CONTINUATION...
Mga 30 minutes lang ang nakalipas ng maganap ang nangyari sa cafeteria
Kumain lang kaming dalawa pero hindi kami nag usap kahit na ramdam ko ay gusto nya akong kausapin
Alam ko din na marami na ang naguguluhan sa kung ano ang meron sa amin ni Irish pero isinantabi ko lang ito dahil wala naman talaga
Pagkatapos kong kumain ay umalis na kaagad ako dun at hindi na sya hinintay na matapos at pumunta na ako sa aming kwarto para mag ayos ng sarili
" may 30 minutes pa ako" mahina kong sabi sa aking sarili
Kaya kinuha ko muna ang aking laptop at chineck kung ano na ang kalagayan ng aking kompanya
Well isa akong architect slash chef at may sarili akong hotel at restaurant at malapit na rin akong magkaroon ng isang resorts sa palawan
Lahat ng iyon ay pinaghirapan kong makamit lalo noong nag divorce kaming dalawa
Doon ko itinuon ang aking pansin para makalimutan sya at hindi naman ako nagkamali dahil nakuha ko ang mga gusto ko sa aking buhay
Nagbukas ako ng email ko at nakita ko ang sinend na email sa akin ng aking secretary at mabilis ko itong binuksan at binasa
Hindi naman ako na bahala sa sinend nya dahil alam kong mamamanage naman ito ng tama ng best friend ko slash cousin ko
Alam ko namang hindi nya ako tatraydurin dahil magkasangga na kami sa lahat ng bagay pati naandon din naman si papa
Nagsend na lang ako ng email sa secretary ko na lagi akong iupdate sa lahat ng bagay lalo na sa kalagayan ng properties ko
Pinatay ko na din ang laptop at inilagay ito sa lagayan dahil malapit na ulit kaming magtraining
Mga ilang saglit ay umalis na ako sa kwarto at lumabas at pumunta sa court ng fire team
Nakita ko naman na naandun na ang ibang trainees at ilang leaders
" hey, Shin anong meron sa inyo ni Irish?" nakangising tanong ni Jane
" nothing" malamig kong sabi sa kanya at nilagpasan sya
Narinig ko naman ang malakas nyang tawa kaya napatingin naman sa kanya yung iba
" huy nababaliw ka na naman haha" sabi ni Grae
Hindi din naman nagtagal ay dumating na rin ang lahat at magsisimula na ulit kaming magtraining
Nagulat kami ng bigla kaming pasuotin ng dalawang bracelet na may bigat na tig 50 kg
Marami sa amin ang napaupo dahil nabigatan sila pero hindi naman lahat kasi ako, si Grae, Faith, kierra at Zein ay mga nakatayo lang
Hindi naman ako nahirapan kasi sanay na akong magbuhat ng ganito dahil nag ggym ako lalo noong gusto kong ibalik sa dating shape ang katawan ko pati natulong ako sa construction nung hotel ko pati sa iba pang projects namin sa kompanyang tinatrabahuhan ko bilang architect
Halatang nagulat naman ang mga leaders ng makita na nakatayo pa rin kaming lima at parang easy lang sa amin
" wow ang galing nyo naman" manghang sabi ni Demi
"nag ggym kasi ako eh" sabi ni Kierra
" ako din" sabi naman ni Faith
" sanay kasi akong magbuhat ng mabibigat kasi dati noong bata pa ako ay nagbubuhat ako ng isang sakong bigas para makapag aral hehe" nakakamot na sabi ni Grae
" Ikaw Shin, bakit nabuhat mo yun" tanong naman ni Sam
" Tumutulong ako sa construction nung hotel ko kaya nakakapagbuhat ako ng mga sako sakong semento pati graba" malamig kong sabi
" So mayaman ka pala" sabi naman ni Kris
Magsasalita pa lang ako ng narinig naming sumigaw si Cassy
" hey guys tulungan nyo kaming makatayo!!!"
" bahala kayo dyan, so kayo namang nakatayo na ay gawin nyo yung warm up natin kanina habang suot nyo yan tapos pagkatapos nun ay magpratice kayong magdribble ng bola habang suot pa rin yan" sabi ni Irish habang tinitingnan nya kami isa isa
Nagsimula na kaming lima at nagsabay sabay naman kami para isa na lang ang magcocounting
Napatingin naman sa amin yung mga kasama namin na parang humihingi ng tulong pero tinawanan lang nung apat yung mga kasama namin. Napngisi na lang ako sa kanila
Nagpatuloy na kami hanggang sa nakita namin na nagsisimula na sa warm up yung mga kasama namin pero kami naman ay sa part na ng pagdidribble ng bola
Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkauhaw pero titiisin ko muna hanggang matapos ko itong pagdidribble
Sina Grae naman ay nakainom na ng tubig dahil uhaw na uhaw na daw sila
Mga ilang sandali ay natapos na ako kaya pumunta na ako sa bench at kumuha ng baso at kumuha ng tubig sa water jog
Habang umiinom ako ng tubig ay lumapit sa akin si Irish at may dala itong towel na puti
Nagulat naman ako ng bigla nya akong pinunasan ng pawis gamit ang towel at dahil dun ay muntikan ko ng maibuga yung tubig na nasa bibig ko pero buti naman at nailunok ko kaaagad yung tubig
Nagpatuloy lang sya sa pagpupunas ng pawis ko kahit na may ilang nakatingin sa amin
" Irish stop it" pagpigil ko sa ginagawa nya
" nope, baka magkasakit ka kapag natuyuan ka ng pawis" sabi nito
Pinabayaan ko na lang sya na gawin ang gusto nya dahil hindi naman ito papapigil
Natapos na rin syang magpunas ng pawis ko kaya nakahinga na ako ng maluwag
The feeling of her body near against my body is overwhelming and I think I'm gonna kiss her hard if she will get nearer to me.
Ano ba naman itong pumasok sa isip ko?
" hubby gawin mo ay magshooting ka muna habang suot pa rin yang bracelet" sabi nito sa akin
Tumango na lang ako sa kanya at pumunta sa court at nagsimula ng magshoot
Napansin ko rin na nagsisimula na din na magshooting ng bola sina Kierra
Mga ilang sandali ay pinagpahinga na ulit kaming lima dahil tapos na namin yung pinapagawa nila pati mag lulunch na rin naman
Pero yung natitirang lima ay hindi maglulunch kapag hindi nila natapos yung pinapagawa kaya nataranta yung lima na natitira
" andaya nyo huhuhu" malungkot na sabi ni Abby
" bilisan nyo na haha para sabay sabay tayong maglulunch meron pa namang 30 minutes eh" nakangiting sabi ni Irish
" shit ang ganda pa rin nyang ngumiti" sabi ko sa aking isip
Napa face palm naman ako dahil kung ano ano ang pumapasok sa isip ko
" dude wag ka titigan si Irish haha napaghahalataan haha" mapang asar na sabi ni Zein
" tsk "
Nagtawanan pa silang apat sa naging reaksyon ko
Bakit ba kasi ako napatitig sa kanya?
Yan tuloy na inasar pa ako nilaAnong bang meron sayo at sayo pa rin ako na papatingin?
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
CRAETON SERIES: Irish Andrea Sinclair
RomansaHello guys First installment of Craeton Series Hope you like it Warning gxg story Please be open minded Date Started: May 7, 2018 End: