SHERLOCK 📝 1

16.1K 175 34
                                    

When you believe that you only live once, you should cherish every passing moments of your life. Dahil kung hindi ka pa ngayon mag-eenjoy, kailan pa? Kapag matanda ka na? Nah. She was not born to be like that.

Living the life of being fed by everything she wans, lahat ng gusto ni Vanessa ay madali niyang nakukuha. She may be a brat to other people's eyes, but who cares anyway? It's not that she's mingling with their lives. Sarili nga niyang mga magulang, pinababayaan lang siya sa gusto niyang gawin sa buhay. Iyong ibang tao pa ba? Sa kanila pa ba siya magpapaapekto at susunod?

"'Sup?" She said upon answering the call of Ainne from the other line.

Kasalukuyan siyang nag-aayos para sa pag-gimmick mamaya. It's Friday night, kaya sa bar ni Ainne siya naka-schedule na magpunta. Balita rin kasi niya, nandoon ang ilan sa mga ka-batch nila noong college at mayroong kaunting selebrasyon sa hindi niya alam na dahilan.

"Where are you at, Van? Ikaw na lang ang wala rito!" Halos sumisigaw na sa kabilang linya ang kausap habang sinasabi iyon kung kaya't hindi niya maiwasan ang mapangisi.

So, they're all waiting for me, huh?

"Actually, i'm leaving already. Pero dahil tumawag ka, I am still stuck in my room, talking to you." Tumayo na siya saka kinuha ang maliit na purse at nagmamadaling tinungo ang pinto ng kanyang kwarto.

Pagkabukas niya niyon ay tumambad sa kanya ang mukha ng magaling niyang kapatid, si Weigan, na mukhang alam na kaagad niya kung bakit nandoon na naman sa labas ng kanyang kwarto.

"Papunta na ako dyan, Ainne. Wait for me, okay?" Aniya sa kausap saka mabilis ng pinatay ang tawag at hinarap si Wei. "What now?"

He shrugged at her. "Pasama naman. I need to unwind."

She cocked an eyebrow at him. "No. Ayoko." Kaagad naman itong sumimangot doon. "Hindi ba may lakad kayo ni Maxton?"

Naglakad na siya palabas ng bahay, habang ang kapatod naman ay nakasunod lamang sa kanya, sa likuran.

Weigan is her younger brother, pero kung titingnan, mukhang ito ang panganay sa kanilang dalawa dahil sa laki ng pagkakaiba ng height nila. And also, he's more matured than her? That's what she thought. Hindi man kasi halata sa karakas at pormahan ng kapatid, at the young age of 25, he's already handling half of their family business, while she on the other hand, still doesn't want to have any responsibility handling any of it.

Saka na siguro, kapag 30 na siya. She still have three years to figure out if she really wants to handle it or just pass it all to Weigan.

"Hindi na kami tuloy. Kasama raw niya sina Angie at saka iyong boyfriend niyang mukhang espasol."

Pinigilan niyang mapabunghalit ng tawa doon. My my, my baby brother is still in state of being bitter about his ex-girlfriend, Angie and her boyfriend, I forgot the name.

Pero sabagay, she was his first love. Sayang nga lang at naghiwalay sila.

She sighed, as she turned around, looking at him, frowning. "Fine. But please, mind your own business and don't you dare hang around our group. Is that clear?"

Agad na sumilay ang ngisi sa mukha nito kasabay ng pagsaludo sa kanya. "Aye, captain! See you there."

She smiled on that, as she watched him entered his car and leave their house with fast speed.

Hindi man halata, kasi parehas silang hindi showy, pero kapag may problema ang isa sa kanila, they always got each others back. They help each other in all the ways that they can. Pero dahil pinalaki naman sila ng kanilang mga magulang na maging independent, na marunong tumayo sa sariling mga paa, as long as kaya nilang resolbahin ang problemang kinakaharap nila, nilulutas nila iyon ng hindi humihingi ng tulong sa iba.

BOSS Series 2: My Boss Sherlock [5 CHAPTERS PREVIEW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon