Sab’s POV
‘BOSS YOU’VE GOT A TEXT MESSAGE’
Hmp, sino kaya to. si Red minsan lang nagtitxt un. Laging tawag ginagawa nun.
Kasalukuyan akong nagbibihis. Mag malling kasi kami ngayon ni Chloe.
From: Ate Milkah ‘Zed told me, nagkita daw kayo sa restaurant nung nakaraan. How do you feel after seeing him?’
Nagkikita sila ni Zed? Nireplyan ko.
Reply: ha? kalian nya sinabi sayo? May contact pala kayo?
From Ate Milkah: umuuwi pa din sya dito sa bahay nila paminsan-minsan.
Reply: ah okay.
From Ate Milkah: o ano nga, ano nararamdaman mo nang makita mo ang ex mo?
Hindi ko na nireplyan. Ayoko nang replyan. Ano bang gusto nyang palabasin?
Zedrick… bat pa ba nag krus ang landas natin?
Bigla ko nalang tuloy naalala ang panahong magkasama kami.
………………………..
Flashback
Kakatapos ko lang sa aking valedtictory address, at medyo may luha pa ang aking mga mga dahil sa nagging emotional ako at magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga classmates ko.
Hudyat na na matatapos na ang graduation rites, hinanap ng mga mata ko si Ate Milkah. Simula nang mamatay si Tita, naging okay na rin kami ni Ate.
Pero kahit okay na kami, di ko pa din nagawang i-share sa kanya na kami na ni Zed, dahil open sya sakin na sabihing may gusto sya kay Zed. Alam ni Zed kaya naging okay na din sa kanya na itago nalang muna namin ang aming relasyon. Dahil ayokong magkagalit ulit kami ni Ate.
Di ko pa din makita si ate. Si Zed naman ang lumapit.
“congratulations Sab. Im so proud to have a girlfriend like you.” I was about to speak nang makita sa gilid ng mga mata ko na parang may nakatingin samin. Si Ate Milkah. And I know,she heard what Zed has just said.
“Ate,” tumalikod na sya.
“Hayaan mo na ang ate mo. Mas okay nga yun at din na natin kailangan itago ang relasyon natin.”
“Pero paano pag magkagalit na naman kami? “ napaisip din si Zed.
Imbes na kakain pa sana kami sa labas, mas pinili ko nalang na umuwi na agad. hinatid ako ni Zed. Pero pinauwi ko lang sya agad.
Pag akyat ko.
“ Lumayas ka dito. ahas ka. Alam mong gusto ko si Zed, di mo man lang sinabi na kayo nap ala? Lumayas ka.”
“Ate, sorry. Kaya ko lang naman hindi sinabi sayo na kami na, dahil ayokong magalit ka sakin!”
“Wag ka na magpaliwanag pa. lumayas ka.” Pinag babato nya sakin ang mga damit ko.
“Ate. Wag ka namang ganyan! Alam mong wala akong ibang mapupuntahan!”
“ wala akong pakialam. Basta lumayas ka.” Patuloy na pagbato nya ng mga gamit ko.
Sa hitsura ngayon ni ate, she really wanted me to get out from here.
Wala akong ibang nagawa kundi ang damputin ang mga gamit ko.
Pagkalabas ko ng bahay,binagsak nya ang pinto.
Naging blanko ang utak ko. Wala sina Chloe. ipinasyal sya sa hongkong ng parents nya as graduation gift. nauna kasi ang graduation ng private school na pinapasukan nya.
BINABASA MO ANG
Yes I Do, I Do Honestly Love You
General FictionIstorya ng babaeng nagmahal, nasaktan, nagmahal ulit, at nasaktan ulit. takot na sumubok ulit, kahit naramdam nya na may isang tao nang lubos na nagmamahal sa kanya.