Queenie's POV
"WOOHOOOO!! THANK YOU BRO!!!"
Sigaw ko at the top of my lungs!
Beeeeeep!!!
“AYYY ANAK NG TINAPA!!” sigaw ko ulit dahil sa bagkabigla ko sa busina ng sasakyan na nasa harapan ko na.
Tumingin lang ako sa sasakyan at biglang lumabas ang isang lalaking napakagwapo
Bumulong naman ako
“bro, talaga bang naririndi ka na sa panalangin ko sayo at agad agad nagpababa ka ng Adonis sa harap ko?”
Lumapit sa akin yung lalaki
“miss are you ok? Sorry nabigla kasi ako ng tumigil ka bigla”
Napatingin naman ako sa sasakyan niya
Wow, ito ba yung sports car? Ang ganda namana
“need a ride?” tanong ng gwapong driver
Tila nabatubalani naman ako ng makita ko sa malapitan ang mukha niya.
Kung gaano kagwapo ng mukha niya ganun din kaganda ang boses niya.
Boses pa lang panalo na!
Inalalayan niya ako papunta sa passenger seat habang wala pa rin ako sa sarili ko
Saka lang ako natauhan ng biglang umandar ang kotse niya
“s—sino ka?? Saan mo ako dadalhin???”
Natawa naman siya ng mahina
