyak lalo.
Nang mahimasmasan ako ay saka na kami bumalik ni Amber kila Krystal. Naubos ko na nga yata ang luha ko eh. Pagdating namin dun ay agad nila akong tinanong lung bakit ang pula ng mata ko. Umiling ako at sinabing okay lang. Paglingon ko sa isang side ay dun ko lang napansin na nauna pala samin sila Irene at Wendy. Pansin ko ang pamumula ng mata ni Irene. Nagkatinginan kami pero agad din akong umiwas. Lumapit ako kay Krystal at niyakap siya.
"Soojung-ah, gusto kong umiyak pero wala ng luha ang mga mata ko." Sabi ko habang nakayakap sa kanya
Niyakap naman niya ako pabalik at nagsimula ma rin kaming maglakad papunta sa bahay ko. Kami ang nauuna ni Krystal at nakasunod yung iba samin.
"Why? What happened?" Nag-aalalang tanong ni Krystal
"They kissed. Nakita ng dalawang mata ko." Sabi ko at tumingala sa kanya
"It's okay, Seulgom. Isipin mo nalang na sign toh na kailangan mo ng mag-let go. As your friend, ayaw kong patuloy kang aasa at masaktan. I think you need to move on. Marami pang iba diyan, Seul. You need to be happy. Di lang dapat siya ang maging masaya, ikaw din." Sabi niya at hinalikan ako sa noo
Napaisip naman ako sa sinabi ni Soojung. Oras na ba talagang bumitaw na ako? Wala na ba talaga akong pag-asa?
Sumulyap ako sa likuran namin at nakita ko si Wendy at Irene na magkahawak ang kamay. Maybe it's time to let you go.
------------------------------------------------
Nandito kami sa sala ng bahay. Nanonood ng A Love So Beautiful. Nasa sofa ang iba habang yung iba naman nasa sahig. Ako? Nasa single sofa.
Habang nanonood kami ay relate na relate ako kay Xiao Xi pero mas nakakarelate talaga ako kay Bo Song kasi damang-dama ko ang sakit na nararamdaman niya.
Nasa part na kami na nagpapaalam si Bo Song kay Xiao Xi. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mukhang nakita naman ni Krystal amg pag-iyak ko kasi lumapit ito sakin at niyakap ako. Di ko na napigilan pa ang sarili ko at umiyak ulit. Buti nalang busy ang lahat sa panonood kaya di nila kami napansin ni Krystal. Habang nakayakap kay Krystal ay napatingin ako kila Irene at Wendy na magkahawak ang kamay habang nakasandal si Irene kay Wendy.
Napatawa naman ako ng mapakla sa isip ko habang iniisip ang sitwasyon ko at ni Bo Song. I just realized something.
Hey, Crush. Guess what?
You're my Chen Xiao Xi but I'm just your Wu Bo Song.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nuod kayo ng ALSB hehe kaiyak si Bo Song parang si Seulgi dito. Pero.....LU YANG PA RIN AKO!
-Ms. Nobody
BINABASA MO ANG
Hey, Crush? | k.sg x b.jh
Fanfiction"Hey, Crush? Ba't ba kasi kita gusto kahit alam ko naman na masasaktan lang ako?" Date Started: 4/26/18 Date Ended: 5/8/18