Chapter 2

15 0 0
                                    

Director's  Son

Habang kami ay naglalakad, pauwi sa bahay. Biglang may dumaan sa harap namin ni Tin na couple. *Ting* (tunog ng may naisip. Basta! Ganon hahaha)

Sila lang ang nakita kong couple kanina sa park. Tamang tama sa damit nila. Naka-black yung lalaki at naka-white yung babae.

Habang nakatalikod sila samin. Sinipa ko sa paa yung babae pero di naman ganon kalakas BWAHAHAHA.

"Ouchhh" sabi nung babae

"Anong nangyari sayo babe?" Tanong nung lalaki

"Sinipa nya ako!"

"WHAT THE!" sabay lingon nila sa amin.

"Aj! Alam ko na sa isip mo ako mo sila miggy yan no?"  bulong sakin ni tin. May tama siya HAHAHA

"Oo, ihhh" sagot ko

"Anong ginawa mo sa babe ko!?" Galit na sabi nung lalaki.

"Nadali ko lang naman ih!" Sagot ko.

Sasampalin na sana ako nung lalaki ng biglang...

1!

2!

3!

Tumakbo kami ni Tin. WAhahahhaha

*Siguro may nakaisip sa inyo na ililigtas ako ni miggy or ni KnightInShiningArmor a.k.a KISA for short hahaha. Sorry, pero walang ganon!*

"Hay nako! Aj naman! May pasipa sipa pa kasing nalalaman ihh!" Sabi nito sabay irap sa ere.

"Eh kasi ano-"

"Kasi akala mo si miggy at yung NEW GIRLFRIEND nya yun" letseng to! Pagdiinan ba naman.

"Oo! Alam kong may bago na sya. Pagdiinan ba!" Sabi ko sabay irap.

"Umayos ka nga minsan! Ay! Hindi pala. Umayos ka pala LAGI!" sabi nito sabay ngiti at kinuha ang kamay ko sabay pinag-apir ang kamay namin.

Irap na lang ang sinagot ko sa kanya.

"Pati eto pa! Alam mo ba muntikan ka ng masampal! Ano? Nasan na ba ang utak mo Amieluka!" Daig pa si mama magbunganga ih.

"Nasan ba utak mo Tin-nga?" Tinga kasi panloko sa kanya.

"Nasa ulo ko. Duh!" yun naman pala ih.

"Eh, bakit mo pa tinatanong kung nasan yung akin?"

"Muka kasing nasa talampakan" sabi nito sabay irap. Dukutin ko mata nito ihh.

"Yun na nga ih. Muka lang" sabi ko sabay irap din.

"Hay nako! Ewan ko sayo! Lagot ka naman kay daddy. Di kita tutulungan!" Sabi nito sabay takbo hanggang maka-abot sya sa may gate namin.

"Grrrrr, pinaalala mo pa talaga TIN-NGA!" problema pa nga pala.

"Para alam mo na sasabihin mo, AMIELUKA!" Sabi nito sabay tawa.

Pagpasok namin sa loob ng bahay agad naming nakita sina mama at daddy na nakain na ng hapunan.

"Oh, mga anak ko. Ngayon lang kayo nakauwi? Napatagal ata ang inyong pamamasyal ah." Sabi ni mama habang naka-ngiti.

"Oo nga po ih, ansaya po kasi mamasyal mama ihh" sagot ni tin.

"Kain na kayo" sabi ni mama

"Sige po" sabi ni tin sabay upo namin sa upuan.

Napakatahimik lang namin habang kumakain ng biglang pinutol ni daddy ang katahimikan.

"Amiel Joy, ano bang ginawa nyo sa park?" Tanong ni daddy habang titig na titig sa akin.

MOVE ONWhere stories live. Discover now