Chapter 12

23 2 0
                                    

Fading You

Chapter 12: Family Dinner (Part Two: KASAL AGAD?!)

Written by Magnanonymous

Lori's Point of View

Inakay na ako paakyat ni Althea at habang paakyat kami ay halos malaman ko na yung buong pagkatao niya. Hindi naman exaggerated ako, it's like sobrang daldal niya kaya naiilang ako.

"Althea, naririndi ako sa mga kwento mo!" singhal ni Matteo.

"Edi wag kang makinig! Hindi naman ikaw yung kausap ko eh!" ganyan ba talaga sila magkapatid? Parang bwisit na bwisit sila sa isa't isa.

"Nagsisimula na naman kayong dalawa." giit ni Mr. dela Cruz

Nanahimik silang dalawa at gayundin yung eardrums ko. Napatingin ako kay Francis at mukhang may malalim siyang iniisip.

Lumingon ako kay Matteo at nakanguso siya sa akin. Nginitian ko nalang siya at umaliwalas naman ang mukha niya.

Naka-upo na ako sa upuan, syempre inalalayan ako ni Francis sa pag upo ko. Katapat ko siya habang si Althea ang katabi ko na kanina pa nakakukuyabit sa akin habang si Matteo ay katapat si Althea. Si Mr. at Mrs. dela Cruz ay nasa magkabilang dulo

Nanalangin muna kami bago kumain.

In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit. Give us O Lord and this thy gifts which we are about to recieve, from thy bounty through Christ Our Lord. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit. Amen.

"Kumain na tayo." Sambit ni Mr. dela Cruz.

Naging matiwasay at tahimik ang pagkain namin hanggang sa...

"Kailan ang kasal?" nasamid ako sa tanong ni Mr. dela Cruz.

Nakipagunahan pa sa tubig ang dalawang magkapatid. Sino pa ba?! Syempre si Francis at Matteo.

Tinanggap ko yung kay Francis hihi at nakasimangot na naman si Matteo, natawa pa si Thea at Mrs. dela Cruz.

"Okay ka lang hija?" tanong ni Mr. dela Cruz. Sinong magiging okay sa tanong niya eh parang minamadali kami ni Francis neto?! Wag naman pong ganun.

"O-okay l-lang po." sagot ko.

"So Francis, kailan ang kasal?" Buti nalang kamo ay hindi pa ako nakakasubo at panigurado ay mububulunan na ko at kung tinatanong niyo kung namumula ako at natutulala sa kahihintay ng sagot. Expect it¡!

"Sa May 18 po." WHAT?! Ikakasal na ako sa May 18?! Shet, ano na ba nangyayari at parang kay bilis na. Halos isang buwan pa lamang ng pagkikita namin, KASAL AGAD? Grabe naman pala sila. Pero kung si Francis naman eh, why not? Choosy ka pa ba?

Syempre hindi hehe. ❤❤❤

Ano kaya itsura ng wedding gown ko? Saan kaya yung venue? Saka sino yung guests pati ninong at ninang? Sino kaya ang bridesmaid ko? Si Anne nalang since bestfriend ko siya since highschool at wala naman akong choice. Ano kaya magiging reaksyon niya hehehe.Naririnig ko na yung Canon in D na tumutunog sa tenga ko. Hihihihi.

"Buti naman ay tuloy na tuloy ang kasal ni Dan Antoinne and Rachelle Karylle."

SIYETENG PUSA NA KINALBO NG USA NA PINATAY NG KALABAW?!


Paano.

Pe-pe-pero!!!

Whaaat?

Ano ba yung naiisip ko?! Tsk! Tsk! Tsk! Pero sayang talaga diba? Next time kasi mag iisip ka haa? Imposible naman kasi kaya wag ka ng mag expect. Shut up ka nalang Lori.

"Naku, ang swerte talaga nila sa isa't isa. Lori, diba ikaw yung bridesmaid?" singit ni Mrs. dela Cruz.

"Huh?! Ako po? Bridesmaid?" Di ko nga kilala yung bride tapos ako pa bridesmaid?! Close ba kami nung Raquel ba yun? Hayys. Ang kakalimutin ko na yata.

"Di pa ba nasasabi sayo ni kuya?" sabay tingin namin kay Francis.

"Sasabihin ko palang sana." mahinang tugon niya.

Natapos na kaming kumain at napag-alaman ko na magkababata si Dan at Francis at hanggang sa makapagtapos sila ay magkasama pa rin sila. Nagkakilala si Dan at Rachelle noong college sila, niligawan ni Dan si Rachelle ngunit tumutol ang mga magulang nila pareho at sapilitan sila pinaghihiwalay ngunit pinagpatuloy nila ang kanilang relasyon kaya pinadala si Rachelle sa ibang bansa at pinag-aral doon.

"Lori, pwede mo ba akong samahan sa kwarto?" tanong ni Mrs. Dela Cruz.

"Sige po." ngumiti naman siya ng marahan.

Pumasok kami sa isang kwarto na halata namang kwarto ni Mr. at Mrs. dela Cruz. Pinaupo niya ako sa kama at binuksan niya ang isang old - fashioned cabinet at inilabas ang isang maliit na wooden box. Iniabot niya sa akin ito. Binuksan ko ito at may nakita akong stuffs pero isa lang talaga ang nagpakabog sa dibdib ko.

"This is the picture ng first love ni Francis." Tinitigan ko yung picture pero malabo yung mukha nung babae pero her features,  hmm. She looks younger than me and may pagkakamukha kami sa katawan pero dahil matagal na ito at di ko makita ng maayos yung mukha at dahil black and white yung picture, I can't say anything about her.

"Mahal nila ang isa't isa pero umalis siya para mag-aral sa London." Hmm. baka kilala ko siya dahil halos lahat ng Filipino students doon ay nae-encounter ko.

"I must know her, I have many Filipino friends there." then I smile geniunely.

" Unfortuna---" Hindi na naituloy ni Mrs. dela Cruz yung sasabihin niya dahil humiyaw si Althea.

"Ma, Ate Lori. Si Kuya Francis!" Hingal na hingal siya. Bigla akong kinabahan.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ko.

Tinuro ni Althea sa labas at mabilis kong tinungo yung bintana upang tingnan kung nasa baba talaga si Francis at nakita ko siya na...

Fading YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon