Chapter 2: The Monster Devil

50 0 0
                                    

Queenie's POV:

Maaga akong nagising para magluto ng agahan namin ni nanay.

Sigurado akong pagod yun kahapon dahil sa dami ng nilabhan niya kila Mrs. Laxamana. Di  ko naman siya nasamahan dahil inasikaso ko yung scholarship ng ibinigay sa akin nila maam.

At ngayon nga ehh umpisa na ng pasukan namin. Salamat sa Maykapal at nakaraos kami ni nanay at ngayon at magkatulong kami para sa college expenses ko.

Buti na nga lang at naawa sila Mrs. Laxamana sa amin, pero bilang tanaw ng utang na loob, pupunta ako sa kanila tuwing sabado at lingo para tumulong sa mga gawaing bahay.

Lalo na ngayon at dito na rin ata mag aaral yung lalaking anak ni maam na galing sa states.

….

“nay, aalis na po ako”

“ok nak, ingat ha, isamtabi muna yang paghahanap mo kay destiny na yan”

“nay, diba nga nakita ko na siya nung nakaraan, malay mo ulit, pagtagpuin niya ulit kami”

“susme kang bata ka, oo na, basta mag aral ng mabuti, sige na lumakad ka na”

Humalik ako sa pisngi niya bago ako umalis ng bahay

West High University

Ito pa lang ang pangatlong beses na punta ko dito, pero namamangha pa rin ako sa laki ng unibersidad na to.

Pumasok ako sa loob

Pero bago ako tuluyang makapasok, hinarang ako ng guard

“miss san ka pupunta?”

“ahm, kuya mag aaral ako dito”

Tumawa lang si kuyang guard

“ine, wag mo nga ako pinagloloko, baka naman, pumunta ka dito para hanapin yung crush mo, sige umalis ka na bago pa ako tumawag ng ibang guard para palabasin ka”

WANTED: NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon