Chapter 2: Bus

26 2 1
                                    

Eun Woo's P.O.V

     Papunta na ko sa may bus stop habang nakikinig ng mga rock songs, I hate Kpop.

         Habang nag aabang, may napansin akong babaeng tingin ng tingin sa'kin mula ulo hanggang paa. "Isa rin ba 'to sa mga babaeng humahabol sa'kin araw-araw? Pero parang ngayon ko lang nakita 'yang mukhang 'yan. Ang liit n'ya, ang puti SOBRA, ang taba ng pisngi.", sabi ko sa isip ko. Hindi sa nagmamayabang pero totoong may mga nanghahabol sa'king mga babae. Wala akong utang sa kanila or nagawang kung ano ah? Sadyang hinahabol lang nila ako. Ewan ko rin kung bakit. Marami rin namang gwapo dito? Marami rin namang nagbabasketball? Marami rin namang honor?

      Habang patuloy n'ya akong tinitignan mula ulo hanggang paa'y tinignan ko rin s'ya. At nung napansin n'ya sigurong tinitignan ko rin s'ya ay agad s'ya umiwas. "Weird n'ya ah? Ang kapal ng salamin grabe. Dami pa n'yang bitbit? Baka nga bago.", sabi ko ulit sa isip ko.

     Pagkadating na pagkadating nung bus, agad na umakyat yung weird na babae. Ewan, pero parang nagmamadali s'ya. Halos hindi na nga rin s'ya magkasya sa pintuan sa sobrang dami n'yang bitbit.

     Pag akyat ko, nakita ko yung mga babaeng nanghahabol lagi sa'kin. Nag kawayan sila sa'kin with matching ngiting malandi.

     Nagulat kaming lahat nung kumaway yung weird na babae sa kanila. Pagkaupo nung babae, nakita n'ya ako. Nanlaki ang mga mata n'ya, narealize n'ya siguro na hindi s'ya yung kinakawayan nung mga babaeng yun. Pagkatapos nun ay tinawan s'ya nung mga babaeng humahabol sa'kin.

     Since sa tabi nalang n'ya ang vacant, no choice ako kundi ang maupo doon. Tinakpan n'ya yung mukha n'ya gamit ang buhok n'ya. Nahiya siya siguro.

     "Huwag mo nalang silang pansinin.", walang emosyong sabi ko.

     Kinalabit n'ya ako and then nag ok sign (👌) with matching ngiting 'di kita mata at sinabing "Okay!". Nagsmirk lang ako at nakinig nalang ulit ng Rock songs. Napansin ko pang nagpout s'ya at nag cross arms.

< < F A S T F O R W A R D > >

     Pagkarating namin ng school pinauna ko na silang lumabas at sumunod ako pero nung pagtayo ko, napansin kong tulog na tulog yung weird. Lumapit ako sa kanya at tinitigan s'ya saglit. "Weird lang s'ya, pero cute naman din pala. Pero weird pa rin lol.", sabi ko sa isip ko.

     Nanlaki mga mata ko nung bigla s'yang dumilat, kinusot kusot ang mga mata at pinunasan ang salamin. Naramdaman n'ya sigurong nandito na kami sa school.

     "Gising na, dito ka di ba?", sabi ko ng walang emosyon. "Ahh! oo, thanks. Pa'no mo pala nalaman?", tanong n'ya. "I.D mo", walang emosyong sagot ko. "Ahh oo nga haha, thanks ulit sa panggigising.", sabi n'ya sabay bangon and then nag wave at lumabas. Lumabas na rin ako.

     Ang weird n'ya talaga. Hay sana 'di ko s'ya classmate kahit sa isang subject. At sana 'di ko rin maging classmate yung mga babaeng humahabol sa'kin. Kainis kaya.

     Pagbaba ko, hindi ko na nakita yung weird na babae. Pumunta agad ako sa court, magte-training pa kasi kami. Sana wala dun yung mga babaeng nanghahabol sa'kin, 'di kasi ako makapag focus pag nandun sila, naiinis kasi ako sa ingay nila.

     Pagtingin ko sa may daan papuntang dorm ng girls, nakita ko yung weird at yung lalaki kaibigan ng lahat maliban sa'kin, si Moonbin. Ewan, pero halos lahat kaibigan nun. Dahil siguro sa mabait s'ya or dahil sa famous s'ya dahil magaling s'ya sa arts or 'di kaya dahil gwapo s'ya? Basta maalin lang yun dun sa mga yun.

     Nagkabanggaan yata sila kasi yung weirdong babae kanina pa kasi bow ng bow, nagsosorry yata. Samantalang si Moonbin nakangiti lang.

     'Di ko na sila pinansin at agad akong pumunta sa court, late na kasi ako.

What is Love? &lt;DaWoo&gt; (DahyunXEunwoo)Where stories live. Discover now