Queenie's POV:
Hindi naging madali ang unang lingo ko sa college.
Wala pa kasi akong kaibigan dahil lahat ata sila natakot na lapitan ako simula nung nangyari nung unang araw ng klase.
Pero ok lang naman yun para sa akin, buti nga at di ko nakita yung Monster Devil na yun simula ng nangyari yun.
Siguro na kick out or suspended.
Psh. Buti nga sa kanya pag nagkataon.
Nandito kami ngayon ni nanay sa bahay nila Mrs. Laxamana.
Maglalaba si nanay, samantalang ako ay tutulong sa pag-aayos at paglilinis sa bahay.
“good morning po maam” bati ko sa pababang ginang
Ito ang unang beses kong nakapasok sa bahay nila, datirati kasi sa likod bahay lang kami,
“hi, good morning ding sayo Queenie, nako napakagandang bata mo pala, ikaw pala ang anak ni Greta”
“nako, mapagbiro po pala kayo maam”
Ngumiti lamang ang ginang
“kumain ka na ba?”
“tapos na po ako, maam, saan po pala yung lilinisan ko?”
“yung dulong kwarto sa itaas, yun na lang ang ayusin mo, at sila Inday na ang bahala dito sa ibaba”
“sige po”
Bago ako umakyat ay hinugasan ko muna ang pinagkainan at nilinis ang kusina.
Bagbukas ko ng kwarto tumambad sa akin ang malabinagyong kwarto
Tsk. Nagkalat ang mga damit sa sahig
Mga sapatos may mga box pa ng pizza, bote ng softdrinks at kung ano ano pang kalat.
“haaay, yung totoo kwarto ba to o basurahan?” bulong ko sa sarili ko
Tinignan ko yung kama na may magulong bedsheet, kumot na lukot lukot
“kaya natin to queen! Fighthing!!!”
Pagchicheer ko sa sarili ko.