Chapter 42

106 1 0
                                    

Xesia's POV

Di ako makatulog naeexcite na ako para bukas inihanda ko na rin yung mga damit na gagamitin ko

Sabi ni Celdrick matatagalan kami dun sabi niya mga tatlong araw kaya mas masaya mas matagal di na talaga ako mapakali

Tiningnan ko sa labas gabi pa at sobrang dilim pa

Bumaba muna ako para kumuha ng inumin

At pagkatapos ay umupo muna sa may kusina

Naalala ko pa nung makita ko kanina si Cariz

Natatakot talaga ako sa kanya

Sabi ni Celdrick kapatid ko daw si Cariz pero bakit parang takot na takot ako sa kanya

"Ring...Ring...Ring..." Narinig ko yung telepono sa baba tumutunog yun

Lumapit ako at sinagot ko kung sino man iyon

"Hello?" Tanong ko

Nagtataka ako pero napansin ko na may tumatawag babae sa kabilang Libya

"Hello sino ba ito? Hello?" Sabi ko

"Xesia...Xesia si Celdrick papatayin ko siya...."

Bigla akong nanginig mula sa kinatatayuan ko nanlamig ang buong katawan ko nabitawan ko yung telepono nahulog ito at kumalabog

"Aaaaaah!!!" Sigaw ko

"Celdrick !Celdrick! Celdrick!" Sigaw ko

Nakita ko naman si Celdrick sa harapan ko

"Xesia anong nangyayari sa iyo teka bakit ka nagkakaganyan nilalamig ka " sabi niya sabay buhat sa akin

Dinala niya ako sa kwarto

Pinagpahinga muna niya ako

***

"Xesia masama ba yung pakiramdam mo kung gusto mo huwag na muna tayong sumama" sabi niya habang inaayos ko yung mga dadalhin Kong gamit

"Ano!wala akong sakit Celdrick ayaw mo kasing maniwala sa akin na may tumawag kagabi sa akin tapos tumatawa siya ng malakas kaya natakot ako sabi niya kasi papatayin ka daw niya" sabi ko pero tinawagan lang ako ni Celdrick na para bang niloloko ko siya

"Iyan okay na " sabi ko

Bigla naman bumukas yung pinto at nakita ko si babysitter na naka ayos na at handa na sa pag alis

"Xesia oh bakit Hindi ka pa nag naayos halika na aayusan kita" sabi niya sabay hila sa akin sa kwarto
*

Celdrick POV

Nag aalala ako para Kay Xesia ngayon nag hahallucinate na yata siya lalo na sa nangyari kagabi

Tapos paulit ulit siya na ikinukuwento yun mamaya niyan naapektuhan na talaga siya ng kung ano ano

"Celdrick yoohoo bakit tulala ka diyan?" Sabi ni kuya Zachie sa akin

"Ah si Xesia kasi kakaiba na yung ikinikilos niya mamaya niyan kung ano pang mangyari sa kanya lalo na ayaw niya akong palapitin kay Cariz" sabi ko

"Its okay Celdrick Malay mo kapag nag kasama na sila ni Cariz dun eh magbago yung pananaw niya tungkol Kay Cariz alammo naman si Xesia dati pa eh masyadong over protective minsan Oa minsan naman talagang prinoprotektahan ka lang niya Kaya Celdrick Malay mo bumabalik na yung ugali niya noon pa kaya huwag ka nang maproblema diyan" sabi sabay tapik sa balikat ko

"Ah iyan naglilitanya ka na naman " nakakalokong sabi ko

*

Nakarating kaming apat sa resort habang si Xesia tuwang tuwa kasama ni Querika

Nakita naman namin dun sina Cariz at kuya Rein na nakatayo sa may bungad

Bigla naman lumapit si Cariz sa amin at niyakap ako

Nakita ko naman si Xesia na nagulat at lumapit sa akin pagkabitaw ni Cariz

"Hi Xesia naalala mo pa ba ako?" Sabi ni Cariz sabay lahad ng kamay niya Kay Xesia

Pero mas nagulat kami sa ginawa ni Xesia

Tinulak niya si Cariz kaya muntik na napatumba ito

Mabuti na lang at nasalo siya ni kuya Rein

"Babe ano bang ginawa mo!"
Sabi ko

"Ayaw ko sa kanya lumayo ka Kay Celdrick ayaw ko sa iyo!ayaw ko sa iyo!" Sabay pulupot ng kamay ni Xesia sa balikat ko

"Xesia stop bakit ganyan ka" sagot ko

"Ayaw ko galit ako sa kanya Celdrick !!!" Sabi sigaw sa akin

Umalis naman palayo si Cariz
"Celdrick Its okay siguro galit lang talaga si Xesia kapag nila lapitan siya ni Cariz may amnesia siya at malaking epekto sa kanya lahat kaya hayaan mo siya" sabi naman ni kuya Rein

*

Si Xesia simula ng gawin niya yun kanina at makapasok kami sa room namin nakatingin lang siya sa may bintana Hindi niya ako kina kausap

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran

Ipinatong ko ang mukha ko sa balikat niya

"Babe galit ka ba sa akin?" Tanong ko pero di pa rin siya sumasagot

"Babe kung galit ka sabihin mo kausapin mo naman ako oh namimiss na kita please babe please " hinihintay ko na magsalita siya ulit

"Ayoko sa kanya huwag ka na ulit lalapit sa kanya Celdrick Ipromise mo sa akin ulit iyan " sabi niya.

"Kapag ba nag promise ako sa iyo ka kausapin mo na ba ako"

"Oo " sabay harap sa akin at hinawakan niya ang mukha ko

"Ipromise mo ha na Hindi mo na siya ulit lalapitan" sabi niya

"Okay promise" sabi ko sabay halika sa noo

"Promise ha Celdrick tatandaan ko iyan"

"Yes babe promise..." Nakangiting sabi ko

#shadingxesia
...
Plagiarism is a crime so don't try

Shading XESIA( Montes series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon