Chapter 32

125 1 0
                                    

Celdrick POV

Hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Xesia

Nakangiti lang siya sa akin di man lang niya alam kung anong ang mga nangyayari kung bakit kami umalis at lumayo sa lugar na iyon ang tungkol Kay Cariz at lalo na ang tungkol sa kasal

Dinala ko si Xesia dun sa Park kung saan kami dati nag pupunta kapag anniversary namin

"Celdrick nasaan tayo ?masaya ba dito kasi kung masaya dito edi gusto ko na dito" nakangiting sabi niya habang nakapulupot yung dalawang kamay niya sa braso ko

"Masaya dito ,Xesia alam mo dito tayo lagi pumupunta kapag anniversary natin kasi sabi mo nun sa lugar na ito nararamdaman mo na ikaw lang at ako " sabi ko sa kanya

"Talaga Celdrick dati pa tayo pumupunta dito edi dati pala mahal na mahal mo na ako "

Hinapit ko naman palapit sa akin ang beywang niya na para bang ayaw ko nang pakawalan pa siya 

"Oo mahal na mahal kita noon hanggang ngayon at kahit anong mangyari walang magbabago dun " sabi ko

I kissed her but now it is much passionate di ko inalintana kung may nakakakita man sa amin

Basta ang alam ko mahal ko si Xesia

******

Naglakad lakad kami I bought her an ice cream yun kasi ang gusto niyang kainin

Binilhan ko rin siya ng isang bouquet ng flowers

Umupo kami sa isang bench ng park
At dun kami nagpalipas ng oras

"Celdrick pwede ba kitang tanungin?"
Sabi niya sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko

"Ano yun Xesia ?anong tanong naman ang gusto mong sabihin " sabi ko

"Celdrick anong klase ba akong tao dati ?" Tanong niya

She asked that question yung tanong na mahirap ano nga bang klaseng tao siya dati

She's elegant

Smart

But

She's a possessive one

But I don't want her to know about what kind of person is she before

"Anong klaseng tao ka dati?uhmmm teka bakit mo naman naitanong iyan Xesia ?"sabi ko sa kanya

"Wala lang gusto ko lang malaman "

Tiningnan ko siya sa mata

"Xesia tandaan mo kung ano ka man noon Hindi mo na dapat isipin pa kasi alam mo ang mas mahalaga ay kung ano ka ngayon kasi noon man at ngayon di  wala naman magbabago kasi noon mahal kita at ngayon mahal pa rin kita "

"Salamat Celdrick pero promise kapag bumalik na yung alaala ko ikaw pa rin yung mahal ko at walang magbabago dun "

"Promise"

"Oo promise"

Niyakap niya ako

May kinuha naman ako sa bulsa ko na isang box na maliit

Lumuhod ako sa harapan ni Xesia nagulat siya kung bakit ko ginawa yun

"Celdrick teka madumi diyan ano bang ginagawa mo bakit ka nakaluhid diyan tumayo ka na please"

Tiningala ko lang siya at inilahad sa kanya yung box

"Xesia tatayo lang ako dito kapag tinanggap mo yung tanong ko"

Nagtataka siya bigla

"Ano ba yun Celdrick?"

Binuksan ko naman yung box at kinuha yung singsing dun

"Xesia magpakasal na tayo ,xesia pakasalan mo ako "

Naguguluhan siya pero kahit anong mangyari hihintayin ko yung sagot niya

"Xesia will you marry me please sumagot ka naman naka ilang tanong na ako eh"

"Papakasalan ?kapag ba pinakasalan na kita papayag ka na sabihin sa akin kung saan galing yung baby gagawa na ba tayo ulit nun?"

Natawa ako sa sinabi niya inosente pa rin pala talaga siya

"Oo kahit ilang pa ang gusto mo Xesia please sagutin mo na yung tanong ko"

"Oo Celdrick papakasalan na kita kasi mahal kita atsaka nag promise ka na ha gagawa ulit tayo ng baby atsaka tatayo ka na rin diyan"

Tumayo ako at inilagay ko sa daliri niya yung singsing

"Ano ito Celdrick?" Takang tanong pa rin niya na para bang wala talaga siyang clue sa mga sinabi ko

"Singsing iyan ibig sabihin niyan ay ikaw yung papakasalan ko fiancé na kita Xesia I love I love you I love you"

Hinalikan ko siya sa bawat parte ng mukha niya ang saya saya ko kasi ngayon official na kami at sigurado na ako na siya ang papakasalan ko

Nakangiti pa rin siyang tumingin sa akin

"Celdrick ano bang ibig sabihin kapag papakasalan mo na ako ano yun"

"Ayun yung gagawin natin para maging mag asawa na tayo katulad Nina Brenna at Keldrick kaya may kambal na sila na anak"

"Ah ayun yun okay Celdrick papakasalan na talaga kita saan tayo magpapakasal Celdrick "

"Sa simbahan "

"Sa simbahan edi ngayon pupunta tayo sa simbahan"

Hinawakan ko yung mukha niya

"Di pa sa ngayon Xesia kasi marami pa tayong aayusin  at kapag naayos ko na lahat yun dun na tayo magpapakasal pero ngayon ako na ang fiancé mo at ikaw naman ang fiancé ko ha"

"Okay Celdrick salamat atsaka I love you!!!papakasalan na ako ni Celdrick!!! Yehey !!!" Sigaw niya

"Magpapakasal na kami !!!magiging asawa ko na si Xesia!!!" Sabay yakap sa kanya

Para kaming mga baliw na nagsisisigaw pero wala akong pakialam dahil ngayon

Si Xesia na ang papakasalan ko...

#shadingxesia
...
Plagiarism is a crime so don't try

Shading XESIA( Montes series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon