Sam's POV
Nakatunganga at tila nagbubutas ng sariling bangko dahil walang kumakausap pinagmamasdan ang mga bagong tao na makakasama ko sa isang buong taon.May mga nag-uusap,may nag-iingay,may nakikipagharutan,may nag m'make-up,may nagtatalian ng buhok,may nagyayabangan, may nagbabangayan,at may ibang tila naghahanap ng bagong kalandian tsk!
Sila ang makakahalubilo ko simula ngayon, mga ugali ng taong hindi ko nakasanayan dahil lumaki ako sa tahimik na lugar sa tahimik na mundo.
Na wala akong pinakikinggan na kahit na sino,na walang nagsasabi sa akin kung ano nga ba ang tama at mali, walang nagturo kung paano nga ba mag-bigay o tumanggap ng mga opinyon galing sa ibang tao.
Walang nagpapaalala o nagsasabi kung ano nga ba ang mga hindi dapat at mga dapat kong gawin, dahil nabuhay ako sa isang mundo na hindi ko naman ginusto.
Na kung saan ibang tao ang lumikha.
Mga baril,mga nagtatalimang mga sandata,mga pala-isipan.
Mga nag-gagandahang mga teknolohiya,mga pinagkakatiwalaan at nagyayamanang mga tao na kung saan sila lamang ang nakakakilala sa tunay kong mundo.
Mga bagay na kahit hindi ko hingin ay kusang ibinibigay,mga yaman na ipinamana ng magulang.
Naggagandahang sasakyan, malaking bahay na ako lamang ang nakatira,magagandang mga gamit na ang iba ay tinirahan na ng gabok dahil hindi naggagamit.
Araw-araw akong nakatago sa isang malaki.
NAPAKALAKING SELDA
Na walang sino man ang basta makakaaalam kung sino ba talaga ako.
Sino nga ba talaga ako?
Ano nga ba ang papel ko sa mga taong ito?
Ano nga ba ang magiging silbi ko sa bago at pangalawa kong mundo?
Mga katanungan na pilit kong sinasagot sa oras na ito.
Nagkakaganito ako dahil lang sa isang sitwasyon at problema na hindi ko naman ginusto.
RESPONSIBILIDAD NA DAPAT PANGHAWAKAN KO.
At bakit kailangan ko pang isugal ang sariling buhay ko?
Ano bang mangyayari kung mawala sila sa mundong ito?
Ang pagkamatay ba nila ang maggiging dahilan ng pagkagunaw ng mundong ito?
At ano? paano ako?trabaho kong protektahan sila at ibuwis ang buhay ko para sa kanila???
Hayy! bwisit!
Tumayo ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pantalon ko ,hahakbang papalayo sa silyang kinauupuan ko.
Dahan-dahang humahakbang habang nakatungo't hindi tinitingnan ang dadaanan ko dahil bahala na yung paa ko kung saan nya ako dadalhin basta sa lugar na tahimik na wala akong makikitang kahit na sinong tao.
YOU ARE READING
FALL
General FictionThis an addicted story so if you don't want to be addict don't read my story -_- bwisit ka! HAHAHA Charrooottt!!! Sige lang maadik ka ako bahala sa panrehab mo! Simulan ko na nga.EPAL KA! ^-^v