Irene's POV
"IRENE BUMANGON KA NA DIYAN! DI KITA MAHAHATID!"
Napabangon ako sa sigaw ni Oppa. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko. Wala si Seulgi. Panaginip lang ba yun? Di yun totoo? Yung kiss? Yung dahilan niya? Damn.
Lumapit ako sa study table ko kung san siya dumaan sa panaginip ko. Walang kahit anong bakas na dumaan siya dun. Aish. Lumabas nalang akonat naghanda na para pumasok. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kila oppa at lumabas na ng bahay. Aish, akala ko yun na eh! Nagsorry na siya. Bwisit! qiqil si ako!
Pagkalapit ko sa gate ay dahan-dahan ko itong binuksan. Nakapikit pa ako at pagkabukas ko sa gate ay saka ko lang minulat ang mata ko. Pero wala, wala si Seulgi. Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na ng gate. Nagsimula na akong lumakad papuntang school.
Habang naglalakad ay halos mapatalon ako sa gulat ng may mga brasong yumakap sakin mula sa likod. Agad naman akong humarap sa kanya at hoping na si Seulgi yun pero........si Wendy ang nakita ko.
"Morning Irene!" Nakangiti niyang bati sakin
Tinanggal na rin niya ang mga braso niya sa bewang ko.
"Oh ba't parang diaappointed kang makita ako? Akala mo si Seulgi noh?" Nang-aasar niyang tanong
Papaluin ko sana ang braso niya pero nahawakan niya ito.
"Hindi n------"
"YAH! SON SEUNGWAN!"
Agad kaming napalingon sa sumigaw.
"Seulgi..." Banggit ko sa pangalan niya
Napatingin ako kay Wendy ng bigla niyang bitawan ang kamay ko at mabilis na tumakbo paalis habang tumatawa.
"WEND-----"
Di ko na natawag si Wendy ng may mga brasong yumakap sakin. Agad ko naman hinarap si Seulgi na nakayakap pa rin sakin.
"Seul..." Tawag ko sa kanya
"Hmm? Morning. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong niya
"A-ah, oo." Sagot ko
Naramdaman ko naman na ngumiti siya.
"Buti naman. Nakatulog ka kasi pagkatapos kong magsalita." Rinig kong sabi niya
Napalaki naman ang mga mata ko. Totoo yun?! Yung kiss?!
"T-totoo?" Tanong ko
Tinignan naman ako ni Seulgi habang nakahawak pa rin sa bewang ko ang mga kamay niya.
"Hmm, totoo yun noh. Kung gusto mo gawin ulit natin yun." Sabi niya at kumindat sakin
Naramdaman ko naman na uminit ang pisngi ko. Umiwas naman ako ng tingin.
"At ba't naman natin gagawin yun?" Tanong ko
"Kasi........akin ka. Kasi.....mahal kita." Nakangiti niyang sabi sakin
Namumula man pero tumingin ako ng diretso sa mata niya.
"Sure kang sayo ako?" Nakangisi kong tanong sa kanya
Napapout naman siya at tumungo. Magsasalita pa sana siya ng may tumawag sa kanya.
"SEULGI! SABAY NA TAYO! WALA SI AMB-----"
Di ko na pinakinggan pa si Krystal at hinila si Seulgi paharap sakin.
"Sige I---"
Di ko na siya pinatapos at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"Whether you like it or you love it, liligawan mo ko, Kang Seulgi."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
More updates later.
-Ms. Nobody
BINABASA MO ANG
Hey, Crush? | k.sg x b.jh
Fanfiction"Hey, Crush? Ba't ba kasi kita gusto kahit alam ko naman na masasaktan lang ako?" Date Started: 4/26/18 Date Ended: 5/8/18