Chapter 3

14 0 0
                                    

Smile

"Sh*t! Alam mo ba Tin! Yung lalaking hinalbot ko. Mygoshh. Anak-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sya na ang nagtuloy.

"Anak ng may ari ng school" sabi ni Tin, nandito kami ngayon sa room. Wala pang teacher at kakaunti pa lang ang nasa loob ng room kaya nakakapagdaldalan pa kami.

"WHAT!? Alam mo? Bakit di mo sinabi sakin" takang tanong ko.

"Narinig ko lang" tsismosa.

"Bakit di mo sinabi sakin?"

"Kasi kinikilig ako" she giggled at may paghampas pa sakin, napapatingin tuloy mga kaklase namin na napasok sa room.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Kasi diba yieeee hinawakan ka nya sa braso tapos yieee may binulong nga sya sayo ih, ano yun?" Tss.

"None of your business" sagot ko.

"Yieee, bakit ka namumula? Kinikilig ka no?" Ako kikiligin? Ikaw kayang sabihan ng wierdo, di ka magagalit. Tss

"Yak! Tin, di ako kinikilig no! Naiinis ako"

"The More You Hate, The More You Love" tss. Di yan totoo.

Padami na ng padami ang napasok kaya hinihinaan na lang namin yung boses namin dahil alam nyo na. Madaming tsismosa sa tabi tabi hahahaha.

"Pero maiba, ano nga yung binulong sayo nung anak ng director?" Kulit din ng babaeng to. Tss

"May pangalan sya ha. Hindi anak ng director ang pangalan nya pati huwag na natin yun pag-usapan"

"Yieee alam nya yung pangalan. Kinikilig ka talaga. Ano bang pangalan nya?" bakit ako kikiligin? Duh!

"Marc Fran-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil may biglang sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon kami ni Tin sa may pintuan.

"Hoy! Amiel Joy Frances!" Tss. Jazelle's and the company kasama nya kasi mga alipores nya.

"Bakit?" Tanong ko habang naka- poker face habang si Tin naman ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin kina Jazelle's and the company.

"Napakalandi mo!" Sigaw nya sabay duro sakin.

"Inaano kita?" Kalmadong tanong ko.

"Una! Si Miguel tapos ngayon si Marc na anak ng may ari ng school nilalandi mo!" tsismis nga naman, andaling kumalat.

"Pake mo?" Sabi ko pagkatapos ay pinagtaasan ko sya ng kilay. Nakakarami na to ng salitang malandi ihh.

"Aba! Lumalaban ka? Sabagay panget ka naman kaya ka nga iniwan ni migz ihh. For sure, sasaktan ka lang din ni Marc. Diba girls?" Tanong ni jazelle sa mga tuta nya este alipores nya hahaha

Tumawa lang naman yung alipores nya habang natango.

"Tapos ka na sa speech mo? Ako naman" umirap lang si jazelle.

"Huwag na huwag mong dinadamay ang relasyon ko. Gusto ko lang din sabihin sa mga alipores mo na, MUKHA KAYONG MGA TUTA na sunod-sunudan kay Jazelle na amo nyo o nanay nyo NA MUKHANG ASO!" Sabi ko sabay irap, di ako papatalo noh. Nagpalakpakan naman yung mga kaklase namin sa sinabi ko. Lalapit sana si jazelle ng bigla syang hinarangan ni Tin at pinagtaasan ng kilay, hinila naman sya namang alipores nya at sinabihan na

"Huwag muna ngayon" alipores 1

"Baka ma-guidance tayo" alipores 2

"Mamaya na lang sa labas" alipores 3

MOVE ONWhere stories live. Discover now