Chapter 50

134 1 0
                                    

Xesia's POV

Naalimpungatan ako ng marinig Kong  nag riring yung phone ko

Nakita ko yung caller ID si babysitter pala

Ano naman ang na isipan niya at tinawagan niya ako

May problema kaya siya

"Hello?" Tanong ko habang isinasandal ko yung likod ko sa may headboard ng kama

"Xes uh-eh-hi so-sorry kung tumawag ako di kasi ako makatulog alam mo na di ba?kasal ko na kasi bukas at di ko alam kung ano- ano ang mangyayari kinakabahan ako na Ewan na ...." Sabi niya

Kinakabahan siya? Sabagay ikakasal siya bukas at nasa  kanya ang sentro ng lahat ,Siguro talagang nakakaba nga iyon

"Babysitter okay lang iyan bakit ayaw mo ba ?atsaka akala ko mahal mo siya di ba ?kaya nga kayo magpapakasal kasi mahal niyo ang isat isa ganun yun di ba?" Tanong ko na walang pag aalinlangan

Natahimik ng sandali ang kabilang linya ni babysitter

Ilang minuto rin siguro na naka hang yung phone at hinihintay ko yung sagot niya

Hanggang sa ako na ang nagpasya na magsalita at bumasag ng katahimikan namin ni babysitter

"Babysitter ,Si Kuya Zachie mahal mo ba talaga siya ?kung Hindi mo siya mahal bakit magpapakasal ka?"sunod sunod na tanong ko sa kanya

"Xes I am forced to marry him this is what my parents want kaya nga ako lumayas di ba?kasi minamanipula nila ang buhay ko hanggang sa nangyari na lang na pumayag ako na pakasalan siya...Xes kung sakali ba na maging mag asawa na kami mag iiba kaya yun yung nararamdaman ko sa kanya "narinig ko naman siya na napasinghot sa kabilang linya

" babysitter umiiyak ka ba ?teka ano ba ang nararamdaman mo sa kanya ?atsaka bakit mo sinasabi iyan?"tanong ko ulit pakiramdam ko nagiging makulit na ako sa mga tanong ko

"Xes gusto ko ikaw lang ang makakaalam nito ha?Xesia si Zachie di ko siya mahal...oo gusto ko siya pero ang mahalin siya siguro Hindi ...I felt sorry for him kasi masasaktan ko lang siya at kung sakali baka umasa siya na mahalin ko siya...Xes itutuloy ko pa ba na pakasalan siya?"

Napaisip ako si babysitter kawawa siya bakit ganun napilitan siya sa mga ginagawa niya
Pero naiisip ko si kuya Zachie siguradong siya ang mas masasaktan

Kasi sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya si babysitter

Pero di naman siya mahal nito di man ako yung nasa katayuan nila alam ko
Masakit yun

Sobra...

"Babysitter gusto mo ba puntahan kita diyan ulit baka kasi kailangan mo nang makakausap ng personal alam mo na sa problema mo" sabi ko

"No!okay na ako at least nilabas ko na ito ang gaan sa pakiramdam na may napagsabihan ako, feeling ko sasabog ako sa pagkimkim ng mga problema ko
Siguro ngayon makakatulog na ako" sabi niya

Bigla Kong naalala baka bukas di siya umatend sa kasal niya paano kung iwan niya si kuya Zachie malaking gulo yun

"Babysitter ituloy mo magpakasal ka Malay mo mahalin mo rin siya ,babysitter si kuya Zachie mahal ka niya kawawa siya kapag iniwan mo siya " sabi ko

"Ano ka ba?huwag kang mag alala di ako magiging runaway bride  noh ang cliché na nun hayaan mo makikita mo ako na nakasuot ng wedding gown at maglalakad  sa harap ng altar at magsasabi ng I do Kay Zachie para may clue ka na kapag kayo naman ni Celdrick ang kinasal " sabi niya habang humagihik siya

"Okay promise mo iyan ha " sabi ko

"Bye Xes kaibigan talaga kita " sabi niya

"Bye din babysitter "

