CONTINUATION...

" Tang ina hindi pa rin ba sila magseseryoso" inis na sabi ni Kierra ng bumalik kami sa bench namin dahil tapos na ang first half

Ang score ay 45-49. Lamang kami ng 4 points

" girls tamabakan kaya natin sila para ilabas na rin nila ang galing nila kasi siguradong mapapagalitan sila ng mga leaders nila kung matatalo sila diba" mahabang pahayag ni Cassy

" pero ibig sabihin nun na tayo ang unang magseseryoso" sabi ni Daniella

" well payag ako sa sinabi ni Cassy" sabi ni Grae

Lahat naman kami ay sumang ayon na sa sinabi ni Cassy kaya magreready na kami para sa second half

" Kami munang lima maliban kay Kierra dahil mainit pa ang ulo nya so ikaw muna Zein ang center natin tapos papasok ka ulit Daniella" sabi ni Grae at tumango naman kaming lahat

" girls seryosohin na natin ito so, Shin wag mong hahayaan na makashoot sila" nakangiting sabi ni Cassy sa akin

Tumango na lang ako sa kanya at pumikit ng saglit at huminga ng malalim

" let's go" sabi ni Zein sa amin

Pumunta na ulit kami sa court at sa water team ang possession ng bola

Tumingin naman sa akin yung mga kateammates ko at naintindihan ko naman kung ano ang ibig sabihin nun

Nagready na ako dahil ipapakita ko naman ang isang skill ko sa kanila

Nagsimula na ulit ang laban at tinambakan naman sila

" shit bakit lagi tayong naiistealan ng bola nung no. 18" sabi nung no.5 sa water team

" kakayahan nya yun" sabi naman nung no. 7

Natapos ang 4th quarter sa score na 50-87

Nakipagkamay naman kami sa kanila

" hi ako pala si Jasmine, ang galing mo ah" sabi nito sa akin

" Shin, thanks" malamig kong sabi sa kanya na ikinagulat naman nya

"babawi kami" sabi nya sa akin

Tumango na lang ako sa sinabi nya at pumunta na sa mga kasamahan ko

" so tapos na ang laban at congrats sa inyo, so isusuot nyo na ulit ang bracelet na ito" sabi naman ni Sam sa amin

Marami ulit ang umangal pero kinuha ko yung akin at isinuot sa kamay ko

Nagulat naman yung iba

" pwede na bang pumunta sa kwarto" malamig kong tanong sa kanila

" sige basta wag mong tatanggalin yan" sabi ni Demi

Umalis na ako dun at pumunta na sa aking kwarto

Nahiga muna ako sa aking kama para makapagpahinga pero unti unti akong nakaramdam ng antok at hindi ko namalayan na nakatulog na ako

Alas tres na ng madaling araw ako nagising

Hindi na ako nakapagdinner kaya narinig kong kumalam ang aking tyan

Nakakita naman ako ng pagkain sa study table ko

Isang ham and egg sandwich at isang basong gatas

Kinain ko naman yung sandwich pero hindi ko na ininom yung gatas dahil hindi na ito mainit

Nakita ko naman sa isang gilid ng aking study table ang isang sticky notes at may nakalagay na

Hubby alam kong di ka pa nakain kaya pinaggawa kita ng sandwich at pinagtimpla din kita ng gatas. Sana makain mo ito pagkagising mo

Love,
Wifey

Napangiti naman ako sa aking nabasa at napatingin ako sa babaeng natutulog sa kabilang kama

She is still sweet though

Pumunta muna ako sa cr para makapag ayos ng aking sarili baka kasi may panis na laway pa ako o baka may muta pa ako

Naisipan ko munang lumabas ng aming kwarto dahil hindi na ulit ako makatulog

Hindi ko napansin na hanggang ngayon ay suot ko pa rin yung bracelet at hindi ko ramdam ang bigat nito. Parang normal na lang ito sa akin

Pumunta ako sa gym at laking gulat ko ng makita ko si Kris at Cassy na naghahalikan dun sa may bench

Narinig nila ang yabag ko kaya napatigil sila at napatingin sa akin

Napansin ko namang namumula ang mukha nila

Hindi naman kasi pinapatay ang ilaw ng gym tuwing gabi pero kapag maliwanag na ay saka lang ito pinapatay

" sorry hindi ako nakapunta nakatulog kasi ako" sabi ko kay kasi dahil may usapan kami na mag uusap kami pagkatapos ng dinner

Nakita ko namang tumaas ang kilay ni Kris sa aking mga sinabi

" ok lang, pero nandito ka naman may gusto lang akong itanong sa iyo" sabi ni Cassy

" ano"

"alam ko ang sekreto mo" sabi nya at bigla akong namutla at pinagpawisan ng malamig

" your secret is safe with me" sabi nya at napatingin naman sa amin si Kris na parang naguguluhan

" Kris, hayaan mong si Shin na lang ang magsabi sa inyong lahat" sabi nito kay Kris at nakita ko namang tumango si Kris

Hindi na ako nagpaalam sa kanila at umalis na ako dun dahil baka nakakaantala pa ako sa kanilang ginagawa

Bumalik na lang ulit ako sa kwarto at napatingin naman ako sa kanya

Medyo nakabukas ang kanyang bibig at malapit ng mahulog ang kanyang kumot

Hindi ko namalayan na nakalapit na ako sa kanya at inaayos ang kumot nito. Parang may sarili isip ang aking mga kamay kung ano ang ginagawa nito

Napatingin ako sa kanyang labi pero agad ko ding iniwas ang aking tingin dun at namumula ang aking mukha ng umalis doon

Kinuha ko na lang ulit ang aking laptop at nakita ko ang isang folder at doon naglalaman ng video noong kinasal kaming dalawa

Nagdadalawang isip pa ako kung papanuorin ko ito o hindi

Hanggang hindi inaasahan ay napindot ko yung enter at nagplay na yung video

Napangiti ako sa aking pinapanood pero nakaramdam kaagad ako ng lungkot dahil ang lahat ng ito ay isang alaala na lamang na hindi mangyayari muli

Natapos na ang video at nagulat ako ng makarinig ako ng hikbi sa may bandang likuran ko at nakita ko na naandun si Irish na umiiyak

Nahahawa na rin ako sa kanyang iyak kaya hindi ko namalayan na may pumapatak na luha mula sa aking mga mata

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng makita ko syang umiiyak

Niyakap ko sya at niyakap naman nya ako pabalik at naramdaman ko na basa na ang aking suot na damit dahil sa mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata

TO BE CONTINUED...



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRAETON SERIES: Irish Andrea SinclairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon