SAB’S POV
Days passed. Saturday na naman
Hindi ko na masyado nakikita si Red. Nagkasalubong kami minsan, mukhang iniiwasan na din nya ako.
Parang namimiss ko sya. Gusto ko sya makasabay kumain. Gusto ko sya makasama ulit.
Wala na syang pinapadalang flowers.
Damn Sab hindi ka nga pwede magmahal masasaktan ka lang. kaya itigil mo na yang nararamdaman mo.
Pero anong magagawa ko Lord? di ko talaga mapigilan eh. Gusto ko na nga mgkwento kay Chloe para gumaan gan man lang ng konti ang dibdib ko.
…………………………
Busy busyhan lang ang drama ko ngayon. Busy sa kakaisip kay Red. Red.Red. Red. Pwede ba Blue naman? Ano ba yan?
Mahal na yata kita Red.
“ Sab! ” si Ms Silvano. Yes nakabalik na sya sa work.
“yes po.!”
“pakidala naman to kay Maam Ganda.” May inabot syang folders.
“ okay po”. Ako lang inuutasan nya pag kay Maam Ganda. Ewan ko ba kung bakit. Sunod lang din ako.
“thanks Sab.”
“ kaw talaga Miss.” Ganun ang gusto nyang itawag naming sa kanya.
Nagmadali ako baka importante.
Buti pataas na ang elevator.
The hell! Ang kanina ko pa iniisip, nandito mismo sa elevator. Kasama ang girlfriend nya.
He just stares at me.
“good afternoon po.”
“ hi, diba nagkita na tayo sa bar?” si Aaliyah
“yes po ma’am.”
Ang aukward lang naman kasi kami lang tatlo. Buti isang floor lang ang kailangan kong akyatin. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator nagpaalam nalang ako na mauna na.
I didn’t see him for days na. kahit sa condo di ko na sya napapasin. Sabagay nasa loob lang naman ako lagi.
“ hi, si Maam?” tanong ko sa secretary ni maam ganda.
“sa loob pasok kana lang daw.”
Huh? Pasok nalang daw ako. bakit alam ba ni maam ganda na ako ang maghahatid?
“oh okay, thanks jan.” Janice ang name ng new secretary ni Maam Ganda.
Nag knock muna ako before pumasok, kahit na sinabihan na nya ako nadumiretso na akong pumasok pag siya ang sadya ko.
“ good afternoon po ma’am”
“hi Sab!”
Wooaah! 1st time nya akong tawagin by my first name. parang close lang kami.
“ samahan moko kung pwede. Pinagpaalam na kita kay Ms Silvano.” Salubong nya sakin nung inilapag ko sa tabale nya ang pinapahatid ni Ms silvano.
Ano daw? Pinagpaalam?
“okay po maam may pupuntahan po ba tayong client?”
Pag sinasama nya ako kasi ganun naman ang pinupuntahan naming, kliyente. Isinasama nya ako kahit wala naman akong pakinabang sa lakad nya. basta lang daw may kasama sya. Pwede naman yung secretary nalang nya. ako pa talaga isinama nya.
“ hindi. Bring your bag na, hindi na tayo babalik dito. Saturday naman eh.”
San ba kasi kami pupunta?
BINABASA MO ANG
Yes I Do, I Do Honestly Love You
General FictionIstorya ng babaeng nagmahal, nasaktan, nagmahal ulit, at nasaktan ulit. takot na sumubok ulit, kahit naramdam nya na may isang tao nang lubos na nagmamahal sa kanya.