Binaba ko na yung phone ko at nakita ko na naalimpungatan si Celdrick bumalik ako sa pagkakahiga at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya

"Babe bakit gising ka pa?" Tanong niya
"Ah wala ,Celdrick may tanong ako paano kung yung isang tao mapipilitan siyang mahalin yung taong di niya mahal anong gagawin niya itutuloy pa ba yun o hindi?" Tanong ko sa kanya

"Wait babe di mo na ba ako mahal napipilitan ka bang mahalin ako haiish pwes huli na magkakababy na tayo at papakasalan mo ako sa ayaw at gusto mo" sabi niya kaya natawa ako at tinapik ko siya ng malakas

"Hala Hindi ah mahal kita noh bilis na kasi sagutin mo na yung tanong ko alam mo puro ka joke diyan" sabi ko

"Okay okay siguro sabihin na lang niya ng maaga na di niya mahal yung tao kaysa naman pinagmumukha niyang tanga yung isa na ang tanging ginawa eh mahalin siya tapos Hindi naman pala niya mahal ang sakit kaya nun masyadong one sided love at the end pareho pang silang masasaktan dahil yung isa paasa na nagbabakasakali na matutunan niyang mahalin yung taomg ayaw niyaat yung isa umaasa na mahalin siya kahit sa huli masasaktan lang siya "

Naisip ko tama nga masasaktan nga silang dalawa sa huli

"Xesia ano ba naman iyan bakit naitanong mo ang mga bagay na iyan
Nasobrahan ka yata sa k-drama mo ha at pati iyan na itatanong mo" sabi niya

"Hmmp di kaya atsaka ayun na nga lang kasiyahan ko ano ka ba lalo na yung mga oppa na bida dun haaay ang cute kaya nila"

"Xes ano papapiliin kita ako o yung oppa mo?" Tanong niya

"Oppa ko " sabi ko

"Haiish ipagpapalit mo pala ako sa oppa mo"

"Hindi kaya ang sabi ko oppa ko ikaw ang oppa ko uy kinikilig siya" sabi ko habang tumatawa

"Hmmm ikaw ha kung ano ano iyang natutunan mo ha ikaw talaga pinapakilig mo ako"

*

"Mabuhay ang bagong kasal"

"Wow isang kiss pa ulit Zachie!!!"

"Woohoo sa wakas kinasal ka na din bro!"

"Naku kailangan pagbalik niyo may honeymoon baby na kayo ha!"

"Naku Zachie ang galing mo talaga ang ganda ng asawa mo!"

Iyan ang bulyaw at tukso Kay Kuya Zachie dito sa kasal niya

Mabuti na lang at tinupad ni babysitter na Hindi siya tatakas sa kasal nila

At sana mahalin din niya si kuya

"Babe ano tulala ka diyan"

Tanong ni Celdrick sabay akbay sa akin

"Wala lang ang saya lang nila siguro iba talaga kapag kinasal ka na noh" sabi ko

Bigla naman nilapit ni Celdrick yung bulaklak na hawak niya sa akin

"Teka ano ito?" Tanong ko

"Aaah iyan ako ang sumali niyan oh ibig sabihin niya tayo na ang susunod na ikakasal babe" sabi niya sabay ngiti sa akin

"Hehehehe ikaw talaga " sabi ko sabay halik sa kanya

"Xesia  I do "sabi niya

Nagtaka naman ako

" oh anong isasagot mo"tanong ulit niya

"Ano bang ginagawa natin?" Tanong ko

Napakamot naman siya sa ulo niya

"Nagpapractice tayo ng kasal natin di ba tayo na yung sunod " nakakalolong sabi niya

"I do Celdrick baliw ka na nga talaga"
Sagot ko

Hinatak ko yung tie niya para mapalapit sa akin yung mukha niya

"Can I kiss the bride" bulong niya

"Yes ,you may kiss the bride" sabi ko sabay dampi ng mga labi namin sa isat isa

#shadingxesia
...
Plagiarism is a crime so don't try



Shading XESIA( Montes series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon