Chapter 3: Dorm

35 3 3
                                    

Dahyun's P.O.V

     Pagkababa ko ng bus, agad kong inilabas yung map ng school. Grabe, laki talaga ng school na 'to, baka maligaw ako.

     Habang naglalakad... *boogsh!*, "Ouch!", angal ko. May nabangga ata ako. Pag angat ko ng ulo ko may nakita akong lalaking mukhang mabait. "Sorry, sorry, sorry!", kinakabahang sabi ko. Ngumiti s'ya sa'kin at sinabing, "Ok lang ako, ako nga dapat ang mag sorry eh. Ikaw ok ka lang ba?", nag-aalalang tanong n'ya. "Ah oo, ok lang ako. Sorry talaga ah?", sabi ko. "Ok lang hahaha. Tigilan mo na 'yang pagba-bow mo.", nakangiting sabi n'ya. Napangiti nalang din ako at nagpasalamat. "Thank you. Buti ka pa, maunawain.", nakangiting sabi ko. "Hahahaha! Sige pa'no ba 'yan? Una na ko. Ingat ka baka kung sino mabangga mo.", sabi niya ng nakangiti at kumindat. Nginitian ko nalang din s'ya.

< < F A S T F O R W A R D > >

*kinanta yung FFW ng Twice*

     Paakyat na 'ko ng room ko. Nang may marinig akong ingay, galing sa room ko. Naalala ko, 'di pala ako solo, may karoommates nga pala ako. 'Di ko pa sila kilala, miski pangalan nila hindi ko pa alam.

     Pagpasok ko, nakita ko yung dalawang roommates ko, naglalandian.

     "Welcome!", masayang pangwewelcome nila sa'kin. Nginitian ko sila at ipinasok na ang akin mga gamit. "Tulungan ka na namin.", nakangiting sabi nila. "Salamat", nakangiting sagot ko.

     "Momo nga pala.", nakangiting pagpapakilala nung kanina pa kain ng kain. "Dahyun", nakangiting pagpapakilala ko din. "Sana nga pala", sabi nung isang karoommate ko, sabay kindat. Creepy, parang manyak. Kinamayan ko naman s'ya at nag pakilala.

     "So, ba't ka pala lumipat?", nakangiting tanong ni Momo. "'Wag n'yo 'ko tatawanan ah?", sagot ko. Tumango tango lang sila. "Binubully kasi ako dun sa school ko dati.",sagot ko. "Huh? Bakit ka naman bubully-hin?", tanong ni Sana. "Nung time kasi nun, naiwanan ko yung salamin ko. Eh yung teacher ko naman, alam na nga n'yang wala akong salamin, ako pa rin yung pinag sulat sa blackboard, binigyan n'ya ko ng kopyahan nun. Instead na their kasi yung isulat ko, there ang nasulat ko. Eh malabo nga kasi yung mata ko. So yun, tinawanan nila ako, simula nun, ayoko na magperform or maging center of attraction, kinakabahan na 'ko lagi.", pagkukwento ko sa kanila. "Ang babaw naman nila...", sabi ni Sana.

     "To be honest, nabubully rin ako.", malungkot na sabi ni Sana. "Weh? Wala ka namang nasasabi sa'kin?", tanong ni Momo. "Baliw, nagsasabi ako sayo. Sadyang lutang ka lang palagi.", sagot ni Sana. "Ay ganun ba? Hehe.", nahihiya hiyang sagot ni Momo.

     "Ba't ka nabubully? Ang almost perfect mo na nga eh.", tanong ko. "Kasi sabi nila ang clumsy ko daw. Tapos sinasabihan lagi nila akong ahas.", malungkot na sabi niya. "Sorry.", sabi ko. "Bakit ka nagsosorry? Hindi naman ikaw yung nag sasabi sa kanya nun di ba?", tanong ni Momo. Jusq. Nagjojoke ba s'ya? O sadyang 'di n'ya alam meaning nung sinabi ko? Nvm. "I mean sorry, kasi dahil yata sa pagtanong ko naalala n'ya pa yung nakaraan n'ya.", sagot ko. "Ahhhhh! 'Di mo kasi nililinaw eh.", sagot ni Momo.

*Sandaling nanahimik ang paligid*

     "Actually ako rin nabubully.", pambasag ni Momo sa katahimikan. "Bakit naman?", tanong ko. "Ewan ko, lagi nga nila akong sinasabihang bobo.", naiiyak iyak na kwento n'ya. "Awwww! Hayaan mo sila. 'Wag mo nalang silang pansinin.", sabi ko.

***

     Simula noon, naging sila na ang tinuturi kong mga kapatid. By the way, Only child nga pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What is Love? &lt;DaWoo&gt; (DahyunXEunwoo)Where stories live. Discover now