SHERLOCK 📝 3

3.9K 94 35
                                    

Naiwang nakanganga sa kawalan at hindi makapaniwala si Vanessa sa narinig na iyon mula kay Cap.

The man just dumped her in a most harsh and rude way a guy could possibly do.

Mahina siyang napatawa roon kasabay ng bahagyang pag-iling.

Mukhang mahihirapan nga siyang kuhanin ang loob ng binata. Masyado itong aloof sa kanya. Hindi niya rin gaanong mabasa ang saloobin nito. Bukod pa roon ay napaka-suplado nito at para bang takot sa kanya. As if she would eat him up alive.

She decided to stay at the cafe, hoping that Caelan would be back, pero hanggang sa sumapit na ang gabi ay hindi na ito nagpakita roon. Itinanong rin niya sa mga staff nito,na siya na yata niyang naka-kwentuhan maghapon, kung saan pa nagpupupunta ang lalaki pero wala namang naibigay na maayos na sagot ang mga ito.

Tumayo na siya mula sa kinauupuan bago nakangiting tinungo ang counter kung nasaan sina Joshua at Shiela, na siyang nag-entertain sa kanya kanina nang iwanan siya roon ni Caelan.

"I'll go ahead, guys. Babalik na lang ako bukas. Baka sakaling maganda na ang mood 'nung suplado niyong boss. Pakisabi na lang sa kanya na magtutuos pa kami."

Tumango naman ang dalawa roon kasabay ng magiliw na pagpapaalam din sa kanya.

After entering inside her car, she dialed Ainne's number. Matagal bago iyon sinagot ng kaibigan.

"Ang tagal!" Reklamo niya na ikinatawa nito. "Huwag mong sabihin na may ginagawa na naman kayong kababalaghan niyang si Ark? Utang na loob lang Ainnelyn! You're pregnant already! Baka naman masundot na ng ano ni Ark 'yang baby niyo!" Singhal niya rito.

At ang magaling niyang kaibigan, humagalpak lamang ng tawa sa kanya. "Gaga! Saan mo naman nalaman 'yan?" Tumatawa pa rin nitong turan ng medyo mahimasmasan na ito. "Sabi ng OB ko, safe at pwede pa rin daw kaming mag-sex ni Ark hanggang seven months ko. Huwag ka ngang praning dyan. Hindi masusundot ng ano ni Ark ang baby namin."

She rolled her eyes on that while frowning. "Alam mo, kayong dalawa, ang hilig niyo masyado. Hindi ba kayo nagsasawa?"

She rested her back on the backrest of her car. Hindi pa niya binubuhay ang makina sa kadahilanang tinatamad pa siyang mag-drive.

"Girl! Hindi nakakasawa ang sex! Trust me! Once you experienced how good it was, hahanap-hanapin na iyon ng katawan mo. Ganoon iyon kasarap sa pakiramdam."

Napangiwi siya roon.

Pre-marital sex isn't really her thing. She's against the idea of having sex without the privilege of being married. Marami man siyang kalokohan sa katawan, ni minsan ay hindi sumagi roon na basta na lamang niya isusuko sa kung sinong lalaki ang kanyang pagkababae.

She's a strong believer that you should only surrender yourself to the man you truly love, which is your husband.

"Yuck!" Bulalas niya. "Nakakakilabot ang mga sinasabi mo, Ainne." The lady just laughed at her before asking what's the real reason why she called. "I need a place to stay for tonight. Tinatamad na akong mag-drive pauwi sa bahay namin. Can I use Ark's place? Since dyan naman na siya naglulungga sa pamamahay mo, baka naman pwedeng mahiram muna ngayong gabi 'yung unit niya?"

"Why Ark's unit? Nasaan ka bang babaita ka?"

Should she tell her? Panigurado kasi na kapag nalaman nito ang dahilan kung nasaan siya ngayon, aalaskahin siya ng kaibigan at malamang sa malamang, mabilis pa sa kisap-mata nito iyong ipapamalita sa iba pa nilang kaibigan.

"Come on, where are you, Van?" Tila naiinip nitong untag sa kanya.

She heaved a deep sigh before answering. "Batangas."

BOSS Series 2: My Boss Sherlock [5 CHAPTERS PREVIEW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon