" anak sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?", tanong sa akin ng aking ama

" pa, alam nyo naman na matagal ko ng pinag-isipan ang desisyon na ito" mabilis ko namang sagot sa kanya

" sige, kung iyan talaga ang desisyon mo ay siguradong wala na akong magagawa. Basta tandaan mo, nandito lang ako na susuporta sa iyo" mahabang pahayag ni papa

" salamat po papa"

" anak, paano nga pala ang mga properties mo habang wala ka?" tanong sa akin ni papa

" si Uncle Bob na po ang bahala dun pati sina pinsan, mapagkakatiwalaan naman po sila" agad ko namang sagot kay papa

" sige anak, tutulungan ko din sina Bob na imanage yung restaurant mo pati ipapabantay ko din sa kuya mo yung hotel mo sa Manila pati sa Palawan at Boracay" sabi ni papa

" kayo pong bahala, sige po aalis na po ako" sabi ko at sumakay na sa sasakyan ko

" mag-ingat ka lagi at bawas bawasan mo na ang pagiging malamig mo sa ibang tao para magkaroon ka naman ng kaibigan sa pupuntahan mo" paalala sa akin ni papa

" bahala na" sabi ko at pinaharurot ang sasakyan ko

Mahigit dalawang oras din bago ako nakarating sa pupuntahan ko. May ilang grupo na ng mga kababaihan ang nakita ko ng bumaba ako sa aking sasakyan. Napansin ko namang napatingin sila sa akin kaya tiningnan ko lang sila ng malamig at binaba na ang mga luggage ko.

Medyo nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa unahan na isang babae

" so girls, kayong mga nandito ay ang mga nakapasa para magtraining dito sa Craeton Basketball Girls Training Camp" sabi nito sa amin

Aaminin ko maganda yung babaeng nagsasalita at nasa 5'9 ang height nito

" sumunod kayo sa akin at ituturo ko kung saan kayo magiistay ng dalawang taon na training dito" pagpapatuloy nya at agad naman kaming sumunod at dinala na namin yung mga luggage namin

"paano naman kaya yung mga sasakyan namin?" tanong nung isang babae na blonde ang buhok

" iwan nyo na lang dyan kasi hindi naman iyon mawawala kasi mahigpit ang security dito" sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad

Mga ilang sandali ay nakarating na din kami kung saan kami magstastay. Agad ko namang hinanap yung pangalan ko sa mga nakapaskil sa pader at agad ko din naman itong nakita

" room no.12" sabi ko sa aking isipan at hinanap kung saan ito matatagpuan

Nang makita ko ito ay agad ko itong binuksan at laking gulat ko ng siya ang makita ko. My fucking ex-wife

" so it's you" sabi nya habang nakangisi

Malamig ko lang siyang tinignan at pumunta sa bakanteng kama at nagsimula ng mag ayos ng aking gamit

Napansin ko na namang nakatingin lang siya sa akin pero binalewala ko lang ito at pinagpatuloy lang ang aking ginagawa.

" so dito lang pala kita makikita, my handsome wife" sabi nya at nararamdaman kong papalapit na siya sa akin

Nagulat ako ng bigla nya akong binack hug at narinig ko ang kanyang mga hikbi

Hinayaan ko na lang siya

Aaminin ko na namiss ko ang mga yakap nya sa akin pero alam kong hindi totoo ang ginagawa nya kagaya noong mag asawa pa kami

" sorry hubby *hik* sorry" sabi nito habang humihikbi

Agad ko namang tinanggal ang pagkakayakap nya at umalis dun

Lumabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin

Umupo ako sa isang bato at tumingin sa kalangitan at napangiti ako ng mapait ng makita na sobrang daming bituin ngayong gabi

Naalala ko na naman noong mag asawa pa kami at mahilig kaming dalawa na mag star gazing tuwing gabi

Pero lahat yun ay naglaho dahil sa isang kasinungalingan

Nagulat naman ako ng may magsalita sa likuran ko

" bakit ka pa nandito, tinatawag na ang lahat kasi magdidinner na" sabi ng isang babae pero isa itong butch

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya

Nakita ko na naman sya kaagad dun at nagkatinginan kaagad kami pero umiwas din kaagad ako at kumuha na ng pagkain

Pumunta ako sa isang bakanteng mesa na malayo sa kanya at dun kumain

Habang kumakain ako ay may biglang nagsalita

" hi pwedeng makishare kasi wala ng bakanteng mesa eh" sabi ng isang babae na hindi masyadong katangkaran

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain

" hi ako nga pala si Cassandra Reyes, Cassie for short, ikaw?" sabi nito sa akin

" Shin Lauren Thompson" sabi ko ng malamig

Napansin ko namang nagulat sya at napaawang ang bibig nya

" so cold" mahinang sabi ni Cassie pero narinig ko naman

" tss"

Napa chuckle naman sya

Mga ilang sandali ay natapos na akong kumain ganundin si Cassie

Nagpaalam naman na si Cassie sa akin na pupunta na sya sa room nya

Pumunta na rin ako sa room ko at nahiga na sa aking kama. Papikit na ako ng may naramdaman akong tumabi sa akin at yumakap pero hindi ko na nagawa pang alisin dahil nakatulog na ako pero alam ko namang si Irish yun, my ex wife

Kinabukasan hindi ko inaasahan ang aking nakita

Si Irish na nakayakap sa akin at ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg

Hindi ko napigilan na pagmasdan ang kanyang maamong mukha at haplusin ito ng aking kamay

Pero agad ko ding pinigilan ang aking sarili at mabilis na tinanggal ang kanyang pagkakayakap sa akin na naging dahilan para sya ay magising

"hey hubby" may pagka husky nyang sinabi

Tiningnan ko lang sya ng masama at umalis sa kama at pumunta sa cr

Mga ilang sandali lang ay natapos na ako at lumabas na ako sa aming kwarto at nakita ko ang mga ibang trainees na nagwawarm up

Nagsimula na akong magwarm up para matanggal ang aking pagkaantok

Maya maya ay may narinig kaming horn na sa tingin ko ay nanggagaling sa gymnasium

Napansin ko namang nagsisipuntahan ang mga trainees dun kaya nakisunod na lang ako sa kanila

Nang makarating kami dun ay nakita namin ang mga player ng Craeton at nakita kong kasama dun si Irish

"hello guys ako nga pala si Nathalie Hamilton at ako ang team captain ng team" sabi nito sa amin

" well guys kayong 20 na trainees ay mahahati sa dalawa bale ang 10 ay sa 🔥 fire team at ang 10 ay💧water team" may narinig naman akong konting hagikhikan dahil sa pangalan ng dalawang team

Kahit ako matatawa din ako sa pangalan pero iba na ako
hindi na ako kagaya dati

Pinili ko ang 🔥 fire team dahil sa hindi ko alam ang dahilan

" so guys pumila dito sa left side ang fire team at dito naman sa right ang water team"

Agad naman kaming sumunod sa kanya

" ang namamahala sa fire team ay si Jane, Irish, Sam, Kris, at Demi. Sa water team naman ay ako kasama sina Kylie, Drix, Faye at Kin"

" hi guys I'm Demi, center"
"Kris, small forward"
" aloha, Sam is the name, shooting guard"
" Hello, I'm Irish, point guard"
" hi, I'm Jane, power forward"

" so guys kayo naman ang mag introduce, name tapos position" sabi ni Sam

TO BE CONTINUED...

CRAETON SERIES: Irish Andrea SinclairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon