Chapter 10

18 2 0
                                    

Fading You

Chapter 10: Suitor

Written by: Magnanonymous

M's note: Anong pakiramdam ng may nanliligaw? Or in love? Comment Down Below.

Lori's Point of View

Hindi ko mapigilang mapangiti pagkagising dahil ang buong unit ko... ay malinis!

I've checked every corner at wala na talagang kalat! Yesterday, I decided to watch movies para malimutan kahit saglit si Laura at si Edward at yung bestfriend ko na si Max at sa sobrang pagsasaya ko ay nakalimutan ko ng maglinis ng bahay since lagi kong tinatanggihan yung cleaning services sa unit ko.

Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko yung notepad ko at tinignan ito. May limang check na ang BOYFRIEND CHECKLIST KO at ng binuksan ko ang likod nito ay may nakita akong nakasulat.

'Some things are meant to be.'

Nangingiti ako sa sulat na iyon. Kaunti nalang Francis, kaunting tiis nalang... Kailangan ko munang gamutin ang sugat na dala ni Edward pero kaunti nalang, halos di ko nga siya naalala ng dahil sayo e.

Ngayon ay nagbabasa nalang ako ng mga libro ni Shakespeare. Ganito ko inubos ang oras ko sa loob ng condo saka ako...

Zzzzzz

~~~
[May 6, 2003]
(8 days after yesterday)

Good day pipol!!! I checked my schedule at mukhang wala akong appointment today kaya naisipan kong mag coffee outside. Pagayak palang ako ay...

*tok!* *tok!* *tok!*

Aga naman may cleaning service, panigurado ay mangungulit silang maglinis sa loob ng unit ko. Di bale, hihindian ko nalang.

Pagkabukas ko ng pinto ay biglang nanlaki ang mata ko dahil andito na si Francis na may dalang coffee, isang boquet ng white roses at letters.

It's been eight days since hindi ko siya nakikita pero tuwing umaga ay may nakikita akong puting rosas at liham sa tapat ng aking pinto. Minsan pa nga ay may kasama pa na mga paborito kong prutas, chicharong bulaklak at gatas ng kalabaw. He's very consistent guy na ikinatuwa ko talaga. Siyempre, kinilig din ako. Kahit kailan ay hindi kami naging ganito ni Edward siguro bukod sa hindi siya cheesy at napaka-pormal niyang tao ay si Max talaga ang gusto niya. Noong una nga ay akala ko na sila talaga pero di ko inasahan na sa ako pala yung gusto niya pero syempre ngayon... Ako lang ang nahulog. Ako lang.

Ihinto mo na yung kakaisip sa mga yun! They don't even deserve to have my thoughts.

How coincidental na papunta palang ako sa coffee shop ay nandito na siya. Very good talaga ang timing!

"Pasok ka." nahihiyang sambit ko.

He's wearing a v-neck white shirt na humahapit sa maganda niyang katawan plus ripped jeans at mukhang pawis na pawis siya. Alam kong hindi uso ngayon pero he's totally hot with that style!

At hot na din ang pisngi ko dahil sa kanya dahil nakatitig na siya sa kin!

I forgot that I'm wearing a camisole na sleeveless at shit! Nakita ko siyang namula kaya napakagat nalang ako ng labi.

"Tuloy ka." Pag-uulit ko kaya bumalik siya sa wisyo at pumasok. Ako naman ay nagpalit na ng usual clothes ko. T-shirt at shorts na before knee ang haba. Pagkatapos ay bumalik na ako sa living room.

Fading YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon