Fading You
Chapter 13: Family Dinner (Part Three: Can't Help!)
Written by: Magnanonymous
Lori's Point Of View
Lub
Dub
Lub
Dub
I saw Francis there!
Lub
Dub
Lub
Dub
Standing with his guitar.
Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?
Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you
Napangiti nalang ako sa nangyari. I didn't expect that was going to happen. Even hindi perpekto ang boses niya, he sounded like he genuinely practiced what he has done. Natawa naman ako ng makita si Matteo na nakasimangot habang tumutugtog ng gitara.
And the place and timing was so perfect! Hindi ko naisip na naghahanda na pala sila sa ibaba habang kinakausap ako ni Tita! Lumingon ako kay Tita at Althea na halatang bumubingisngis na din.
Bumaba ako at pagkarating ko ay nagbigay siya ng isang boquet ng flowers at umakyat na si Matteo sa taas.
"Bro, goodluck." tinapik niya ang balikat ni Francis at ningitian ako bago tuluyang umakyat.
"Naalala mo pa ba noong tinanong kita kung pwede ba kitang ilibot dito noong nakilala kita?"
"Oo naman." nakita ko na naman ang ngiti sa kanyang manipis na labi. Arghhh! I-erase mo yang nasa utak mo! Lumalandi ka na naman.
Ipinagkrus niya ang mga daliri namin at hinawakan ang kamay ko
"Lakad tayo?"
"Sige ba."
Malamig at presko ang simoy ng hangin ngunit mas ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko sa kilig.
All I could say is, the scenery is perfect.
Tinitigan niya ako sa mga mata.
"Alam ko Lori, kailan mo lang ako nakilala ngunit matagal na kitang sinisinta. Sana sa maikling panahon na magkasama tayo ay pagbigyan mo ako." hinawakan niya ang kamay ko sabay halik sa mga ito.
"Mahal kita." nakikita ko ang kislap sa kanyang mga mata ngunit pati ako ay naluluha na.
"Mahal din kita Francisco." niyakap niya ako ng mahigpit at umagos ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang tuwa at bigat sa dibdib na nararamdaman ko.
"Pero ayokong isipin mo na ginagamit kita para makalimot ako." lumuwag ang pagkakayakap namin sa isa't isa at hinawakan ang mukha ko.
"Wag kang mag-alala Lori, kahit kailan ay hindi kita tinignan ng ganyan." hinalikan niya ang noo ko at nakaramdam ako ng pagmamahal.
"Kasalanan ko to eh, bakit ba hindi ako nagpakita sayo agad. Ayan, umiiyak ka tuloy dahil sa kanila." seryoso ang kanyang tono pero hindi ko mapigilang matawa at suntukin siya ng mahina sa kanyang biceps.
Matigas. Ooops. HAHAHAHAHA
"Sira, wala kang kasalanan doon pero sana pala matagal na kitang nakilala." natahimik siya at humingang malalim ngunit napangiti siya nang lumingon sa akin.
to be updated.