Prologue

31 0 0
                                    


Bakit sa istorya na nababasa natin may kontrabida? Hindi ba pwedeng masaya na lang lahat, wala ng kontra.

Bakit sa istoryang nababasa natin kapag naghiwalay ang lalaki at babae, sa huli sila pa din? Eh, bakit pa naghiwalay, para may thrill ganon?

Bakit sa istoryang nababasa natin palaging yung bestfriend nung lalaki mafa-fall sa bidang babae? Pero ang ending yung lalaki pa din ang pipiliin at hindi yung bestfriend.

Sa bawat istorya na nababasa natin damang-dama natin, kikiligin, iiyak, matutuwa, malulungkot.

Bakit sa tuwing magbabasa tayo gusto natin concentrate tayo? Kasi dapat dun lang tayo sa priority natin at hindi dapat gumagawa ng option.

Bakit kapag nagbasa tayo ng storya ginagawa na agad nating asawa yung bida, tapos kapag nakabasa na ng iba another asawa ulit? ISA-ISA LANG KASI BES! KAYA NAKAKASAKIT IHH.

Bakit may istorya tayong nababasa na akala natin sila na, yun pala its either mamatay yung isa sa bida or may iba pa palang nakalaan para sa kanya. PINAPAASA TAYO BE!

Bakit andami nating tanong? 
Kasi hinahanap natin, ang TUNAY na sagot kung saan tayo masa-satisfied. Like, bakit kailangan tayong paltan, PALAGI BA DAPAT TALAGANG MAY KONTRA?

Bakit kailangan tayong ihiwalay sa taong mahal natin, para subukin o para malaman mo na di talaga kayo para sa isat isa?

Bakit kapag nagmahal ka, bakit kailangang yung iba yung piliin o mahalin. 
Bakit di na lang ikaw bakit kailangang may iba pa? So, sino ba talaga ang reserba? Ako o sya?

Bakit kailangang mangako kung di rin naman tinutupad? Naniniwala na talaga ako na, Promises meant to be broken.

Sa dami kong tanong, wala pa din akong magawa kundi ang mahulog sa kanya, ang paulit-ulit na masaktan dahil masaya sya sa iba o "baka naman kagaya siya ng mga nababasa ko sa isang storya na nagkukunwariang masaya para pagselosin ako?" Pinanghahawakan ko pa din ang paniniwalang yan. Pasensya na, TANGA ihh.
Alam ko namang di lang ako ang naging ganto. PERO KAILANGAN DIN NATIN NA MAGING MASAYA.

We are WORTH IT.
Ang tanging sulosyon lang nakailangan gawin ko ay ang
Mag-MOVE ON.

MOVE ONWhere stories live. Discover now